Alyssa P.O.V
Bakit ako nasasaktan? Bakit walang humpay ang tulo ng luha ko? diba ginusto ko naman to! Ako panga ang nagpumilit kay Myco na balikan si Dennise pero bakit ang sakit?
Mula dito sa bintana.. kita ko kung pano hinalikan ni Myco si Dennise.. at nakita ko kung pano tinanggap ni Den ng may pagmamahal ang halik nayun..
Badabog kong isinara ang kurtina ng bintana at humiga na sa kama ko.
Wag kang masyadong tanga Alyssa!! Hindi mo dapat mararamdaman to!! Umayos ka! Wala naman syang paki alam sa nararamdaman mo diba?!!! Kase bestfriend kalang nya.. !
Narinig kong pumihit ang pinto kaya dali akong tumalikod at nagtalukbong ng Kumot.
Sumara ang pinto at alam kong pumasok sya sa Cr.
Bakit ganto?!!! Bakit Dennise.. bakit kita minahal.. hindi dapat..
Sumara ang pinto sa banyo sign na lumabas nasya dun..
Nakarinig ako ng yabag papalapit sakin...
Hinawi nya ang kurtina ng bintana dahilan para tumama sa kumot ko ang sinag ng buwan..
Ly.. tulog kanaba? - umupo sya sa gilid ng kama ko.
Nakatalikod ako sakanya buti nalang..
Bakit moko sinabihan ng ganun kanina.. hindi moba alam na nasaktan ako? Hindi naman ako self centered eh bawiin mo yun Ly! Nakakainis ka naman ! -
Im sure nakainom sya.. the way palang ng pagsasalita nya ..
Akala ko yayakapin moko kanina.. at babatiin kasi kami na ulit ni Myco.. -
Kung alam molang Dennise kung gaano ko gustong maging masaya para sainyong dalawa.. pero hindi eh.. durog na durog ako..
Ly.. hindi din ako masaya.. *snif..* snif..* (umiiyak sya?)
Hindi ako masaya na nakikita kitang ganyan.. hindi ko magawang maging masaya Ly.. kase apektado ako eh.. ayokong ganyan ka sakin.. -
Nagunahan nanamang tumulo ang luha ko..
Alam nyo yung pakiramdam na pipilitin mong wag marinig yung pagiyak mo? Kasi ayaw mong malaman na nasasaktan kadin pala.
Ly naman.. wag mong gawin sakin to... Mahalaga ka sakin .. snif* snif* kahit wala kang paki alam sakin okay lang.. basta hayaan mokong magkaroon ng paki sayo.. Ly.. bago ko isipin ang sarili ko iniisip muna kita.. hindi ko nga alam kung bakit.. baka kase solid talaga yung pagkakaibigan natin.. - Den..
Hindi kona kaya! Pag tumagal pato maririnig nanya ang hikbi ko..
Lau... hmmm.. lau I love you... - kasabay ng pagkasabi ko nyan ang huling pagpatak ng luha ko.
I love you Ly.. I'm sure she loves you too.. and im happy for you.. -
Lumakad nasya palayo..
Mahal molang naman ako dahil kaibigan moko! Pero bakit ako? Ilang beses ko nang kinumbinsi ang puso ko na kaibigan lang kita.. pero hindi ih. Mahal kita Den! Mahal na mahal kita!.
