Part 18

20.6K 585 13
                                    

NAPANGITI si Risha nang muling bistayan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang pala at nagdala siya ng maong jeans sa pagpunta nila roon. At kahit wala siyang t-shirt ay pinatungan naman niya ang blouse niya ng jacket. Hindi rin siya nagsuot ng contact lenses at nag eyeglasses lamang. Kung hindi lang blonde ang buhok niya ay para na siyang ang sarili niya noong kolehiyo. Ang sabi kasi ni George, mas gusto raw nito ang porma niyang ganoon. So she will oblige, since he made her so happy last night.

Tumingin siya sa wristwatch niya. Mag aalas kuwatro pa lang ng umaga. Isang oras pa bago siya sunduin ni George. Ang tagal pa pala niyang maghihintay. Oo nga pala. Maagang maguumpisa ng shoot ang Young and Free ngayon. Tama, sisilipin na lang muna niya ang preparasyon ng shoot habang hinihintay niyang mag alas singko. Sa naisip ay mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at susi ng silid niya at lumabas.

Dahil madaling araw pa lang ay tahimik ang paligid nang lumabas siya. Hanggang sa makababa siya sa first floor ay wala siyang nakasalubong na tao. Nakalabas na siya at palakad na siya patungo sa dalampasigan kung saan naroon ang staff ng Young and Free nang may pigura siyang nakita sa gilid ng kanyang mga mata.

Huminto siya sa paglakad at lumingon doon. Napamata siya nang makitang si

George pala ang nakita niya. Nakatayo ito sa tabi ng motorsiklo nitong sa pagkakatanda niya ay ang gamit nito noong kolehiyo sila. At nakangiti ito habang nakikipag-usap sa kung sino. Lumipat ang tingin niya sa kausap nito. Parang may kabayong sumipa sa dibdib niya nang marekognisa kung sino iyon. Matagal na panahon na ang lumipas pero hindi siya maaring magkamali. It was Mikha, ang babaeng nakita niyang kahalikan nito noon, his fiancée.

Bakit magkasama ang mga ito nang ganoon kaaga? At mukhang ang saya saya pa ng mga ito habang nag-uusap? She suddenly felt something painful in her chest. Then, her heart seemed to stop beating when Mikha tiptoed and hugged George tightly. At si George naman ay nakangiti pa nang gumanti ng yakap sa babae. Nanlaki ang mga mata niya nang pumorma si George na hahalikan si Mikha.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hindi na niya gusto pang makita ang eksenang iyon. It would be too much. Subalit ano ang ibig sabihin ng eksenang iyon? She thought George missed her. She actually thought that he loves her. But then, he's acting that way towards another woman. No, it's not another woman. It was his fiancée. Nawala lamang sa isip niya ang bagay na iyon dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya. She's so stupid.

Tatalikod na sana siya nang may biglang lumapit sa kanya. Si Coffee "Risha, sabi ko na nga ba ikaw iyan? Is that a disguise? Anyways mabuti at nakita kita bago ka umalis. I forgot to interview you regarding... hey, are you crying?" manghang tanong nito.

Nilingon niya ito kasabay ng marahas na pagpunas niya ng luhang hindi niya namalayang tumulo na pala. "No, I'm not –

"Patricia?" tawag sa kanya ni George.

Nakagat niya ang ibabang labi bago lakas loob na bumaling rito. Gulat ang nababasa niya sa mukha nito. Habang ang babaeng kasama nito ay may curisousity sa mukha. Naramdaman na naman niya ang pagtulo ng luha niya. Marahas niya iyong pinunasan at umatras.

"Wait, this is not what you think okay. Let me –

"I don't care!" hindi niya napigilang sigaw. Bahagya itong napahinto sa tangkang paglapit sa kanya. She looked straight at him. Mas mabuti nang makita nito kung gaano siya nito sinasaktan. "Why are you doing this to me George? Bakit palagi mo na lang akong pinaglalaruan? Am I really that naïve to you?"

Bumakas ang pagkataranta sa mukha nito. "No, of course not. Listen Patricia –

"No! I won't listen to you anymore! I won't trust you anymore so just... just leave me alone! Just stick with your fiancée at huwag mo na akong guluhin!" sigaw niya at tuluyan nang tumalikod. Patakbo siyang lumayo sa mga ito.

MY LOVELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon