AN:napaaga ang ud ko hahahaha excited ako eh hahaha char! May gagawin kasi ako bukas so yun! Eto na ang ud!
Dedicated to: user41822633
××××××××××××××××××××××××××××
Chapter 8
Lumipas ang isang lingo na naging cold ako kay mark. Hindi ko na siya pinapansin, kapag may sasabihin siya ang tanging tugon ko lang ay pag tango o pag ngiti ng plastic.
Ngayon ang araw na pupunta kaming Palawan. Kahapon kami namili ng mga damit ng mga kaibigan ko kagabi ko lang rin natapos ang mag ayos ng bagahe.
5:00am ang call time namin sa school kaya ma aga akong gumising.
Pag dating sa school unti palang sa mga ka klase ko ang nakikita ko pero nakita kong nandito na lahat ng kaibigan ko mga early bird kasi kami pag dating sa ganito haha
Nandito na rin si clyde. Uupo sana ako sa tabi ni Leila kaya lang napansin ko yung mga gamit ni clyde na nandoon na.
Mag katabi narin sa upuan si Percylin at Shane. Talagang nag tabi pa sila ahhh malamang sa malamang walang oras na hindi kakain yang dalawang yan *roll eyes*.
Isang bus lang ang kinuha ng school para sa amin. Ihahatid kami ng school bus na ito sa airport papuntang Palawan.
Lumabas muna ako ng bus dahil wala pa naman akong upuan at wala pa akong mahanap na katabi sa upuan bibili muna ako ng hot choco sa SB.
Meron kasing SB dito sa tapat ng school eh yung restau nila tito Jackson hindi pa open kaya dito nalang sa SB.
Pag ka bayad ko bumalik na ako ng school sakto namang nandoon na daw lahat ng mga ka klase ko ako nalang pala ang hinihintay nila.
Pumasok na ako sa loob pag pasok ko wala ng bakanteng upuan sa harapan at sa gitna ang meron nalang ay sa likod ng upuan nila Leila at clyde sa likuran parte ng bus.
Dahil wala na akong choice dumiretso na ako doon. May napansin akong buhok na lalaki ata ang makakatabi ko pero ayos lang pag hindi ako kumportable sa katabi ko sasabihin ko nalang si Leila na mag palit sila ng upuan ng katabi ko.
Umupo na ako sa upuan katabi ng lalaki, hindi ko mamukhaan ang lalaki dahil nakatakip sa mukha niya yung dala niyang kumot.
Hindi ko nalang siya pinansin at natulog na lang rin tinakpan ko lang yung mata ko gamit yung panakip sa mata pag matutulog ka.
Sa ganda ng tulog ko hindi ko namalayang napatong ko na pala ang ulo ko sa katabi ko. Malayo kasi ang airport sa school namin kaya medyo natagalan kami.
Nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko.
Pag tangal ko ng takip sa mata ko tinanggal ko muna ang muta ko kung meron man pag mulat ko nagulat ako ng makita kung sino yung lalaking katabi ko.
Umatras ako sa kanya at humingi ng tawad sa pag tulog ko sa balikat niya.
"Sorry sa pag tulog sa balikat mo hindi ko sinasadya"
"Ok lang hindi ka naman mabigat." Ngumiti lang ako sa kanya.
Hindi na ulit ako nag salita pa pag dating namin sa airport private plane ang sasakyan namin na pag aari pala nila clyde.
Hindi na ako tumabi pa ulit sa kanya sa plane mas pinili kong umupo sa dulo yung wala akong katabi dahil malaki naman yung plane may mga bakanteng upuan pa.
Hindi na ulit ako natulog dahil nalibang ako sa kakapanood ng Thai movie series sa phone ko na naka download na.
Natapos ko ang panonood ko ng matiwasay at walang magulo dahil tulog silang lahat.
YOU ARE READING
TRUE LOVE
Teen FictionSabi nila "FIRST LOVE NEVER DIES BUT TRUE LOVE CAN BURY IT ALIVE" totoo nga ba yun? siguro?