YAMS CHAPTER 19: Lost Hearts

307 12 4
                                    

Alfie: Who Sir? Can I see a picture so that I can distinguish if she's still here?

Agad namang inilabas ni Chad ang phone niya at ipinakita kay Alfie ang picture ni Jamie.

Alfie: Uy! Si Jamie yan ah!

Chad: Kilala mo siya? Asan siya?!

Alfie: Marunong kayong magTagalog?! Aba pambihira pala! Pinahirapan niyo pa kong magconstruct ng English dito nakakapagTagalog naman pala kayo! Juskoooo!

Chad: Kuya pakisagot na lang yung tanong ko please... Asan siya? Asan si Jamie?

Alfie: Teka, teka, sino ba muna kayo at bakit niyo hinahanap si Jamie?

Chad: Basta Kuya, sabihin mo na lang samin kung nasan siya pleaseeee....

Josh: Kuya ano ba? Pwede bang pakisagot nalang yung tanong niya? Kasi masyado nang maraming oras ang nasasayang samin eh... Please lang!

Alfie: Aba ayos ka rin no? Malay ko ba kung sino kayo at kung ano ang pakay niyo kay Jamie... Baka mamaya kung ano pa ang gawin niyo sa kaibigan ko edi kargado de konsensya ko pa yun..... Napahamak pa yung kaibigan ko dahil sakin.. Ayoko nga nun! Saka kung talagang kailangan niyo siyang makita eh sorry, dahil kaaalis lang niya, kakauwi lang niya ilang minuto bago kayo pumasok dito... Pero sigurado ako na hindi niyo na yun masusundan dahil may sariling sasakyan yun... Bukas kayo bumalik dito kung gusto niyo siya makita..... At kung talagang may kailangan kayo, ganyan ba dapat ang asta niyo? Bahala nga kayo diyan! (saka siya umalis para pumasok sa flower arrangement room).

Chad: Eh teka Sir sandali, Sir!

Wala nang nagawa pa si Chad.

Josh: Sus! Makaasta naman akala mo kung sinong napakayabang!

Chad: Josh, please... Enough! Mali naman talaga yung inasta mo kanina eh...

Josh: Eh pero bro--

Chad: Tayo ang may kailangan, kaya tayo dapat ang magpakababa.

Josh: Okay sige, sorry.... Sorry na bro! (sabay alok ng fist bump kay Chad).

Chad: (tinanggap ang alok na fist bump ni Josh).

Josh: So ano na? Saan na tayo magtatanong?

Luminga-linga si Chad sa buong store at napagdesisyonan na magtanong-tanong sa mga customers at ibang staffs doon bago tuluyang umalis at bumalik ng Lyon para magcheck-in sa isang hotel doon pansamantala. Samantala, habang tumutulong si Alfie sa mga flower arrangements, ay siya namang pasok ni Erik mula sa labas, marahil ay hindi sila nagkahagilap ni Chad ng pumasok ito sa loob ng shop.

Erik: Oh, Kuya Alfie, anyare sayo? Para kanina lang ang saya-saya mo bago umalis si Jamie... Anyare sayo?

Alfie: Eh paano ba naman akong hindi mababad trip eh ang yabang nung isang customer diyan sa labas... Siya na nga ang may kailangan, kung makaasta... Tsss! Yabang!

Erik: Oh, easy ka lang Kuya.... Kalma!

Alfie: Eh kasi naman eh.... Nga pala, hinahanap nga pala nung mga yon si Jamie.

Erik: Si Jamie? Bakit daw?

Alfie: Abay ewan ko.... Ayaw sabihin eh. PaEnglish-english pa eh marunong naman pala sila magTagalog... Juskoo...

Erik: Eh sino naman daw sila?

Alfie: Kung iyon ngang dahilan ng paghahanap nila kay Jamie hindi sinabi.... Yun pa kayang kung sino sila....

Hindi na nakakibo at napa-isip nalang si Erik sa mga nalaman niya..

========================================================================
ERIK'S POV

You are my SONG (DONKISSTON)Where stories live. Discover now