Tatlong buwan ang lumipas naging mas malalim ang pagkakaibigan nila. Mas lalo silang naging kumportable sa isa't isa andito yung eksenang nagkakaladkadan sila papasok sa simbahan kase ayaw ni Thaicus magsimba dahil masusunog lang daw sya sa loob.
Pero sinusuklian lang sya ni Rui ng hagalpak at pinaghahampas si Thaicus sa likod, kaya di makakatanggi si Thaicus. May eksena rin na pinakilala ni Rui si Thaicus sa Lola nito, na ikinabigla ni Thaicus "Lola! Thaicus nga po pala! Nakilala ko sa school, kaibigan ko" sa huling salitang sinabi ni Rui tila may kumirot sa puso ni Thaicus, na hanggang magkaibigan nga lang talaga sila, ngunit di nya parin maiwasan umasa na baka pwedeng magbago ito at pwede syang ipakilala nito bilang isang minamahal na matagal na nyang gusto, pero sino nga ba sya para guluhin ang buhay ng isang dalaga, isa syang kriminal na gustong pumatay ng mga tao bilang kaligayahan nya, di nya maiwasang isipin na matatali ang isang babaeng kabaliktaran ng pagkatao nya para lamang sa nararamdaman nya.
"Lynx Rui Fuente..." nabigla si Rui nang magsalita si Thaicus sa harap nya at buo nya pang pangalan, bago sakanya yun. Kasalukuyan silang nasa ilalim ng puno at nakaunan sa hita nya si Thaicus, kung titingnan ay para silang magkasintahan. "Bakit Kikiam? May problema ka? Haha!" napakunot naman ang noo ni Thaicus ng tawagin sya nitong kikiam, ito kase ang paboritong kainin ni Thaicus pag napapadaan sila sa tindahan ng fishball-an "Seryoso kase, may sasabihin lang ako" seryosong saad ni Thaicus saka nagiwas ng tingin, dahil bumibilis ang tibok ng puso nya kapag ngumingiti ito.
"Ano ba itatanong mo?" habang pinaglalaruan ang kulay abong buhok ni Thaicus. "Na-inlove ka na ba?" pag iiwas tingin na tanong nito. "A-ah? Syempre oo naman! Masarap kaya sa feeling ang mainlove" namumulang saad ni Rui, tinitigan lang sya ng mabuti ni Thaicus habang sinasabi yun
"Minsan mahirap..kase walang kasiguraduhan kung masasalo ka ng taong kinahulugan ng nararamdaman mo, pero kung mahal mo matatanggap mo kung sino sya, matatanggap mo bawat imperfections nya, kase nga mahal mo diba? Haha!" napantig ang tenga ni Thaicus sa sunod na sinabi nito, ibig sabihin matatanggap sya ni Rui kahit kriminal sya? Pero ang sabi nya...kung mahal ka....
YOU ARE READING
Ika labing-Limang Biktima
HorrorAng storyang ito ay naglalaman ng brutal at madugong pagsasalaysay, naglalaman din ito ng typographical errors, wrong grammars. Plagiarism is a crime. "Kriminal ako, wag tularan" - Thaicus Gil