Third Person P.O.V
Sa tagal ng paghihintay ni Dennise sa Airport habang di mahinto ang pagiayak nya.
Ksabay ng madaming taong nagpapabalikbalik sa harap nya.
Dalawang bagay lang ang sigurado..
Yun ay kung dadating si Alyssa at sasama sa kanila? ..
Nagpaalam si Ella na mauuna ng pumasok sa loob.
Napatigil sya sa nakatayong babae sa harap nya.
Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya.
Wala itong dalang kahit na ano kundi ang sarili lang nito.
Dennise.. hindi mo kailangang umalis.
May sakit si Tita.. she needs us - sambit nito sakanya.Dun na nakawala ang luha na mas marami pa sa kanina..
Ibigsabihin hindi ka sasama? - iyak nyang tanong kay Alyssa.
Umiling ito habang umiiyak.
Gustong gusto ko Babe... pero -
Umalis kana Alyssa hindi kana dapat pang nagpakita.. Hindi ko kailangan ng isang katulad mo.. kaya kong wala ka! - buong sama ng loob na sambit nya dito..
Hinawakan sya sa kamay ni Alyssa nagsusumamo na manatili sya.
Dennise .. mahal na mahal kita.. pero kailangan ako ni Tita.. huk.. huk.. - iyak nito sakanya
Mahal? Parepareho lang kayo.. gano ba kahirap intindihin Ly? Gano ba kahirap na ako naman yung piliin? Ly tama na.. ayoko na... - iyak ni Dennise.
Sa lugar kung saan batid nilang dalawa na magiging simula ng paghihiwalay nila.
Sabay nilang binitawan ang isat isa..
Tumalikod at humakbang sa magkaibang direksyon..Wala ni isa sa kanila ang nais lumingon..
Ang tanging makikita mo lang ay ang walang humpay na pag agos ng kanilang mga luha..Pagtataka na bakit lahat ng pangako ay nawala..
Mga pangarap na binuo nilang magkasama.. naglaho na parang bula..
Ngayon.. patuloy silang lumalakad papalayo ng papalayo..
Dumeretsyo si Dennise pasakay ng Eroplano pabagsak syang umupo at tumingin sa bintana nito..
Tuloy padin ang pag tulo ng luha nya.. sakit.. .. panghihinayang.. at pagmamahal..
Hindi nya akalain na matatapos lahat.. hindi nya akalain na pareho silang susuko at itatapon lahat ng yon .. na pareho silang lalakad palayo ng walang lumilingon..
Pero eto sya.. naghihintay nalang ng paglipad ng eroplano na magdadala sa kanya sa kabilang panig ng mundo kung saan walang Alyssa...
Wala yung taong magpapangiti sakanya..
Na gigising sakanya tuwing umaga..
Na yayakap sakanya at hahagkan sya..Puno ang utak at puso nya ng kalungkutan at di maipaliwanag na emosyon..
Panong nahantong sa ganyun nalang ang lahat.. Paano nagawa ng tadhana na pasukuin sila.. Pano na sila?.. Wala nabang sila..?..