Halos isa't kalahating linggo na ang nakalipas mula nang magkatagpo sina Erik at Jamie sa France, marahil ay gusto ng umiwas ni Jamie sa mga pangungulit ni Erik sa kanya. Sa katunayan nga ay kahit abalang-abala si Erik sa trabaho, ay lagi siyang tumatanaw sa gawing pintuan ng shop na tila merong inaabangan; may mga pagkakataon pa ngang napapatulala siya dahil doon.
Alfie: Erik!
Erik: (tulala)
Alfie: Erik! Psst!
Erik: (tulala parin)
Alfie: Errrrriiiiikkkkk!! huy! psst!
Erik:(nabalik sa ulirat) Uy Kuya, bakit? Kanina ka pa ba diyan?
Alfie: Obvious ba? Bakit ka ba kasi tulala diyan? (sabay tingin sa direksyon kung saan nakatulala kanina si Erik) Ano bang tinitingnan mo sa pinto?
Erik: Ah, wala, wala Kuya.
Alfie: May inaabangan ka no? yieeeeeeee! (panunukso niya kay Erik).
Erik: Uy wala ah, wala.
Alfie: Naku!! Maniwala ako sayo... In denial ka pa!! Ang sabihin mo, kaya ka natutulala diyan eh dahil inaabangan mo si Miss Ate Girl Ganda............ namimiss mo siya no? Ayyyiiiieeee!! (sabay bigay kay Erik ng paarteng pabebeng palo).
Erik: Uy wala Kuya Alfie... Promise wala talaga.
Alfie: Hu!! Wag ka nang magdeny diyan!! Huli ka na eh!! Masyado ka pang pashowbiz diyan bwisit ka, aminin mo na!!
Erik: Wala akong dapat aminin sayo Kuya Alfie, nagtatrabaho lang ako dito no.
Alfie: Che! Namimiss mo lang si Miss Ate Girl Ganda eh; bakit? "hindi mo na ba siya crush? TYPE mo na ba siya?"
Erik: Ano? Hindi ah, ba't ko naman liligawan yun eh ang sungit-sungit nung babaeng yun akala mo araw-araw meron.
Alfie: Bakit, tinanong ko ba kung nililigawan mo siya? Diba ang tinatanong ko kung type mo siya. Ala huli ka na!! pashowbiz ka!!
Erik: Uy hindi Kuya, basta hindi talaga.
Alfie: Erik, wag magsasalita ng tapos. Baka kainin mo yang sinasabi mo pag nagkataon. Baka pagsisihan mong sinabi mo yan. Hahaha!! Off guard ka na tumatanggi ka pa mas lalo ka tuloy obvious diyan.
Di naman na nakakibo pa si Erik dahil off guard naman na nga talaga siya.
Erik: Oo na! namimiss ko na nga! Hanggang ngayon kasi hindi parin kami okay at hindi ko parin alam ang pangalan niya.
Alfie: E ba't kasi di mo itanong?
Erik: Tinanong ko nga, kaya lang di niya sinabi.
Alfie: E baka ayaw niya talagang malaman mo.
Erik: Di ko nga alam kung bakit laging mainit dugo sakin nung babaeng yun e nakikipagpeace offering naman na ko, ewan ko ba, lagi niya kong sinusungitan. Pero, kahit ganun, nakakagaan ng loob kapag sincere siyang magsalita, I mean, yung seryoso, yung walang halong pagsusuplada. Grabe, kung nakita mo rin siya nung mga oras na yun.
Alfie: Hindi naman halata na may gusto ka na sa kanya no?..... Hindi talaga halata! Talagang talagang hindi halata Erik! (sabi niya sa tono ng namimilosopo).
Maya-maya pa'y lumabas mula sa loob ang boss nila.. Si Mr. Gonçalves (pronounced as "gosalv").
Mr. Gonçalves: Alfie! Erik!
Napalingon naman sila kay Mr. Gonçalves, tapos ay napaayos ng tayo sa pwesto nila. Buong akala nila ay papagalitan sila dahil nagkukwentuhan sila sa oras ng trabaho.
YOU ARE READING
You are my SONG (DONKISSTON)
RomanceHow can I Each time I try to say goodbye You were there You look my way and touch the sky We can share tomorrow and forevermore I'll be there To love you so You are my SONG.