Part 9

16.3K 563 44
                                    


NAKAPANGALUMBABA na si Patricia habang nakaupo sa baitang nang fire exit nang dumating si George. Bakas ang gulat sa mukha nito nang ihimpil nito ang motorsiklo nito.

"I told you to go there after fifteen minutes."

Ngumiti siya. "For a change. Palagi na lang ikaw ang naghihintay sa akin eh."

Iiling-iling itong bumaba ng motor nito at lumapit sa kanya. Inaasahan na niyang sasampa na ito sa baitang. Ngunit himbis na gawin iyon ay tumayo lamang ito roon at tumingala sa kanya.

"Hindi ka pa ba aakyat?" takang tanong niya.

Ngumiti ito at itinaas ang kamay. Natulala siya nang makita niya ang hawak nito. A red rose. "Merry Christmas," sabi nito na ikinatingin niya rito. Nakangiti pa rin ito sa kanya. "Ito na lang muna ang regalo ko sa iyo. Kunin mo na para makaakyat na ako."

Hindi pa rin makapagsalitang kinuha niya iyon. Kahit na kumilos na si George para umakyat ay hindi niya inalis ang tingin sa rosas. Iyon ang unang beses na may nagbigay niyon sa kanya.

"Hoy, diyan ka na lang nakatingin, hindi mo na ako tiningnan," pukaw nito sa kanya nang makaupo na ito sa tabi niya.

Tiningnan niya ito at malawak na ngumiti. "Thank you."

Tila natigilan ito at tumitig sa kanya. Pagkuwa'y tipid itong ngumiti. "Don't smile like that in front of other people okay?" mahinang sabi nito.

Biglang sumasal ang tibok ng puso niya sa tono nito. "B-bakit?"

Muling humaplos ang kamay nito sa mukha niya. "Because I will consider that smile as my Christmas gift. Kaya akin lang iyan maliwanag?"

Tumango na lamang siya dahil hindi siya makapagsalita sa kabang biglang lumukob sa kanya. She suddenly became aware that they are alone on that secluded place. And they were too close for comfort. Wala sa loob na napalunok siya.

"Patricia," mahinang usal nito.

Lalo lamang siyang kinabahan. "B-bakit?"

Ngumiti ito. "Wala ka bang ibang sasabihin kung hindi bakit?"

"A-ano namang sasabihin ko?"

Himbis na magsalita ay tumitig ito sa kanya. Pagkuwa'y gumalaw ang mga kamay nito at tinanggal ang eye glasses niya. Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay nito. "Hindi kita makikita," saway niya rito.

Mahina itong tumawa. "Hindi kita mahahalikan."

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Hindi niya makita kung ano ang reaksiyon nito dahil blurred ang mukha nito sa paningin niya.

"Can I?" tanong nito.

Napalunok siya. Ang ratiyonal na parte ng utak niya ay tumatanggi. but her heart that was beating wildly for him tells her other wise. Binitawan niya ang mga kamay nito. Saglit pa ay naramdaman na niya ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Then, she felt his lips on hers. And she was lost. Because at that moment she admitted to herself, that she was in love with him. And she knew, from the move of his lips and his arms that suddenly hugged her tight, that he feels the same way too.

ALAM ni Patricia, na kung may makakakita sa kanya sa oras na iyon ay tiyak mapagkakamalan siyang nasisiraan ng ulo. Kanina pa kasi niya hindi mapigilan ang sarili sa bigla biglang pagngiti niya habang iniimpake niya ang mga gamit niya. Christmas vacation na at kailangan na niyang umuwi ng Pampanga. Subalit tuwing naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi ay hindi niya talaga mapigilan. Because that night she shared with George was the happiest night of her life.

MY LOVELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon