[Five]

39 0 0
                                    

[Five]

"Hindi, Clang."

Siguro nga hindi talaga.

Siguro nga hindi talaga galit sakin si Gio. Siguro nga, kailan man, hindi magiging para sakin si Miguel.

< * * * >

Nasa library ako nang mapansin ko si Gio sa isa sa mga long table. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa isang libro.

Napangiti ako. Bahagya akong nakahinga ng maluwag ngayong nakita ko siyang muli. Mukhang busy nga lang talaga siya sa pag-aaral at mali ang iniisip kong nagtatampo at umiiwas siya sakin.

Finals week ngayon kaya maraming tao sa library. Ayokong mag-review pag ganto. Hindi ako kumportable. Gusto kong tahimik at mag-isa pag nagrereview. May sinadya lang akong reference book kaya ako napadaan dito sa library.

Bahagya akong lumapit kay Gio. Ni hindi man lang niya ako napansin. Nakakunot pa rin ang noo niya at tinatapik-tapik yung lapis na hawak niya sa may mesa. Nasilip kong sinusubukan pala niyang sagutin ang isang given problem sa Calculus.

Napangisi ako. Kaya pala… Math. Ayaw na ayaw ni Gio ng Math. Na nakakapagtaka para sa isang lalaki. Di ba kadalasan, gusto ng mga lalaki ang Math?

"Gio," tawag ko sa kanya.

Tumingala siya at bahagya pang nagulat nang makita ako. Nginitian ko siya.

"Oh, Clang."

Ilang segundo siyang tumititig sakin. Nakakapagtaka. May dumi ba ko sa mukha?

"Anong meron?"

Huh?

"Bakit ang saya mo ata ngayon?"

Napailing na lang ako. Ano bang sinasabi ng Gio na to? Imbes na sagutin ang kanyang tanong, niligpit ko na lang yung mga libro niya.

"Tara! Kain tayo." Hinatak ko yung braso niya para tumayo na siya.

Tulala pa rin siya pero sumunod din naman sakin palabas ng library.

Tumigil siya sa kalagitnaan ng aming paglalakad. Paglingon ko sa kanya, ang seryoso ng mukha niya at hindi ko mabasa kung anong emosyon ang pinapahiwatig ng kanyang mga mata.

Pangamba? Pag-aalala? Lungkot? Sakit?

Hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, wala akong makitang bahid ng saya. Bakit naman ganun?

"Gio?"

"Clang… ba-bakit ka masaya?"

Napakunot ang noo ko. Bakit? Ano namang meron kung masaya ako?

"Huh?"

"May… may nagpapasaya na ba sa'yo?"

Bahagya pa siyang pinagpapawisan at seryosong nakatitig sa mukha ko. Para namang may nangyaring kakaiba sakin. Akala mo naman tinubuan ako ng pakpak.

"M-May boyfriend ka na ba?"

Hindi ko mapigilang hindi humalakhak sa tanong niya. Linapitan ako ni Gio habang tawa pa rin ako ng tawa.

Ako? Magkakaboyfriend? Ako? Si Clareese Domingo? Wow naman. Halos one week ago nga lang, nagkaron ako ng heartbreak from a "high school crush".

Ayoko na nga munang isipin yung ganung mga bagay. Baka kasi kung mas lumalim, kung mas naging seryoso, baka mas maging masakit din.

Napailing na lang ako. Masama pala ang epekto ng Math sa pag-iisip ng isang to.

Hinampas ko siya nang makalapit siya sakin.

Never Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon