Alyssa P.O.V
Maaga akong gumising ngayon para mag jogging oo nakabenda pa pero naitatakbo ko naman ng konti. Parang support nalang yung benda kung ma twist man ulit.
Tiningnan ko ulit ang babaeng tulog mantika! Pustahan kung hindi sya gigisingin ni Ate Dzi hanggang 11:00 am payan dyan.. Tapos sasabihin panyan ang aga aga pa. Palibhasa buhay prinsesa sa kanila ih.
Lumakad ako papunta sa bed nya. Magkabilang dulo kase .
Ang gulo gulo ng buhok nya parang lumaban sa kung anong bagyo eh hehhehe. Pero still she's so Damn beautiful .
Umupo ako sapat lang para matitigan ko ang muka nya.
Besht. Sobrang laki ng pinagbago mo since the day i first saw you.. Siguro kase 7 palang ako nun tapos 8 nasya nun 9 nanga ata eh.
Naalala kopa nun hindi pasya gantong kaputi.. Hahhhaha! Besht kung may dala lang akong Camera nun may pang black mail na sana ako sayo pag inaaway moko Hahaha. Pero alam ko naman na kahit meron akong pang black mail hindi ko yun gagamitin kase gusto kong inaaway moko hihi. I feel so important kase eh.
Napaka suplada mo na masungit na mahigpit na hindi mo maipaliwanag kase araw araw iba ang mood pero kung uulitin man ang panahon at pagkakataon.. Wala akong babaguhin kase masaya ko at naging Bestfriend ko ang isang babaeng katulad mo. Tanga ngalang ni Myco sinabi ko na sakanya na ingatan ka eh.. Baliw sya.
Biglang kumilos si Dennise kaya napatayo ako..
Den.. - tawag ko sakanya.
Hmm.. Myco.... Myco wait.. Don't leave me Myc.. -
Napailing nalang ako.. Si Myco padin hanggang panaginip? Gusto talaga ng babaeng tong saktan ang sarili nya . hays. Makaalis nanga.
Marahan kong sinara ang pinto. Mga 11:00 am na siguro ako uuwi saktong gising ni Dennise. San kaya magandang pumunta?..
Tama sa Dorm nina Ara. Magkaroom naman sila ni Kim .
Hoy Alyssa ! San ka nanaman pupunta pag nagising yung isa samin ka nanaman hahanapin - sigaw ni besht Ells galing sa kusina.
Hanep ang agap mo ah? Btw pag hinanap nyako sabihin mo nag jogging hane besht. - ngiti ko habang inaayos ang sapatos ko.
Saang lugar? - hikab ni Ate Dzi.
Dyan lang sa tabi tabi - sagot ko tsaka nag salamin.
Sinong kasama ? - bungad naman ni Jia na kabababa lang .
Ako lang magisa may nakikita ba kayong hindi ko nakikita? - lumingon lingon ako sa paligid.
Poke!
Ouch naman Greta san ka lumusot? - hawak ko sa ulo ko . hype! Ng kokonyat eh.
Nagdala kaba ng phone? Anung oras ka uuwi? Anong oras ka aalis? Kumain kanaba? - sunod sunod na tanong ni Ella.
Teka teka.. Ang dami nyo namang tanong eh. Mag jojogging lang yung tao at bakit ang agap nyong nagising? 5:30 am palang at wala tayong pasok ngayon.. sabado. - kunot noo kong tanong.