JAMIE'S POV
Hindi ako makatulog... Hanggang ngayon I'm still puzzled kung ano ang paiiralin ko.. sama ng loob? O yung natitirang feelings ko for Chad? Ang hirap dahil ako yung nasaktan pero at the same time, ako rin yung nachachallenge na mamili kung magpapatawad ako o mas pipiliing lamunin na lamang ako ng pride at ng galit. Tama ba na magalit ako ng bongga kay Chad dahil sa nagawa niya? I don't know what to feel, I don't know what to think and I don't know what to do anymore. But good thing nandiyan si Erik para tulungan ako. Kung wala siya talaga ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung sinabi niya kanina tungkol sa diamante na hindi kayang at hindi maaaring matumbasan o mahigitan ang tunay na pag-ibig.
======>>>>>> Flashback <<<<<<======
Erik: Yun lang ang dahilan niya?
Jamie: (she nodded only).
Erik: Naku, eh medyo mahirap nga yan... Hindi naman sa gusto kitang gatungan o kung ano man pero, parang ang babaw at ang gara ng dahilan niya.... Ibig mong sabihin ng dahil sa mana, nagawa ka niyang bitawan? Eh diba nga sabi nila, kung talagang mahal na mahal mo ang isang tao, itataya mo ang lahat-lahat wag lang ito mawala sayo. Kung talagang nagmamahal ka, hindi ka dapat natatakot dahil alam mong may panghahawakan kayong dalawa habang patuloy kayong lumalaban sa mga pagsubok.... At yun ay ang pag-ibig niyo para sa isa't isa... Na kahit anong ginto o diyamante man ang ibigay sa inyo maghiwalay lang kayo ng taong mahal mo, eh hinding-hindi mo tatanggapin dahil kung talagang mahal mo ang tao, ituturing mo siyang higit pa sa kahit anong kayamanan o mamahaling ginto o diyamante sa mundo. Kaya kung ako ang tatanungin, hindi magandang rason ang mana para iwanan mo ang isang taong mahal na mahal mo.
======>>>>>>End of Flashback<<<<<<=======
Ang lalim kung pakikinggan pero napakalawak, napakabigat at napakahalaga ng meaning niya. Saan kaya niya napagkukuha yung mga "words of wisdom" niya nayun? Siguro sa Nanay niya na madalas niyang maikwento sakin... Anyways, kung saan pa man nanggaling yon o kung sariling POV niya man yun, tama siya.... Wala akong ibang masasabi dun kundi "tama nga naman" sang-ayon ako sa sinabi niya.
END OF POV
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖Sa kabilang banda, nakaupo si Erik sa kama niya habang hawak-hawak niya ang gitara ni Jamie at nakabukas sa harap niya ang notepad nito. Pilit siyang nagsastrum ng iba't ibang tono sa gitara, nagbabakasakaling makakuha siya ng kahit kaunting magandang tono para sa panimula ng kanta. Iniisip niya rin si Jamie ng mga oras na yun... inspiration niya na rin kung baga. Hanggang sa makaisip na siya ng tono na magsisilbing 'Intro' ng kanta.
(A/n: So kanya-kanyang patugtog po tayo ng You Are My Song ni Erik Santos tas yung intro nun bago yung unang line ng lyrics yun tas isipin niyo na lang acoustic version siya XD).
Nagpatuloy ito hanggang sa malapatan na niya ng tono ang unang line ng lyrics.
Erik: You are the song, playing so softly in my heart🎵 (kanta niya while strumming the guitar and thinking of Jamie- his inspiration for that).
Inulit-ulit niya ito hanggang sa maayos niya ng husto ang tono mula Intro hanggang first line ng lyrics.
Erik: Sigurado akong matutuwa si Jamie kapag narinig niya to.
Nagpatuloy siya ng nagpatuloy hanggang sa matapos niyang malapatan ng tono ang buong kanta pero siyempre may konti pang lilinisin doon at hindi pa ito ganun kapulido o kaayos.
❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌
ERIK'S POV
YOU ARE READING
You are my SONG (DONKISSTON)
RomanceHow can I Each time I try to say goodbye You were there You look my way and touch the sky We can share tomorrow and forevermore I'll be there To love you so You are my SONG.