A/n: Hi guys, there are minor changes in the characters (instead of Irma Adlawan, Elizabeth Oropesa will be Jackie - Erik's Mom/ instead of Aizan Perez, Christian Morones will be Josh - Chad's best friend and instead of Kristine Hammond, Jane Oineza will be Jerrica - the secret admirer of Erik). Any violent reaction will be entertained (if ever there is). Thank you!
================================================================================================================================================================
Kinabukasan, maagang nagising si Erik at Alfie para pumasok sa trabaho. Gaya kagabi, namimiss parin ni Erik ang kanyang pamilya pero wala siyang magagawa kung di ang tiisin na lamang ito nang biglang tumunog ang telepono niya at laking tuwa niya ng makita ang pangalan ng nanay niya sa screen dahilan para agad niya itong sagutin.
Erik: Hello? Nay! Kamusta kayo diyan?
Jackie: Naku Erik anak, okay naman kami ng mga kapatid mo, ikaw, kamusta ka naman diyan?
Erik: Okay naman Nay, pero namimiss ko na po talaga kayo.
Jackie: Naku anak, maski kami ay sobra ka na naming namimiss. Kamusta naman ang trabaho mo dyan? Sobrang hirap ba?
Erik: Di naman Nay, sa katunayan nga po eh may kaibigan ako dito na Pilipino at katrabaho ko, siya po ang tumutulong sakin sa pakikipag-usap at sa mga ginagawa ko rito. At bukod pa po roon, pinatira pa po niya ko sa apartment niya na malapit lang sa shop, sabi niya hati na lang kami sa bayad para di na kami masyadong gumastos.
Jackie: Mabuti naman kung ganun. Mabuti naman at nakahanap ka ng kaibigang Pilipino diyan.
Erik: Oo nga po Nay, pakilala ko po siya sa inyo sa susunod.... Siya nga pala Nay, wag na ho kayong mag-alala dun sa utang niyo kay Aling Lita, sa susunod na buwan lang ho makukuha ko na agad yung unang sweldo, eh dahil wala naman po akong ginagastos ng gano dito, buo ko hong maipapadala yung sahod ko diyan. Alam niyo ba Nay, yung boss naming Pranses napakabait saming lahat, hindi racist at talagang malaki po ang sahod namin dito gayong halos hardinero lang ako dito. Hayaan niyo Nay, pag nakaipon pa ko ng mas malaki, ibibili ko kayo ng laptop para hindi na lang tayo nagkakausap sa telepono, pwede na rin tayong magSkype.
Jackie: Naku anak, wag kang masyadong magpabaya sa sarili mo ah, wag mong hadaliin yung pambayad natin ng utang kay Lita. Anak wag puro bigay, baka ikaw naman ang maubusan, matuto kang magtira para sa sarili mo ha anak?
Erik: Nay, anong hugot yan? Haha.. Opo promise po, hindi po ako magpapabaya rito. Okay lang naman po ako eh, nakakakain naman kami tatlong beses sa isang araw. Gaya nga po ng sabi ko, sobrang bait po ng boss namin kaya di na po kayo dapat mag-alala sakin, okay lang po ang lahat dito. Hindi naman po ako nahihirapan. Basta promise ko, pag naipatayo ko na yung bahay natin, kayo naman ang dadalhin ko rito sa France.
Jackie: Maraming salamat anak! Talagang napakaswerte ko sayo. Pasensya ka na at pati kayo napipilitang magbanat ng buto para lang mabuhay tayo eh dapat ako ang tumutustos sa mga gastusin rine.
Erik: Nay, ano nanaman pong drama yan? Okay lang po, masaya po ako na makatulong sa inyo, napakaswerte nga namin at ikaw ang nanay namin eh. Si tatay, walang kwenta siya kaya siya umalis. Kaya po natin to Nay tiwala lang.
Jackie: Pasensya na anak, nag-aalala kasi talaga ako sayo eh. O pano sige na't gabing-gabi na dito sa Pilipinas eh maaga pa ko sa palengke bukas saka baka papasok ka na sa trabaho eh mahuli ka pa. Basta mag-iingat ka anak diyan ah.
Erik: Opo Nay, kayo rin po nina Ate ingat kayo diyan.
Jackie: Sige, I love you 'nak!
Erik: I love you rin ho Nay!
YOU ARE READING
You are my SONG (DONKISSTON)
RomanceHow can I Each time I try to say goodbye You were there You look my way and touch the sky We can share tomorrow and forevermore I'll be there To love you so You are my SONG.