Part 13

18K 579 22
                                    

"THAT'S very mean of you George. Really mean," bungad sa kanya ni Yuuji na nasa labas lang pala ng dressing room.

Saglit niya lang itong tinapunan ng tingin pagkuwa'y mabilis na lumakad palabas ng studio. "Kailan ka pa naging tsismoso Yuuji?" malamig na tanong niya.

"Ngayon lang. May pakiramdam kasi ako na hindi mo na naman mapipigilan ang talas ng dila mo at magpapaiyak ka ng inosenteng babae. At tama ako. Sa totoo lang George hindi nakakatuwa ang ginawa mo. Tama siya, wala kang karapatang sabihan siya ng ganoon dahil sampung taon naman kayong walang komunikasyon hindi ba? So why are you so angry right now?" mahabang litanya nito habang nakasunod sa kanya.

Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. "Just shut up. Alam kong alam mong siya si Patricia kaya mo ako pinilit bumaba Yuuji. My anger is partly your fault," inis na sagot niya rito. Hindi niya tuloy alam kung magsisisi siyang pinagbigyan niya ang kaibigan niyang bumaba siya o hindi.

"Actually, dati akala ko kahawig niya lang. Buti na lang may isa akong regular customer sa Sweet Fantasy na showbiz reporter, naitanong ko sa kanya kung alam niya ang background ni Risha Abejar. And I learned that she really is Patricia. Ang laki ng ipinagbago niya hindi ba? I mean look at that body."

Huminto siya sa paglakad at asar na tiningnan niya ito. Bahagya itong umatras at ngumisi. "Just kidding. No I am not kidding. Okay I'm sorry. But the truth is I just want you to see her again. Matagal mo na siyang gustong makita hindi ba? Hindi ka lang nakabalik ng pilipinas dahil tinatambakan ka ng papa mo ng trabaho. But what did you do? You told her many hurtful words kahit kung tutuusin ay wala namang masama sa trabaho niya.

"Marami namang celebrity ang nagpapasexy ngayon. At baka nakakalimutan mo na ikaw ang may kasalanan sa kanya? Ni hindi ka pa nga nakakapagpaliwanag sa kanya. Dinagdagan mo pa ang dahilan para magalit siya sa iyo. She will really hate you now man," tila walang anumang sagot nito.

Hindi siya sumagot. Walang salitang nagpatuloy siya sa paglakad at pumasok sa executive elevator. Sumunod ito sa kanya. Now that he thinks about it, he realized that he was really harsh towards Patricia. Yet he just could not contain his anger when he saw her with only that little piece of clothing. Worst, she was smiling widely in front of other people. The smile that he claimed his long ago. And honestly, that was the main reason why he got angry all of a sudden. Dahil kahit hindi dapat, gusto niyang ipagdamot ang ngiting iyon.

But he admit the world seemed to stop when he saw her. Kahit pa iba na ang kulay ng buhok nito, o kahit iba ang kulay ng mata nito na sigurado siyang dahil sa contact lenses ay narekognisa niya ito kaagad. Especially when she smiled. Because he knew, na kahit limapung taon yata ang abutin bago sila magkita uli, hinding hindi niya maipagkakamali ang ngiti nito sa iba.

Hindi niya inaasahang makikita ito sa araw na iyon. Ang plano niya sana ay tapusin muna ang lahat ng trabahong itinambak sa kanya ng kanyang ama pagkatapos ay hahanapin niya ito. Dahil sa loob ng sampung taon ay hindi ito nawala sa isip niya. Hindi niya makalimutan ang itsura nito nang huli niya itong makita. It pained him that the hurt he saw on her eyes then was of his doing.

He wanted to explain everything to her. God knows he tried to follow her then. Ngunit naisip niya rin na bago niya ito kausapin, mas makakabubuting ayusin niya muna ang problema niya kay Mikha. Pero nang handa na siyang kausapin ito ay hindi na niya ito makita. Pagkatapos ay bigla pang nagdesisyon ang papa niya na ipadala siya sa amerika. For the last time, he tried to find her. Yet he failed. At ngayon ay makikita niya ito na ganoon? Ibang iba na ito. The only things that didn't change were her smile, and the taste of her lips. Ah, how he missed her.

