[Two]

54 0 0
                                    

[Two]

Napakawalang basehan naman kung maiinlove ka sa isang tao dahil lang sa "gwapo, matalino, mayaman, may magandang boses at may nakakatunaw na ngiti" siya.

Kung sakali mang bibigay din ako sa pag-ibig balang araw, ayokong magkagusto o mainlove sa isang lalaki dahil lang sa mababaw na mga rason.

"Pssst. Bes!"

Tawag sakin ni Mela na sumisipsip ng frappe na binili niya mula sa isang booth.

December na ngayon. May school festival (kaya may mga nakaset-up na booth at on-going events) na parang pangkalahatang Christmas party na rin.

"Bakit ka nakatitig dyan sa 'WE LOVE YOU MIGZ!' placard? Naiinggit ka ba? Gawa rin tayo!"

"Huh? Hindi ah. May iniisip lang ako."

"Lam mo, mas maganda kung ngingiti ka. Di yung palagi ka lang dyang seryoso at nag-iisip ng kung anu-ano."

Inalok niya ko nung frappe na iniinom niya. Umiling ako at nagbigay ng tipid na ngiti.

"Try mong ngumiti palagi. For sure, dudumugin ka ng manliligaw," biro niya sakin na sinabayan pa ng tawa.

"Wag ka na nga. Di ko  pa iniisip yun noh? Wala akong planong maghabol sa pag-ibig. Whoever that guy is, he'll find me."

"Then where's the fun? Masaya kayang mainlove," matamis ang ngiti niyang pagmamalaki sakin.

Napailing na lang ako.

"Dun ka na nga sa boyfriend mo."

"Iniisip ko ngang gumawa ng placard para sa kanya eh."

Napahinto siya sa paglalakad.

"Babalikan kita mamaya. Bibili muna ako ng cartolina and stuffs. Kita tayo sa room!" paalam sakin ni Mela.

Dahil boring naman at magmumukha akong loner kung mag-isa akong mag-iikot sa mga booths, napagpasyahan kong bumalik sa room. Hihintayin ko na lang dun si Mela.

Naglalakad na ko nang may biglang humawak sa wrist ko at hinigit ako.

Pagtingala ko…

Si Gio.

Ngumiti siya sakin at nagpatuloy sa paghigit.

"Gio, ano ba? San tayo? Wag mong sabihing committee ka ng jail booth. Wala akong pang piyansa."

Kadiri pa naman yung jail booth. Sa pagkakaalam ko, may nilagay silang kung anu-anong nakakatakot na mga hayop dun (tulad ng ahas, palaka, bulate) kaya hinding-hindi mo nanaiising makulong.

Tinawanan lang ako ni Gio.

"Chill, Clang. Officer ako ng student body pero di ako sa jail booth naka-assign."

Hinatak ko yung wrist ko sa kanya. Bumitaw naman siya at huminto sa paglalakad.

"Eh san tayo?"

"Ililibre kita. Di ba may atraso ako sayo?"

"Huh? Wow naman. Eh last last month pa kaya yung ginawa mong pagbunggo sakin."

Naging busy kasi si Gio nitong nakalipas na mga buwan dahil nga sa yung officers ng student body ang assign sa preparation ng paparating na school events.

"Ayaw mo ng libre? Eh di sige."

Tumalikod na siya sakin at naglakad paalis.

"Sandali lang!" Kumapit ako sa braso niya. "Sinong nagsabing ayaw ko?"

Napatingin siya dun sa kamay kong nakakapit sa braso niya. Mabilis ko yung binitawan at binelatan siya. Ngisi lang ang ginanti niya sakin.

"Tara sa shawarma!"

Never Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon