[Six]

36 0 0
                                    

[Six]

Iyon na ang una at huling beses na nabanggit ni Gio ang tungkol sa bagay na yun. Ang tungkol sa pagkagusto niya sa isang babaeng wala akong ideya kung sino.

Naisip ko tuloy na, tulad ng naramdaman ko noon para kay Miguel, baka mababaw na paghanga lang din yun. O di naman kaya baka pagka-crush kay Katy Perry o Megan Fox lang yun.

Kung matagal na talaga niyang gusto yung babae at seryoso naman siya para dito, bakit hindi niya niligawan, di ba? Bakit binalewala lang niya at hinayaang lumipas ang mahabang panahon? Baka nga wala lang yun talaga.

"Huy, Clareese. Ano na naman bang iniisip mo?"

untag sakin ni Mela habang sumusubo ng Piattos.

"May naalala lang akong pangyayari. Antagal na pala magmula nun… Tatlong taon."

Hindi naman maintindihan ni Mela ang sinasabi ko, kaya matapos magkibit-balikat ay binalik na lang niyang muli ang atensyon niya sa panonood ng MYX Daily Top Ten at pagkain ng Piattos.

Mabilis na lumipas ang tatlong taon. At syempre pa, marami ring nangyari.

Pumainlanlang sa loob ng maliit kong kwarto ang tugtog ng isang papasikat na banda.

"Ano ba yan. Mas magaling pa dito yung banda nina Ton eh. Dapat ata magdebut na rin sila," comment ni Mela dun sa banda.

Napailing na lang ako. Siya na ang #1 fan ng banda ng boyfriend niya. Mabuti pa siguro siya na ang mag-manage ng debut nila.

At dahil napag-uusapan na rin lang ang mga banda, sumagi sa isipan ko ang bandang Ignition.

Sa maniwala man kayo o hindi, wala na ang bandang Ignition. Nag-disband sila more than a year ago. Inulan sila ng intriga sa kasagsagan ng kanilang kasikatan. Kesyo nagda-drugs daw sila, may alitan ang mga band member at may isyu pa na nakabuntis daw si Miguel.

Hindi ko alam kung ano ang totoo sa hindi. Ang alam ko lang, nakakalungkot ang kinahantungan ng mga pangarap nila.

Magmula nun, mula nung mag-disband sila, wala na kong nabalitaan tungkol sa banda nila… wala na kong nabalitaan tungkol kay Miguel.

Pumailanlang sa loob ng maliit kong kwarto ng tunog ng ringtone ni Mela.

"Hello?" sagot niya sa tawag.

Sumilip ako sa sarili kong cellphone para tiginan kung meron ba kong mensahe. As usual, wala. Buti pa si Mela parating may katawagan. Sumubo na lang ako ng Piattos.

"Opo, honey… Oo… Uuwi na… Text kita pagkauwi ko." Kinikilig-kilig pa si Mela habang kausap-sino pa ba-si Anthony.

Tumayo na si Mela at sinukbit ang bag niya. Pinatay ko naman ang TV at pagkatapos ay hinatid ko na siya sa labas.

"Pag may vacant, kita na lang tayo bukas! Alam mo na yung sches ko, di ba? Babye Bes!" masiglang paalam sakin ni Mela bago umandar ang tricycle.

Matipid akong ngumiti at kumaway sa kanya.

Napahikab ako. Kailangan ko na ring matulog dahil resume na ulit ng classes bukas.

Papasok na ko ng gate namin nang may biglang tumapik sakin… at pagtalikod ko…

"CLAAANG!!"

"Anak ng siopao!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Aatakihin ata ako sa puso.

"HAHAHAHAHA."

Mabilis kong hinampas si Gio.

"Nakakainis ka!"

"Ang epic ng itsura mo. Grabe. Hahahaha."

Sinimangutan ko si Gio at tinalikuran siya. Pagkatapos ay mabilis akong pumasok at sinarado ang gate namin.

"Woy! Teka lang, Clang! Papasukin mo naman ako."

"Ewan ko sayo, Gio."

"Teka! May sasabihin ako sayo."

