Part 15

17.5K 549 7
                                    

"I'M glad you like it."

Mula sa pagkakatitig sa mga bulaklak ay mabilis na napalingon si Risha sa pinto nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Her heart skipped when she saw George leaning on the frame of the door. Nakatitig ito sa kanya.

"P-paano ka nakapasok?"

Dumeretso ito ng tayo at isinara ang pinto. Bahagya siyang napaatras. "You didn't close the door Patricia."

Oo nga pala. Dahil sa pagkakakita niya sa mga bulaklak ay nawala sa loob niyang isara ang pinto. But still, does he has to enter her room just like that. At gaano katagal itong nakatayo roon nang hindi niya napapansin? Nakita kaya nitong nakatitig siya sa mga bulaklak? She suddenly felt embarrassed. "S-so? Does that give you permission to enter my room?" aniya rito upang itago ang pagkapahiya.

Nanatili ito sa kinatatayuan nito. Mukha namang wala itong balak na lumapit sa kanya. Bagkus ay sinalubong nito ang mga mata niya. Ni mukhang wala itong balak magsalita. Basta nakatitig lamang ito sa kanya na para bang miss na miss siya nito. Natigilan siya. Possible nga bang namiss siya nito? Imposible. "A-ano bang kailangan mo? At... para saan ang bulaklak na iyan?" turo niya sa mga rosas.

Bumuntong hininga ito. "I want to say sorry. For saying those harsh words to you the last time we saw each other. Kahit pa iyon ang unang beses na nagkita tayo makalipas ang mahabang panahon. I... didn't really mean that. Nagulat lang ako na makita kitang ganyan."

She was caught off guard by what he said and by the look on his face. It was the same expression he had before when he is embarrassed, or when he has a lot of things to say but he can't. "I-is that it?" tanong niya.

Nag-iwas ito ng tingin. "Yes. But it doesn't mean na pabor na ako sa pagpapakita mo ng katawan. O, sa pagbibihis mo ng ganyan. For me, I still like the old you."

Napatitig siya rito. I still like the old you. Kung ganoon ay mas gusto nito noong mukha siyang old-fashioned at nakasalamin sa mata? Wala siyang makapang salita na maari niyang isagot dito.

Tumingin ito sa kanya at bumuntong hininga. "But still, I am glad to see you again Patricia. Your shoot will start any minute already right? Halika na, ihahatid na kita hanggang sa baba."

Napakurap siya. "H-hindi na kailangan," tanggi niya. Nakakawindang ang biglang kabaitang ipinapakita nito sa kanya.

Bumakas ang inis sa mukha nito. "Halika na sabi. I am being considerate here okay."

Bago pa siya makahuma ay nakalapit na ito sa kanya at nahawakan siya sa braso. "Do you have to bring anything?" tanong nito. Nang umiling siya ay inakay na siya nito palabas ng silid niya.

Manghang nakatingin lamang siya rito habang naglalakad sila. Nang lingunin siya nito ay bahagyang kumunot ang noo nito. "Bakit?"

Napakurap siya. Bigla na naman kasi niyang naalala ang nakaraan. Ganoong ganoon kasi ang ugali nito noon. Gusto palagi ito ang masusunod. Pero himbis na mainis siya noon sa pagiging bossy nito ay natutuwa pa siya. Because she knew then that it was his own way of showing he cares. "W-wala," sabi na lamang niya. "Thank you for the flowers by the way."

Hindi ito sumagot. Pero nang makababa sila sa first floor ay mahina itong nagsalita. "That's nothing compared to the pain I brought you before."

Napatingin siya rito. Tipid itong ngumiti. "Sige na. Hayon ang mga kasama mo hindi ba?" anitong bahagyang lumingon sa malapit sa entrance.

Nang lumingon siya roon ay nakita niya nga si Andi at Tiffany, gayun din ang ilang staff ng Young and Free na nakatingin sa kanila. Muli siyang bumaling kay George.

MY LOVELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon