[One]

72 1 0
                                    

[One]

"REALLY? Gagawin ng movie yung favorite nating wattpad story?"

"Oo!!! Excited na kong malaman kung sinong gaganap. *u*"

"Hay. Sana sa tunay na buhay, nag-eexist talaga yung mga lalaking katulad nung nasa mga watty stories."

"Super agree!"

Naiiling na lang ako habang naririnig yung daldalan ng mga kaklase ko ngayon.

Fiction romance stories? I don't believe in them. Halos paulit-ulit na lang yung tema.

May isang mala-diyos sa pagkaperpektong lalaki ang mahuhulog ang loob sa isang normal at ordinaryong babae.

Totoo ba yun? Pwede ba yun? Sa tunay na buhay, imposible.

May nakita ka na bang artistang nainlove sa isang sidewalk vendor? No offense against anyone. I'm just stating the reality.

Di naman talaga kasi nangyayari yung ganun sa realidad. Pinapaasa lang ng mga ganung kwento ang mga katulad naming -no, do not include me- katulad NILANG hopeless romantic.

I'm not being bitter or negative here. Ayoko lang paasahin ang sarili ko sa mga bagay na imposible.

That's the reason why I hate those cliches.

Abnormal na kung abnormal. Basta ganun ang pananaw ko.

"Meron namang lalaking katulad nung mga nasa watty stories na nag-eexist ah."

"Sino?"

"Si Migz!"

"Migz? As in The Miguel Alcantara? Yung vocalist ng bandang Ignition?"

"Oo. Di ba… isipin mo? Gwapo, matalino, mayaman, may magandang boses at nakakatunaw na ngiti. Para talaga siyang hinugot sa isang wattpad story." (mapapabuntong-hininga)

"What? Pati ba naman ikaw crush din siya?"

"Ngayon mo lang nalaman? Haleerr. Lahat kaya ng babae  mula sa mga freshmen hanggang sa seniors, crush na crush siya!"

"I heard from someone na may girlfriend na raw yun?"

"Wala noh! Baka kung sino lang na nagfe-feeling."

Ayoko na nga dito. Naiirita na ko sa topic nila.

Tumayo ako para lumabas. Makapagpa-photocopy na nga lang muna ng hand-out lectures kesa sa ma-stock sa loob ng classroom.

"Clareese!"

Napalingon ako sa bestfriend kong si Mela na napansin ang pagtayo ko.

"San ka?"

Pinakita ko yung lectures.

"Photocopy lang."

Ngumiti siya sakin at binalik na ulit ang atensyon sa cellphone niya. Napailing na lang ako. Busy na naman sa kakatext sa boyfriend niya.

Luch break kaya maraming mga estudyanteng nakakalat.

Naglalakad na ko sa corridor, patuloy pa ring nag-eecho sa utak ko yung daldalan ng mga kaklase kong babae…

"Si Miguel Alcantara! Lahat kaya ng babae mula sa mga freshmen hanggang sa seniors, crush na crush siya!"

Lahat?

Not me. I'm not included.

Dahil spaced-out ako, di ko namalayang may paparating sa harapan ko at nagkabanggaan kami.

Nagkalat sa sahig ng corridor yung kaninang hawak ko na lecture notes. Automatic ko yung dinampot at inisa-isa para tignan kung nadumihan.

Badtrip naman oh. Hiniram ko lang pa naman to dun sa top student ng section namin.

Never Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon