[Four]

57 0 0
                                    

[Four]

"I know that I felt something different on that night. Something unfamiliar. Something unknown.

But then, I supressed myself from that feeling. I cannot grasp any reason to take a step towards it.

Maybe because I am sure that it promises nothing. That eventually, in the end, it would lead me nowhere. Maybe because I'm a hundred percent sure that he'll never be mine."

Mabilis kong inagaw yung journal ko mula kay Mela matapos kong marinig sa kanyang binabasa ng malakas ang mga nakasulat dito.

"Psh. Tampo na ko. Parang di mo naman ako bestfriend." (Mela's face: =3=)

"Eh bat kasi binabasa mo ng malakas?"

Mabuti na nga lang at abala na naman yung mga kaklase naming babae sa pagdadaldalan tungkol dun sa katatapos lang na festival. Nangingibabaw ang maingay nilang mga boses kaya't sa tingin ko naman ay walang nakarinig sa pagbabasa ni Mela ng journal ko.

Pinasok ko na sa loob ng bag ko yung journal para makasigurado.

"Then who's that HE? Care to share?"

Napaiwas ako ng tingin. Wala akong balak na sabihin kanino man yung di ko maintindihang pangyayari nung gabing yun. Maski na alam kong bestfriends kami ni Mela at walang masama kung sasabihin ko sa kanyang si…

"Miguel! Si Miguel?"

Halos mahulog ako sa inuupuan ko dahil sa sobrang pagkagulat sa pangalang sinambit niya. Mabilis akong umiling.

"Huh? Hindi ah. Kelan pa ko naging interesado kay Miguel?"

"Sabagay. I know that it's the one thing that is common between us," she laughed.

Pareho kasi kaming walang interes ni Mela kay Miguel Alcantara. Hindi ko masasabi kung hanggang ngayon ay "pareho" pa nga ring talaga. Mas makakabuti kung pareho pa rin.

"Alam ko na! Baka naman yung lalaking nagbigay sayo nung teddy bear! Yikeeee. Nagdadalaga na si Bes." (Mela's face: *u*)

Umiling ako.

"Kay Gio galing yung teddy bear. Hindi na rin kami nagkita nung gabi dahil siguradong umuwi yun ng maaga para magpahinga. Syempre, napagod yun sa pag-oorganize nung festival."

Muling bumalik sa alaala ko yung pangyayari sa Wedding Booth. Sumisikip ang dibdib ko pag naiisip yun. Mabigat sa kalooban at alam kong may mali akong nagawa kay Gio.

Siguro, sa susunod naming pagkikita, ako naman ang babawi sa kanya.

"Andaya naman oh. =3="

Mabuti na lang may pagka-dense tong si Mela.

Naudlot ang pang-iintriga niya sakin nang magtext ang boyfriend niyang si Anthony/Ton.

Halos magwa-one year na sila pero nangingisay pa rin sa kilig si Mela pag nakakatanggap ng text mula sa boyfriend niya. Naiiling na lang ako.

"WAAAAH! Bes!!!"

Tumayo pa siya, lumapit sakin at niyugyog-yugyog ako.

"Oh bakit?"

"Di ba birthday na ni Hon sa Friday?"

"Di ko alam. Hindi naman ako yung girlfriend."

Muli siyang nag-pout at pinakita ang nagtatampo niyang mukha.

Ngumiti ako. Di naman mabiro ang isang to.

"Anong meron?" tanong ko.

Muli siyang nabuhayan at napuno ng excitement.

Never Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon