[Three]
Clareese.
Tinawag niya kong "Clareese".
Si Gio…
…tinawag akong "Clareese".
"Clareese!"
Halos mabitawan ko yung hawak kong teddy bear dahil sa pagkabigla.
"Kanina ka pa hinahanap ni Mela. Nagwawala na siya dun sa room."
Tumango ako sa kaklase ko at mabilis ang mga hakbang na pumunta sa classroom namin.
"WAAAAH. Bes! San ka ba galing?"(Mela's face: T_____T)
Nakasalampak siya ngayon sa gitna ng art materials na binili niya.
"Wala ka pang nauumpisahan?" tanong ko.
"Wala pa. Ang haba kasi ng pangalan ni Hon."
"Hon" = "Honey" ang tawagan nila ni Mela ng boyfriend niyang si Anthony.
"Anthony". Mahaba nga kung isusulat. Magkukulang ang espasyo sa cartolina. Bukod dun, alam kong walang talento sa pagle-lettering tong isang to, kaya naman, wala talagang pag-asa.
"Wag ka na lang kayang gumawa?" suhestiyon ko.
"Eeeh! Gusto ko!!! Tutugtog siya mamaya. Gusto kong mapakita sa kanyang supportive girlfriend ako." (Mela's face: =3=)
Naupo ako sa silyang malapit sa kanya at napatitig sa hawak kong teddy bear.
"Bes, kapag may lalaking nag-alok sayo ng kasal… papayag ka ba?" tanong ko kay Mela.
"Ano? Kasal? Gantong edad natin may mag-aalok?"
"Halimbawa lang naman. Tapos dun pa sa lalaking hindi mo kelan man inasahang mag-aalok sayo?"
"Ano ba yan, Bes? Lam mo, kung anu-ano na namang iniisip mo. Pero sige, para matahimik ka na, ang sagot ko, syempre hindi! Kahit sino pa man, maski bf ko, kung mag-aalok sakin ng kasal sa edad kong to, tatanggi ako."
Kung ganun, tama naman pala yung ginawa ko kanina.
"Bakit, Bes? May nag-alok ba sayo?"
<flashback>
"Clang, palaka o kasal?"
Sinimangutan ko siya. Ano bang klaseng pagpipilian yun?
Ngumiti naman si Gio at nilahad ang kamay niya sakin.
"Will you marry me, Clareese?"
Tumindig ang balahibo ko sa bigat ng tanong niya. Alam kong sa isang Wedding Booth lang niya ako inaalok ng kasal subalit, yung titig niya… at yung senseridad ng bawat salitang binigkas niya… pakiramdam ko, hindi lang yun isang simpleng nagbibirong tanong.
Bukod dun, tinawag niya pa kong "Clareese". Mula pagkabata, tinatawag na niya kong "Clang". Ito… ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ko sa ganung pangalan.
Tama ba tong tumatakbo ngayon sa utak ko, o tulad ng parati ay masyado lang akong nag-iisip?
Sinalubong ko ang kumikislap niyang mga mata. Nakita ko ang unti-unti nitong paglungkot nang umiling ako sa tanong niya.
Binitawan ko yung bouquet, tinanggal yung nakakabit saking belo, dinampot yung teddy bear at pagkatapos ay tinalikuran siya. Siya…
Si Gio.
<end of flashback>
"Huh? Di ah. Wala," nag-iiwas ng tingin na sagot ko kay Mela.
"See? I was right then. Kung anu-ano na naman ngang iniisip mo. Lam mo, Bes, why don't you try to think about other things that are worth thinking of?"
BINABASA MO ANG
Never Be Mine
RomanceMost of the main character girls from romance stories fall for that freakishly perfect guy. But then, in reality, is it even POSSIBLE to have a love story with someone similar to those fictional guys? If ever you find yourself in the same situation...