AN: Wahhhh sorry sa super late na ud!!! Naging abala lang po talaga ako at nasa punto na rin po ako ng buhay ko na wala na akong maisip na ilalagay sa story ko... Pero nangangako akong tatapusin ko ito hanggang dulo. Sorry mga besh kung hindi agad ako nakagawa ng update sorry talaga wahh sana suportohan niyo parin story ko kahit mabagal ako mag ud yun lang sorry ulit!😘
××××××××××××××××××××××××××××
Chapter 9Nagsimula ang morning activities nang may nalalaman pang pa exercise yung magaling kong teacher.
Pag tapos ng exercise nag si balikan na ang lahat sa mga kwarto nila.
Nag palit yung iba ng damit nila pang swimming habang yung iba nag Simula nang gumawa ng documentary nila.
Ngayong unang week namin ditong mag kakaibigan susulitin muna namin ang ganda ng palawan.
Nag palit na kami ng mga damit dahil mag I island hopping muna kami.
"Besh ano na? Bakit mukhang hindi ka ata masaya? Kagabi ka pa matamlay" nag aalalang mukha ang bumungad sa akin pag labas ko ng cr.
"Ahh wala naman babe... Ina antok pa kasi ako eh..." Pag sisinunghaling ko.
"Gusto mo ba mamaya nalang tayo mag IH?"
"Hindi sige ok lang ako... Tara na" ngumiti nalang ako kay Shane at lumabas na kami.Pag labas namin na abutan namin na nag tatalo si mark at leila.
"Oh anong pinag aawayan ng dalawang yun?" Takang tanong ni Shane pag lapit namin kay Percilyn na wala namang pake sa dalawa.
" pinag tatalunan nila yung suot mo." Nag taka naman ako sa sagot niya.
"Huh? Anong masama sa suot ko? Bakit naman nila pag tatalunan yung suot ko??"
Naka suot ako ngayon ng two piece swimsuit na color violet pinatungan ko rin yung suot ko ng cardigan muna habang hindi pa kami nag swi swimming. Halos pare parehas kami ng design nang suot na two piece swimsuits ng mga kaibigan ko nag kaiba nga lang sa color kay Percy ay color red, kay Shane color blue and kay Leila is color black. Si Leila ang nag presinta na siya na daw ang bibili ng mga swimsuit namin nung isang araw.
Mabalik tayo sa dalawa, ano bang meron sa suot ko at kailangan pa nilang pag talunan? Naiinggit ba si mark sa damit ko kaya nag re reklamo siya kay Leila kung bakit Hindi siya binilhan??? Gosh!
Pumunta ako sa harap nila at nag cross arms tyaka sila tina asan ng kilay.
"Ano bang pinag tatalunan niyo? Ayaw niyo pa bang umalis? Mamaya masyado ng mainit"
" eh eto kasing si mark nag rereklamo bakit daw ganyan yung binili ko sayong pang swimming sana daw yung rush guard nalang daw binili ko sayo!"
Mas lalong napataas yung isa kong kilay dahil sa narinig ko. Tinignan ko si mark pero umiiwas siya sa akin ng tingin.
" Tss " yan lang yung narinig kong sagot sa kanya tapos tumalikod na siya pero narinig ko na may binubulong siya Hindi ko nga lang masyadong na intindihan.
Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat nalang sa bangkang sasakyan namin.
Pag dating sa unang island na napuntahan namin I decide to take photos of the island para maidagdag sa documentary namin.
Nag swimming rin kami at nag picture.
Paulit ulit na ganon lang Ang ginawa namin sa bawat island na pupuntahan namin.
Nasa last island na kami and they decided to play a game.
"Tara na chrystal! Let's play a game!" Pag aaya nila sa akin.
I refuse to join hanggang ngayon kasi iniisip ko parin yung sinabi sa akin ni mommy.
"Ang kj mo naman chrystal!"
"Oo nga napaka kj mo! Last na island na nga tayo eh so sulitin na natin tong araw na to!"
Pang kukumbinsi nila sa akin.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila habang pinapakita kong napipilitan lang ako.
"Ano bang trip niyo laruin? Pwede namang sa hotel nalang mag laro."
"Truth or Dare pero may twist" naka ngising sambit ni clyde.