"Hoy George. Humingi ka ng sorry sa kanya," pukaw sa kanya ni Yuuji.

Bumuntong hininga siya. "I know."

"But then, you're not good with words and you're bossy kaya baka bago ka makapagpaliwanag at masabi ang lahat ng gusto mong sabihin ay baka magalit lang siya lalo kapag sinubukan mo siyang kausapin uli," komento nito.

Nang sulyapan niya ito ay mukhang wiling wili pa ito. Nakaramdam na naman siya ng inis. Damn he knows that. It's just that he can't help to be that way since he was born like that. "I'll think of a way okay. So shut up."

Tumawa ito. "See? Your being arrogant again your highness. Sayang balak pa naman kitang tulungan."

Kunot noong napatingin siya rito. Ngumisi ito. "You want to win her again right? Pero hindi mo iyon magagawa kung hindi mo alam ang mga activities niya. Well, it just so happened that I know this reporter who knows almost everything about her. But I'll just shut up like you said."

He glared at him. Tumawa ito. "Just kidding. Siyempre tutulungan kita."

"Mabuti naman."

"So, tama ako hindi ba? Nakalimutan mo ang trabaho mo?" panunudyo nito.

Bumuntong hininga na lamang siya. Dahil tama ito.

"OKAY ka na ba Risha?" malumanay na tanong sa kanya ni Andi nang mapagbuksan niya ito ng pinto ng bahay niya.

Ngumiti siya at humalik sa pisngi nito bago ito inakay papasok ng bahay niya. "I'm better now Andi. Sorry kung hindi na kita nahintay noong shoot at umuwi na ako agad. Mag-aapologize na lang din ako sa staff ng shoot next time," sabi na lamang niya.

Tinitigan siya nito. Alanganing inayos niya ang salamin niya sa mga mata. Kapag nasa bahay lang siya ay iyon ang sinusuot niya. Pagkuwa'y bumuntong hininga ito. "I understand darling. Base sa sinabi mo sa akin sa telepono ay naiintindihan kita."

She smiled at him gratefully. Nang araw na makita niyang muli si George at mauna siyang umalis dito ay tumawag ito sa kanya kinagabihan. At dahil mabigat sa dibdib niya ang konprontasyong namagitan sa kanila ni George ay sinabi niya kay Andi ang lahat lahat. And it made her feel better. "Thank you Andi you're really the best."

Tumawa ito. "Naku huwag mo na akong bolahin. Hala, mag-ayos ka na. Napa-schedule na kita kay Darlyn. Kailangan mo na talagang ipaayos ang buhok mo at may photoshoot ka next week. Maganda sa career mo itong shoot na ito Risha," sabi nitong bakas ang excitement.

"Para saan ba iyan at mukhang excited ka?"

"Para sa Young and Free darling. Pasok ka sa top five ng 100 sexiest men and women nila. Noong nakaraan ay hindi pa daw nila alam kung saan ang shoot pero kahapon ay tinawagan na ako ng in-charge. I heard na sa isang private beach resort sa batangas gaganapin ang shoot. This will be good publicity for you darling."

Ngumiti siya at tumango tango. Bigla na naman tuloy niyang naalala si George. Ano ang sasabihin nito kapag nalaman nitong isa siya sa sexiest celebrity sa bansa. Malamang kung anu-ano na namang panlalait ang sasabihin nito sa kanya.

"So you really have to go to Celebrity Trend today. Sasamahan na muna kita hanggang doon bago ko pupuntahan si Tiffany."

"Okay," aniya at tumayo. Hindi na niya dapat na isipin pa kung ano ang sasabihin ni George. Hindi na siya dapat na magpaapekto dito. But then, she remembered his kiss. Awtomatikong namula ang mukha niya. She was not prepared for that. Tuloy ay hindi niya iyon malimutan. Then again, isn't it his purpose in the first place? Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ayaw nitong makalimutan niya ang halik nito.

"Namumula ka darling? Hindi pa rin ba maganda ang pakiramdam mo?" pukaw sa kanya ni Andi.

Napakurap siya. "N-no. I'm fine. Magbibihis na ako." Ipinilig niya ang ulo. No, she should stop thinking about him. And his kiss. Though she's sure it will be difficult for her.

MY LOVELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon