"DITO mo na lang ilagay ang mga iyan Abejar," sabi sa kanya ni Prof. Martinez, ang propesor niya sa isang subject niya.
Inilapag niya sa lamesang itinuro nito ang mga dala niyang folders ng report na pinagawa nito sa klase nila. Iyon ang huling project nila bago may Christmas break. Ilang araw na lang kasi ay bakasyon na. Siya ang nasa harap nito kanina kaya siya ang nautusan nito. "Okay na po ba Ma'am?" tanong niya.
"Yes. Enjoy your holiday," nakangiting sabi nito.
Gumanti siya ng ngiti. "Yes Ma'am."
"Oo nga pala, dahil freshman kayo I suggest na umattend kayo sa mga Christmas activity sa campus. Sa pagkakaalam ko ay may live concert daw sa soccer field mamayang gabi. Go and have fun Miss Abejar."
Tumango na lamang siya at nagpaalam dito kahit sa totoo lang ay wala siyang balak umattend ng sinasabi nito. Balak niya kasing magpunta ng library at gawin na ang mga take home reports ng iba niyang professor. Iyon din kasi ang huling araw na bukas ang library kaya kailangan niyang samantalahin.
Marami nang estudiyante sa hallway nang lumabas siya ng faculty room. Marahil ay may katatapos lamang na klase. Binilisan na lamang niya ang paglakad at inignora ang mga taong nasasalubong niya.
"Yo, Patricia," malakas na tawag sa kanya ng kung sino na nagpahinto sa paglakad niya. Sa lakas ng boses ng tumawag sa kanya ay pati ang mga dumadaan ay saglit na napatigil sa paglakad upang makitingin.
Awtomatiko siyang napalingon sa likuran niya. Her heart skipped when she saw George, standing next to Yuuji who is smiling broadly. Mukhang ito ang tumawag sa kanya.
"Nilampasan mo kami ng hindi tumitingin na parang hindi mo kami kilala. Malapit na magtampo sa iyo si George kaya tinawag na kita," nakangising sabi ni Yuuji na bahagya pang lumakad palapit sa kanya.
Tuluyan na siyang humarap sa mga ito at tumingin kay George. Malakas na binatukan nito si Yuuji dahilan upang matawa siya. that gesture was so childish yet it suited them. "Sorry, malabo ang mga mata ko," sabi na lamang niya. Besides, I didn't expect you to talk to me in front of many people.
Natutok ang mga mata niya kay George. Hindi niya ito nakita nang nakaraang gabi dahil tulad ng ipinangako niya ay hindi siya nagpunta sa fire exit. Ngunit kagabi ay mas naging sensitive ang pandinig niya sa tunog ng makina ng motorsiklo. And she was sure that she heard his last night.
Tuluyan na siyang lumapit sa mga ito. "So, how was the race?" curious na tanong niya.
To her amazement, George smiled. "I won of course," aroganteng sagot nito.
"Pero muntik ng matalo iyan kasi kung saan saan tumitingin. I placed second by the way," mayabang na singit ni Yuuji sa usapan.
"Shut up," angil na naman dito ni George.
Natawa siya. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bestfriends kayo. Congratulations," sabi niya.
Napatingin sa kanya si Yuuji. Bahagyang nawala ang ngiti nito. "So, marami talagang sinasabi sa iyo itong si George ha," sabi nito.
Napatingin siya kay George na nag-iwas ng tingin. "Halika na nga Yuuji," aya nito sa kaibigan nito.
"So?" curious na tanong ni Yuuji sa kanya.
Bahagya niyang sinulyapan si George bago alanganing ngumiti. "Hindi naman masyado."
"Ows?" tila hindi naniniwalang sabi pa nito.
"Tumigil ka na nga," saway rito ni George at humarap sa kanya. "May klase ka pa ba?"
"Wala na. Mag la-library ako."
Ngumiti ito. "As expected from you. Sige na." pagkasabi niyon ay bahagya pa nitong tinapik ang ulo niya bago hinatak si Yuuji na kakaway-kaway pa sa kanya.
Naiiling na sinundan na lamang niya ng tingin ang mga ito hanggang sa mawala. Who said they are infamous for being the bad boys of the campus? Para silang mga bata. Napangiti siya. Ngunit nang mapansin niya ang kakaibang tingin ng ilang estudyanteng babae na mukhang tumigil para panoorin sila ay naiilang na inayos niya ang salamin niya sa mata at mabilis na lumakad palayo.
SAGLIT na inalis ni Patricia ang eyeglasses niya at pinunasan iyon ng panyo. Kanina pa siya nagbabasa at nagsusulat sa bahaging iyon ng library. At dahil malamig doon ay nagkaroon ng tila hamog ang salamin niya. Pinupunasan niya pa iyon ng maramdaman niyang may kung sinong umupo sa katapat niyang silya. Bahagya siyang natigilan ng malanghap ang pamilyar na amoy ng pabango. Dahil doon ay isinuot niya kaagad ang eyeglasses niya at tiningnan ang bagong dating.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makumpirmang si George nga ang lumapit sa kanya. Sumasal ang tibok ng puso niya nang makitang matamang nakatitig ito sa kanya. Pagkuwa'y ngumiti ito. "You know, mas maganda ka kapag hindi ka nakasalamin. Next time try to wear contact lenses for a change," komento nito.
Bahagyang nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Mas maganda... ibig bang sabihin maganda ako para sa kanya? "Mahal ang contact lense eh. Komportable naman ako sa salamin ko," sabi na lamang niya.
Nagkibit balikat ito at binuklat ang librong hindi niya napansing hawak pala nito. He lazily leaned on the chair's backrest and looked at her. "Sige na mag-aral ka na."
Napakurap siya. "Hindi ko alam na nagla-library ka rin pala."
Tumingin ito sa bukas na pahina ng librong hawak nito. "Hindi nga. Magbabasa lang ako para hindi ako mainip sa paghihintay sa iyo," sagot nito.
Napamaang siya rito. "Bakit mo ako hinihintay?"
Tumingin ito sa kanya na tila naiinis na sa dami ng tanong niya. But knowing him, she knew it was his reaction when he feels uncomfortable. "Dahil alam kong madilim na kapag lumabas ka ng library. Delikado ang daan sa labas ng building na ito. Noong isang gabi lang ay may iniligtas na babae si Greg na muntik ng ma-gang rape ng isang grupo ng mga lalaki malapit lang dito. Gusto mo bang mangyari sa iyo 'yon?" iritableng sabi nito. Umiling siya. "Yun naman pala. Huwag ka ng magtanong." Pagkasabi niyon ay hindi na ito nagsalita.
Napatingin siya sa bukas na libro at notebook niya. Pinigilan niya ang mapangiti sa sinabi nito. Kahit hindi nito hayagang sinabi ay nag-aalala ito sa kaligtasan niya. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya nang may kakaibang sigla. Knowing that George is just in front of her and waiting for her makes her happy. Manaka-naka niya rin itong sinusulyapan. Mukha namang engrossed na engrossed ito sa binabasa nito na nasilip niyang tungkol sa negosyo. Siguro ay pangarap nitong magtayo ng negosyo balang araw. For sure he will be suited to be a company president. Napangiti na naman siya.
"Stop smiling by yourself and finish that Patricia," biglang sabi nito na hindi pa rin tumitingin.
"Oo na," sabi na lamang niya. Ngunit napangiti pa rin.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY STAR
Romance"Don't smile like that at other people. Akin lang iyan, maliwanag?" Patricia was Miss Goody Two-shoes-palaaral, palaging gustong mag-isa, at mahilig magbasa ng libro. Kaya hindi niya inakalang makukuha niya ang atensiyon ni George, the arrogant but...