"Kapag nag truth kailangan mong ipukpok yung bottled water sa ulo mo pag dare naman bawal kang mag reklamo pwede mong pa palitan ang dare sayo ng limang beses pero kapag ayaw mo parin sa dare na pang Lima wala kang choice kundi gawin iyon lahat." Pag e-explain niya ng rules.
"Ok game na! Ako muna mag papaikot ng bote!"
Pina ikot ni Leila ang bote at kung totoo ngang malas ang dala ng 3week stay namin dito na niniwala na ako doon.
BAKIT SA AKIN UNANG TUMAPAT YUNG BOTE!!! KAINIS!!
"So ako muna mag tatanong!" Presinta ni Percilyn.
"Truth or dare?" Nakaka lokong ngiti ang kumukurba sa labi nito ang bumungad sa harap ko. At alam ko na sa oras na ito may balak yan!
"Truth" walang ganang sagot ko kinuha ko ang bote at pinukpok sa ulo ko ng hindi naman ganoon ka lakas.
"Playing safe huh!, sorry hindi ka safe sa truth" fudge sabi na nga ba eh kahit anong piliin ko hindi safe tsk.
"So chrystal, hanggang ngayon ba may gusto ka parin kay clyde kahit alam mong nililigawan na niya ang best friend natin?"
Fudge! Shemayyy!!!!! Percilyn!!! Lintek ka!!! Humanda ka sa akin mamaya!!!!
"Hmm to answer your question truthfully my answer would be yes, meron parin... Hindi naman ako laruan na may turn on and off ang feelings duh!? Pero don't worry alam ko naman hindi rin mag tatagal mawawala rin yung feelings ko for clyde. Leila wag ka sanang magalit sa akin, kasi soon mawawala rin to I promise!"
Bukal sa puso kong pag sagot hindi naman naka imik agad sila kaya pina ikot ko na Ang bote at kung sinuswerte ka nga naman tumapat ang bote kay percilyn.
Tumingin ako sa kanya ng may nakaka Loko ring tingin at alam kong takot na rin siya ngayon.
Pero bago ko siya tanungin in open ko muna ang recorder ko sa phone nang palihim.
Tinago ko na yung phone sa likod ko at tinanong si Percilyn.
"Percilyn my dear best friend, truth or dare?" Pangisi ngisi kong tanong sa kanya.
" Dare! " matapang na sagot naman nito.
"Nice choice!, so Percilyn I dare you na umamin ka sa mga BOYS kung sino ang dati mo pang napupusuan Simula first year!"
Nagulat naman siya sa pinapagawa ko kasi alam niya na baka pag nalaman ng mga boys eh isumbong siya kay kuya hahahaha!
"Gosh! Palitan mo yung dare!"
"Bakit ayaw mong umamin? Siguro isa sa amin yung crush mo noh kaya ka nahihiya?" Mapanuksong tanong ni Luke.
"I can't believe na pati sila malalaman din" pabulong na sabi nito pero narinig ko.
"Oo na aamin na! Basta wag niyo lang akong subukang isumbong lagot kayo sa akin!... Ok ang matagal ko nang napupusuan dati pa kahit hindi kami mag ka klase at tanging kuya lang siya ng kaibigan ko nagustuhan ko parin siya. Si Alexander Daniel Suarez."
Pag amin ni Percilyn. Nagulat naman yung mga lalaki and there I show them the phone.
I press the end button and ngumiti kay Percilyn.
Gulat naman silang napatingin sa akin yung girls tumatawa. Alam naman kasi nilang binabawian ko lang si Percilyn HAHAHA
Hinabol naman ako ng best friend ko habang tawa ako ng tawa.
"Letse ka chrystal jhade kahit kailan!!! Aarrgghh!!!" HAHAHA
Bumalik kami ng hotel ng masaya habang kumakain.
Pagod na pagod kami bumalik sa mga rooms namin at nag pahinga.
ako naman nag basa muna saglit ng libro at nung inantok ako'y naka tulog... Zzzzzzz....
YOU ARE READING
TRUE LOVE
Teen FictionSabi nila "FIRST LOVE NEVER DIES BUT TRUE LOVE CAN BURY IT ALIVE" totoo nga ba yun? siguro?