a/n: this one is a long chapter. :) ayoko kasi putulin para masaya hehe. napansin ko pala na ang dami ko grammatical errors. sorry po, unedited version ito at sinulat ko seven years ago pa. 'di pa ako malinis magsulat nang panahong iyon. kapag nagka-time babalikan ko ang mga napost ko na para maedit. enjoy reading this part. :)
"MAKE-UP!" Nang marinig iyon ni Risha ay napahinga siya ng malalim at umalis sa pagkakapose niya. Nginitian niya ang stylist na lumapit sa kanya upang ayusin ang make-up niya.
"Carry mo pa ba Risha darling?" tanong ni Andi na lumapit rin sa kanya.
"Yes. Don't worry Andi. I'm getting used to this already," sagot na lamang niya kahit nakakaramdam na siya ng pagod. Kanina pang umaga nagsimula ang shoot na iyon at tanghalian na ay lampas kalahati pa lamang nila ang trabahong iyon. At kahit nagugutom na siya ay hindi pa siya pwedeng kumain hanggat hindi pa tapos ang shoot. Baka kasi lumaki ang tiyan niya, puro two piece swimsuit pa naman ang suot niya.
Nang matapos ayusin ang make-up niya ay nginitian siya ni Andi. "Well, if that's what you say. After this shoot I'll treat you. Papayagan kitang kumain ng kahit anong gusto mo," pabirong sabi nito.
Napangiti siya. "Sinabi mo iyan ha. I am craving for sweets," ganting biro niya.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "That's a lot of calories darling."
Natawa siya sa reaksiyon nito. Tinapik siya nito bago lumayo sa kanya. Nang lumingon siya sa photographer ay nakatitg lang ito sa kanya, maging ang head ng shoot na iyon at nakamaang sa kanya. Bigla tuloy siyang nailang. "Excuse me?" pukaw niya sa mga ito.
Tumikhim ang photographer. Pagkuwa'y ngumiti. "Sorry about that. You look so beautiful laughing that I suddenly want to change the theme of this shoot," sabi nitong tumingin pa sa head.
Tumango tango naman ang huli. "I agree. So, Miss Risha, can you smile and if you can laugh like that for this shoot? Gawin nating refreshing ang motif ng calendar natin for next year para maiba naman," nakangiting suhestiyon nito.
Awtomatiko siyang tumingin kay Andi. Tila naman nag-isip ito bago ngumiti at tumango. Humarap siya sa photographer at ngumiti. "Okay. Pero pwede bang ngiti lang? I might look stupid if I laugh kahit walang nakakatawa," biro niya na tinawanan naman ng mga ito.
Maya-maya pa ay nagsimula na uli ang shoot nila. Hindi naman siya nahirapang ngumiti ng ngumiti dahil paminsan minsan ay nagpapatawa ang photographer. At tuwing nakikisawsaw si Andi ay napapahalakhak talaga siya. And she can say that for all the years that she was a model that was the first time that she really had fun in the shoot. Ni hindi siya nakaramdam ng pagkailang kahit daring ang mga sinusuot niya roon. Alam niya kasi na ang mukha niya ang tinitingnan ng mga ito at hindi ang katawan niya.
"Okay, this is the last shot, for the month of december," sabi ng photographer.
She smiled widely. Titingin na sana siya sa camera nang mapatingin siya sa pinto ng studio at makita ang dalawang lalaking nakatayo roon. Bigla siyang nahirapang huminga sa biglang pagsasal ng tibok ng puso niya nang mapatitig siya sa isa sa mga iyon. George!
"Look here Miss Risha," utos ng photographer. Mabilis niyang iniwas ang tingin at itinutok iyon sa lens ng camera. Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay tinakasan ng init ang mukha niya. No, it's just a hallucination.There is no way...
Nang magflush ang camera ay pinilit niya pa ring panatilihin ang ngiti niya. Nang sabihin ng photographer na okay na ay saka lamang niya pinalis ang kanyang ngiti. But she didn't dare look that way again. Bigla siyang nakaramdam ng kaba.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY STAR
Romance"Don't smile like that at other people. Akin lang iyan, maliwanag?" Patricia was Miss Goody Two-shoes-palaaral, palaging gustong mag-isa, at mahilig magbasa ng libro. Kaya hindi niya inakalang makukuha niya ang atensiyon ni George, the arrogant but...