YAMS CHAPTER 14: Jamie's Savior

268 17 2
                                    

Nagpatuloy sa pagtakbo si Jamie dahil hanggang ngayon ay hinahabol parin siya nung armadong lalaki. Hindi na niya iniisip yung mga pinto at mga sulok na pinapasukan niya basta gusto niyang makalayo sa humahabol sa kanya. Ilang sandali pa ay napadpad siya sa balcony ng resto. Wala na siyang iba pang matatakbuhan kaya minabuti niya na umalis dun para humanap ng iba pang matatakbuhang lugar. Pero huli na ang lahat, naabutan siya ng lalaki at ngayon ay talagang wala na siyang kawala pa.

Jamie: Please Sir, don't kill me! Please Sir! (pagmamakaawa niya).

Hindi naman kumibo ang lalaki at itinutok kay Jamie ang pistol na hawak niya.

Jamie: Sir please! Please don't hurt me!

Ikinasa naman ng lalaki ang baril at saka unti-unting lumapit kay Jamie. Maya-maya pa'y naka-abot na si Jamie sa railings ng balkonahe, isang maling galaw o hakbang niya lang ay maaari na siyang mahulog mula sa itaas ng resto. Umaalingawngaw narin sa labas ng resto ang malalakas na sirena ng mga bumbero at pulis. Ilang sandali pa ay kakalabitin na sana ng lalaki ng baril ng biglang may humatak sa kanya mula sa likuran dahilan para hindi matuloy ng lalaki ang balak. Mga ilang minuto silang nagsuntukan hanggang sa muling makuha ng lalaki ang baril at agad na itinutok ito kay Jamie.

Lalaki: Don't you dare move! I'll shoot her!

Erik: No Sir! Don't! Please!

Lalaki: You son of a b*tc*!! 

Ilang sandali pa ay nakakuha siya ng tiyempo para maagaw muli ang baril and again, nag-agawan ulit sila para dun. Hindi naman alam ni Jamie ang gagawin, hindi rin niya alam na si Erik ang lalaking tumutulong sa kanya ngayon dahil hindi niya ito maaninag sa dilim. Ilang sandali pa ay nakarating na sa lugar kung nasaan sila ngayon ang mga awtoridad.

Police: Freeze!

Ngunit agad na nahablot ng lalaki ang baril at saka itinutok ito kay Jamie sabay kalabit sa trigger ng baril. Agad na napapikit si Jamie dahil ineexpect na niya na katapusan na niya ng biglang....

Baaaaaaaannnnnnngggg!!!!

Umalingawngaw ang putok ng bala sa buong resto.

Alfie: Erik! Susko! (sigaw niya habang naghihintay sa baba).

Napadilat si Jamie at nagulat sa nakita niya. Isang lalaki ang bumagsak sa harap niya. Imbes na siya ang matamaan ay si Erik ang sumalo ng bala para sa kanya.

Police: Sir! (sigaw ng pulis kay Erik na ngayon ay nakabulagta na sa flooring).

Agad namang binaril sa paa ang armadong lalaki at saka nila tuluyang pinosasan ang mga kamay nito.

Jamie: O my gosh! (natatakot at shookt na sabi ni Jamie)

Manong Driver: Ma'am Jamie!

Agad namang napalingon si Jamie sa driver niya.

Manong Driver: Opo, ayos lang po ako, kaya lang si Kuya Manong, isugod natin siya sa ospital (sabi niya habang ninenerbyos).

Ilang sandali pa ay nakarating na sa taas ang rerescue kay Erik. Agad siyang nilapatan ng first aid saka isinakay sa stretcher at ibinaba sa resto.
========================================================================
ERIK'S POV

Sinundan ko sina Ate Girl at yung humahabol sa kanya. Malakas ang kutob ko na balak siyang saktan nito at hindi ako makakapayag dun. Ilang sandali pa ay nakarating ako sa balkonahe ng resto at dun ay nakita ko siya at nakatutok na sa kanya ang baril kaya nagmadali ako at agad akong tumakbo para agawin ang baril sa lalaki. Pagkatapos ng mga ilang minutong pag-aagawan namin ay biglang umeksena ang mga pulis dahilan para makuha nila ang aming mga atensyon. Ngunit, sadyang napakaalerto ng lalaki at naagaw sakin ang baril saka muling itinutok kay Ate Girl. Di na ko nagdalawang isip pa, tumakbo ako at hinarangan ko siya para ako ang tamaan ng bala imbes na siya. Tinamaan ako sa balikat at ilang sandali pa ay nakapa ko na dumudugo na ng sobra ang balikat ko at saka ako tuluyang bumagsak. Ilang sandali pa ay dumating na ang rescue at agad akong inasikaso habang sa di kalayuan ay may narinig akong sumigaw ng 'Ma'am Jamie'. Napatingin ako sa direksyon kung saan iyon nanggaling at laking gulat ko na nandun siya at may kausap na lalaki.

Ako: Jamie? Ja-mie ang- panga-lan niya? (sabi ko bago ako mawalan ng malay).

========================================================================
Abangan ang susunod na update ko.. Salamat sa suporta! Muah!

ksheriemarreyy 💖

You are my SONG (DONKISSTON)Where stories live. Discover now