Napahinto ako sa pagpasok. Muli akong humarap sa kanya.

Ano nga kayang sinadya niya rito? Imposible namang gabi na pero naglakad pa siya papunta sa street namin para lang gulatin at asarin ako. Pinanganak man siya para kulitin at asarin ako habang-buhay, subalit, kung iisipin, ang effort naman nung puntahan pa ko sa bahay namin para lang mamerwisyo.

Siguro nga… may mahalaga siyang sasabihin. At sapat nang rason iyon para mapahinto ako.

"Ano ba yun? Dalian mo matutulog na ko."

Hindi ko pinahalatang nahihiwagaan ako sa biglaang pagsulpot niya at sa sasabihin niya.

Saka, naiinis pa rin ako sa panggugulat niya sakin. Akala ba niya nakakatuwa? Pano kung inatake talaga ako sa puso? Mumultuhin ko talaga siya.

"Ano… kasi… sabay tayong pumasok bukas."

Ha? Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Parang binulong lang niya kasi niya sa hangin.

Humikab akong muli.

Bumibigat na talaga ang talukap ng aking mata.

"Hmm… sige."

Sagot ko kay Gio para lang matapos na ang pangungulit niya sakin at nang makatulog na ko.

Nasaksihan kong muli ang malapad niyang ngiti at kumikislap na mga mata. Napailing na lang ako. Di ko talaga maintindihan tong si Gio.

<Kinabukasan>

Nagmamadali kong sinuot ang sapatos ko.

"Ma! Napansin nyo po ba kung saan ko nalagay yung ID ko?"

Maiwan ko na lahat, wag lang yun.

"Aba't… Bakit di mo kasi inasikaso yung mga gamit mo kinagabihan pa lang?"

Heto na naman po tayo kay Mama. Eh tumambay po kaya si Mela dito kaya nawala sa isip ko ang magsinop ng gamit.

Muli akong pumasok sa kwarto ko at nagpatuloy sa paghahanap ng ID kong ayaw magpakita.

Mayamaya…

"Ano ba, Claring! Anong oras ka ba lalabas? Male-late ka na!" sigaw ni Mama sa sa labas ng pinto ng kwarto ko.

UGH.

Mas malala pa ang "Claring" sa "Clang". Di ko kinakaya si Mama. Bakit ba ang hilig ng mga magulang na papangitin yung pangalan ng mga anak nila? =______=

Sa wakas, natagpuan ko rin ang ID ko. Sinilid ko na to sa bag at binuksan ang pinto.

"Good morning!" nakangiting bati sakin ni Gio. Tulad ko, nakasuot na rin siya ng uniform ng college nila.

Magkaiba kami ng kurso kaya magkaiba kami ng college. Nasa College of Arts and Letters (Communications ang kurso) siya habang ako College of Engineering (MechEng) ang kurso.

Ang linis linis niyang tignan ngayon. Natapos na ang teenage phase ng buhay niya kaya mas kuminis na ang mukha niya. Natuto na rin siyang mag-ayos at magdala ng damit.

Fresh, bagong ligo  mabango… at parang ansarap yakapin…

TEKA! ANO TONG SINASABI KO?

"Ma! Ano pong umagahan?"

Kunwari ay hindi ko nakita si Gio at nilagpasan siya. Masama talaga ang magpagutom. Kung ano-anong naiisip ko.

Pinigilan ako ni Gio at hinawakan ako sa wrist ko.

"Male-late na tayo, Clang. May tuna sandwich ako dito, gawa ni Ate. Kainin mo na lang sa tricycle."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palabas ng bahay namin.

"Tita, alis na po kami," paalam niya kay Mama.

Ako naman, natahimik na lang at… walang maintindihan sa lahat ng nangyayari.

Si Gio: pagsulpot sa pintuan ng kwarto ko, pagooffer ng umagahan, paghawak sa kamay ko, pagsabay sakin sa pagpasok.

ANONG NANGYAYARI?

Pano nga pala niya nalaman ang sched ko? Bakit hanggang sa building ng klase ko hinahatid niya ko?

Never Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon