Part 3

18.7K 494 8
                                    


NAPABUNTONG hininga si Patricia at hinigpitan ang pagkakakipkip niya sa libro at notebooks niya. Kanina pa siya paikut-ikot sa buong campus upang humanap ng mauupuan para gumawa ng assignment niya sa kakatapos lamang niyang subject. Isa't kalahating oras pa bago ang susunod niyang klase kaya naisip niya na gawin na agad iyon. Hindi rin kasi siya makakagawa sa dormitoryo niya kinagabihan. Ang mga kasama niya sa kuwarto ay walang inatupag kung hindi ang mag-chismisan tungkol sa mga lalaki at gimik ng mga ito sa gabi kaya siguradong hindi siya makakapag-concentrate. Masyado kasing malayo ang library sa classroom para sa susunod niyang subject. That's why any quiet place where she could seat will do.

Hindi naman siya nabigo. Nahagip ng paningin niya ang isang parte kung saan may isang umbrella hut. May mga upuan doon at isang pabilog na lamesa. Pangalawang semester na niya sa kolehiyo subalit noon lamang siya napadpad sa lugar na iyon. Kataka-takang walang estudiyanteng naroon. Thank goodness! Inayos niya ang salamin niya sa mga mata at mabilis na lumapit doon.

Maayos naman iyon. Although may mga kung anu-anong vandalism ay ayos na rin iyon. Makakagawa na siya ng assignment niya roon. Wala siyang sinayang na oras. Pagkaupo niya ay binuksan niya kaagad ang textbook niya at sinimulang sagutan ang mga math problems na assignment niya.

Ngunit maya-maya ay napapaangat ang tingin niya kapag may dumadaan. Pakiramdam niya kasi ay tumitingin ang mga iyon sa kaniya. Ah, marahil ay imahinasyon niya lang iyon. There is no reason for them to look at her anyways. Aside from her western features and a brownish curly hair, there is nothing excemplary on how she looks. May kataasan ang grado ng salamin niya sa mata. Simpleng t-shirt at maong jeans lang din ang suot niya. Kaya bakit naman titingin ang mga iyon sa gawi niya?

Umiling siya at pinagtuunan na lang ang assignment niya.

"Wow, you can solve those problems that fast?"

Awtomatiko siyang napaangat ng tingin sa nagsalita. Bahagya siyang napaatras nang makita ang isang matangkad at guwapong lalaki na nakatayo at nakasilip sa notebook niya. Ngumiti ito at tuluyang pumasok sa loob ng umbrella hut. Napaderetso siya ng upo.

"Ang lakas ng loob mong umupo dito ah. At mag-isa pa. Freshman?" nakangiti pa ring tanong nito.

She suddenly felt uncomfortable. There was something on his playful smile that makes her think that he knows something she doesn't. And she hates that. Tumango siya.

Kumunot ang noo nito. "Hindi ka ba nagsasalita?" pabirong tanong nito.

Nakaramdam siya ng inis. Sino ba itong lalaking ito na ginugulo ang katahimikan niya? Walang salitang isinara niya ang notebook at libro niya. Isinukbit niya ang bag niya sa balikat niya at kinipkip iyon bago tumayo.

"Oy miss, aalis ka na? Ang bilis naman," sabi pa nito. Inis na tiningnan niya ito. ngunit bago pa niya ito masagot ay lumampas na ang tingin nito sa kanya. May kinawayan ito. "Aio! Tapos na klase mo?" bati nito sa kung sino.

Kunot noong tiningnan niya ang tinitingnan nito. Lalo siyang nailang nang makitang lalaki na naman iyon. May kahabaan ang buhok niyon at mas mukhang seryosong tingnan kumpara sa lalaking nangungulit sa kanya. Napansin niyang may kumislap na hikaw sa kanang tainga nito.

"Yeah, it sucks as usual. Wala talagang kwenta ang professor na iyon," tila bagot pang sagot nito. Napatingin ito sa kanya at bahagyang kumunot ang noo. "Who's that Yuuji? Your new woman?" tanong nito.

"No," she firmly said and walked out of the umbrella hut.

Tumawa ang lalaking Yuuji ang pangalan. "Very bluntly said. Nakita ko siya dito. Gumagawa ng assignment."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Aio. "Ow? So you're a freshman. Because no one on their right mind will go here miss, since this is our territory." Napakunot noo siya sa sinabi nito. Bumaling ito kay Yuuji. "Mabuti na lang ikaw ang nakakita sa kanya. Kung si George ang nauna rito aalis iyan ng umiiyak."

Tumawa si Yuuji. "I wonder about that."

Walang salitang lumakad na lamang siya palayo sa mga ito. Ano bang sinasabi ng mga itong teritoryo? Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa mga dala niya.

"Miss I suggest na huwag ka ng maliligaw dito. Delikado para sa iyo," pahabol na sabi pa ni Aio.

Tuluyan na siyang nainis. Nilingon niya ang mga ito habang naglalakad pa rin. Bakit ba ang hangin ng mga ito? Oo at magagandang lalaki ang mga ito but to talk to someone as If they are superior? Nakakairita! She just wanted someplace to be alone. Malay ba niyang may nagmamayari niyon?

"Talagang hindi na ako babalik! I don't want anything to do with you t –"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang mabangga siya sa isang matigas na bagay. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya ay nabitawan niya pa ang mga dala niya at tumalsik ang eyeglasses niya. Akma rin siyang matutumba kung hindi lamang may mga kamay na humawak sa magkabilang balikat niya.

"Sorry," hinging paumanhin niya sa nabangga niya at nag-angat ng tingin. Pinaningkit niya ang mga mata niya dahil blurred ang mukha ng nasa harap niya. Ngunit sigurado siyang lalaki iyon. At mukhang nakatingin ito sa kanya. Although hindi niya masiguro dahil hindi naman niya masyadong mabistayan ang mukha nito.

"Watch where you're going," sabi nito sa baritonong boses makalipas ang sa pakiramdam niya ay mahabang sandali. At sa hindi niya malamang dahilan ay bahagyang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses nito.

Kumilos ito. Base sa pigura nito ay yumuko ito at tila may mga pinulot. Pagkuwa'y naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya. May naramdaman siyang tila kuryente sa pagkakahawak nito sa kamay niya na hindi niya naiwasang mapapitlag. Babawiin na sana niya ang kamay niya ng maramdaman niyang may inilagay ito roon. Her eyeglasses.

"S-salamat," mahinang sabi niya at isinuot ang salamin niya. Napakurap-kurap siya sa biglang paglinaw ng paligid niya. Pagkuwa'y tiningala niya ito. She met a set of the most expressive eyes she had ever seen. Then, her eyes lingered on his thick brows, then on his perfect nose, on his thin lips and on his square jaws.

Then, something weird happened, her heart skipped a beat. Which is weird. Dahil guwapo rin naman si Aio at Yuuji, subalit wala siyang naramdamang kakaiba. Pero sa lalaking ito... ah, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"Are you okay now?" anitong hindi inaalis ang tingin sa kanya. Maging siya, sa hindi niya malamang dahilan, ay hindi niya maialis ang tingin dito. "Here," sabi nito at iniabot sa kanya ang mga libro niyang nahulog.

"Salamat," mahinang sagot niya habang nakatingin pa rin dito.

Napakurap siya ng makarinig ng sipol mula sa kung saan. Paglingon niya ay may dalawa na namang lalaking palapit sa kanila. Mabilis siyang lumayo kay George. Then it dawned to her. Baka naman isang gang ang mga ito? Kaya may teritoryo teritoryong sinasabi ang mga ito. If that's so then, she's in trouble! But then, they don't look like bad people. In fact, they were all good looking. But looks can be deceiving.

"Naks, George sino yan ha? Siyota mo?" sabi ng naka-baseball cap sa mga bagong dating. Oh, he's George. Hindi naman siya nakakatakot.

George grimaced. "She's not my woman Greg. She's not even my type. Baka kay Yuuji yan," he bluntly said. Pagkuwa'y bumaling ito kay Yuuji. "Hoy Yuuji I told you not to bring other people here."

Bigla siyang nainis sa sinabi nito. Hindi nga ito mukhang nakakatakot para sa kanya pero ang arogante naman. So what kung hindi siya nito type? Ang akala pa naman niya mabait ito. "Bastard," hindi napigilang usal niya at mabilis na nilampasan ito. Wala na siyang pakielam kung nabangga niya pa ito. What an arrogant guy. Dapat hindi na siya nagpasalamat dito.

Nang makalayo na siya ay hindi niya naiwasang mapahawak sa dibdib niya. Why is her heart still beating fast? At sa mayabang na lalaking iyon pa. Besides he said she was not her type. He's not my type either! Isa pa, pumasok siya sa malaking unibersidad sa maynila hindi upang humanap ng lalaki kung hindi ang mag-aral at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina.

Hah, di bale, sigurado namang hindi na niya makikita ang lalaking iyon. Malaki ang campus nila. Ang kailangan niya lang gawin ay iwasang mapadaan sa lugar na iyon. With that thought she finally relaxed. Because she got the feeling that she should not get close to those guys, especially to George.

MY LOVELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon