[Seven]

49 0 0
                                    

[Seven]

Hindi na naulit pa ang pagsundo sakin ni Gio sa bahay. Mabuti nga yon dahil kung hindi, iisipin ko talagang clone lang siya ni Gio. Na hindi talaga siya si Gio at isa lamang impostor.

Isipin mo naman kasi, mula pagkabata, iisa lang ang pinasukan naming mga paaralan, subalit KAILANMAN walang nangyaring:

-Umagang-umaga, si Gio nasa labas ng kwarto ko, uulitin ko: LABAS NG KWARTO KO.

-Umagang-umaga, si Gio ang unang masisilayan ko.

-Umagang-umaga, natitigilan ako sa malapad niyang ngiti.

-Umagang-umaga, di ko maintindihan yung nangyayari sa puso ko at sa tiyan ko dahil sobrang lapit ni Gio.

-Umagang-umaga napapaisip ako kung anong nangyayari.

Bakit nga ba yun ginawa ni Gio? Wag mong sabihing nagkakagusto na siya sakin?

HINDI MAAARI.

Bakit ko naman naramdaman yung mga bagay na yun? Yung pagkahigit ng hininga, yung pagkatuliro, yung pagbilis ng tibok ng puso. Wag mong sabihing nagkakagusto na ko kay Gio?

MAS LALONG HINDI MAAARI.

Sa mga palabas lang posible ang ganung mga bagay. Magkaibigan… tapos magkakagustuhan? Magulo at kumplikado. Pano kung nag-a-assume lang pala ang isa?

Bukod dun, masyado na ring cliche. Gasgas. Lumang plot.

Ang kaso, bakit wala pa ring nililigawan si Gio? At bakit wala pa ring nanliligaw sakin? Sa dulo ba… kami talaga?

Hanep. Kakaisip ko kay Gio di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng campus namin.

Tumingin ako sa aking relong pambisig. Bahagya akong napangiti. Maaga pa. May oras pa ko para mailagay sa clearbook yung plates ko. Bukod dun, tumila na rin ang kaninang malakas na ulan at unti-unti nang lumilitaw ang araw sa likod ng mga ulap.

Chineck ko sa kapit kong sliding folder kung nadala ko ba yung mga plates. Nakahinga ako ng maluwag nung hindi ko naman pala naiwan.

Humakbang na ko papatawid ng kalsada nang biglang may humaharurot na motorsiklo ang nakahagip sakin.

Nang bumagsak ako sa basang kalsada, hindi ko na naisip kung may bali o sugat ba ko. Ang tanging nasambit ko na lang ay…

"Yung plates ko!"

Subalit huli na ang lahat dahil sumabog at nagkalat na yung mga pinaghirapan at pinagpuyatan kong plates sa kalasada-sa BASANG kalsada. Uulitin ko, SA BASANG KALSADA.

Mabilis akong napatayo at sinubukan kung may maisasalba pa, pero wala na. Tuluyan na talaga silang nabasa at naputikan. Bukod dun, binubusinahan na rin ako ng mga dumadaang sasakyan.

Nanlulumo na lang akong napaupo sa gilid ng kalsada. Hanggang sa marealize ko na lang na umiiyak na pala ako.

Nakakalungkot lang na nakakainis na ang unfair sa pakiramdam. Tumatawid naman ako sa tamang tawiran. Lumingon naman ako sa kaliwa at sa kanan bago tumawid, at sigurado akong bigla na lang sumulpot yung motorsiklong yun.

Anong gagawin ko ngayon? Buong bakasyon kong pinaghirapang kumpletuhin yung compilation ko ng plates. Tapos sa isang iglap lang… sumabog sila sa ere, nabasa at nadumihan. Sa totoo lang, wala akong ibang maisip na gawin ngayon kundi ang umiyak.

Namalayan ko na lang na may lalaking nakavarsity jacket at may suot na black helmet ang lumapit sakin.

"Miss… sayo to, di ba?"

Sino pa ba nga ba? Ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklong muntik na ngang makapatay sakin, sinira pa yung plates ko.

Inaabot niya sakin ngayon yung di na mapapakinabangan pang compilation ko. Siguro nakokonsensya siya sa ginawa niya kaya pinagpupulot niya yung nagkalat kong plates sa basang kalsada.

Mabilis akong tumayo, pinahid ang aking mga luha, at sinimangutan siya.

"Eh ano namang gagawin ko diyan? Sa itsura niyan ngayon, sa tingin mo ba masa-submit ko pa yan?!"

Natigil sa pagtulo ang mga luha ko nang tanggalin ng lalaking kaharap ko ngayon ang suot niyang helmet. Literal akong natigilan.

S-Si Miguel.

"I'll fix this. At wag kang mag-alala, ito na ang huling beses na paiiyakin kita, Clareese."

Si Miguel Alcantara.

Kailanman, hindi ko naisip na magkikita kaming muli sa ganitong paraan--sa isang banggaan. Hindi ko akalain na darating ang araw na literal kaming magko-collide ni Miguel. Mapagbirong tadhana.

Wala akong maintindihan sa nangyayari. Panong andito si Miguel sa harapan ko ngayon? Akala ko ba sa Manila na siya nakatira? Anong ibig sabihin niya sa "Wag kang mag-alala, ito na ang huling beses na paiiyakin kita, Clareese"? At ang pinakanakakawindang sa lahat ng nangyari ngayong umaga, BINANGGIT BA TALAGA NI MUGUEL ANG PANGALAN KO?

Clareese.

Napailing na lang ako para iwaksi ang mga iniisip ko dahil alam kong ang mas dapat kong problemahin ngayon eh yung compilation ko ng plates na bukas na ang submission.

Hindi si Miguel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon