a/n: hi everyone! nagbabalik ang Timeless Modeling Agency. This story is actually one of my most favorite sa lahat ng model stories ko. Sana magustuhan niyo rin ito. :)
Just a little more and this is over. Paulit-ulit na sinasabi ni Risha sa sarili habang nakatitig sa lens ng camera. Nakahiga siya sa isang malaking kama. Nakalugay ang kulot at blonde niyang buhok sa puting bedsheet. And she was just wearing a pair of blue lacey lingerie.
Naipagpasalamat niya na ang tanging naroon lamang sa silid na iyon ay ang photographer, ang manager niyang si Andi at ang creative head ng men's magazine kung saan siya ang magiging cover. The lacey lingerie she's wearing at that moment is too daring for her personal taste. But it is what her image depicts so she had no right to complain. Besides, she has been doing it for ten years already.
Dapat ay nakasanayan na niya iyon. She was after all considered as the Sexy Goddess of the modeling world. Pantasya siya ng mga kalalakihan. Her sexy posters are a ll over the country. Regular din siya sa isang television commercial at calendar girl ng isang multinational Liquor Company. She was even hailed the number one sexiest women in the world by FHM Magazine for five consecutive years.
Marami ring offer ng mga sexy roles sa kanya sa pinilakang tabing. Ngunit lahat iyon ay tinanggihan niya. Alam naman kasi niya na wala siyang talent sa pag-arte. Isa pa ay wala siyang balak magpahawak at magpahalik sa kung sinu-sinong lalaki at ipanood iyon sa milyon milyong lalaki. Tama na ang mga larawan niya sa mga men's magazine at mga product endorsements.
Iyon nga lang, madalas pa rin ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkailang. Hindi na lamang niya sinasabi iyon para hindi mag-alala si Andi. Hindi naman siya nito pinilit na maging ganoon ang image niya. She agreed wholeheartedly to have a sexy image so she has to do her best and be tough. Hindi lang dahil ayaw niya itong biguin kung hindi dahil ayaw na niyang maloko ng kahit na sino. Because she promised that she will never be the same naïve, innocent almost ignorant Patricia again.
"Please arc your back a little Miss Risha," utos ng photographer. Walang salitang sinunod niya iyon. "That's good. Look here. I want a seductive look. Yes, that's great." Paulit-ulit na nagflash ang camera. Sumasakit na ang balat niya sa init ng mga ilaw na nakafocus sa kanya. Pero hindi siya nagrereklamo. Sinunod niya ang lahat ng sinasabi nito. Gusto niyang tapusin ang photoshoot na iyon ng mabilis katulad ng sang katerbang sexy photoshoots na ginawa niya sa nakalipas na mga taon.
Makalipas lamang ang isang oras ay sumigaw na ng "wrap!" ang photographer. Agad siyang dinaluhan ni Andi bitbit ang isang roba.
"That was perfect Risha darling!" nakangiting bati nito sa kanya.
Ngumiti siya rito kasabay ng pagsuot ng roba. "Thank you Andi. That was all for today right?"
"Well, they are asking kung gusto mong sumabay sa kanila kumain. And if you want to hang out with them tonight," imporma nito.
Apologetic siyang ngumiti. "Andi, can you tell them that I can't? Nangako ako kay mama na uuwi ako ngayon ng pampanga. Magpapanic siya kapag hindi ako nakauwi mamaya."
Bumuntong hininga ito pero ngumiti na rin. "Okay. Mas mahalaga naman ang mama mo kaysa sa mga iyan ano. Ayoko rin namang magalala ang mama mo baka atakihin na naman siya. Mag-iingat ka sa biyahe."
Tumayo na siya at umagapay sa paglakad nito patungo sa dressing room. Alam nito na mahina ang kalusugan ng kanyang ina. At mula ng atekihin ito sa puso sampung taon na ang nakalilipas ay masyado na itong naging dependent sa kanya. Naiintindihan naman niya ito dahil sila na lamang dalawa ang magkapamilya sa mundo. Ang kanyang ama na isang amerikano at kahit kailan ay hindi niya nakilala ay nabalitaan na lamang nilang pumanaw na. Mahabang pakiusapan pa bago niya ito nakumbinsi na kailangan niyang manatili sa maynila upang magtrabaho. Pumayag lang ito nang mangako siya na gagawin niya ang lahat para makadalaw rito linggo linggo.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY STAR
Romance"Don't smile like that at other people. Akin lang iyan, maliwanag?" Patricia was Miss Goody Two-shoes-palaaral, palaging gustong mag-isa, at mahilig magbasa ng libro. Kaya hindi niya inakalang makukuha niya ang atensiyon ni George, the arrogant but...