CECILIA #27
bumalik ang paningin ko ay napangiti nalamang ako dahil sa ilang naalala ko mga panahong umibig ako ng sobra sa isang lalaki na nag ngangalang Cesar
bumalik ako sa ulirat ng may magbuhos sakin ng tubig
"gising !!" sigaw sakin ni Santiago
" pakawalan moko Santiago !!! " utos ko sakanya
" anong tingin mo sa akin bobo ha Cecilia ?" iritableng sagot nito
" satingin mo anong mapapala mo sa kasamaang ginagawa mo matakot ka sa diyos Santiago wag mong paghariing yang demonyo Jan sa puso mo ! " sigaw ko sakanya
" anong tinggin mo sakin malilinlang moko Hindi Cecilia - Cecil ..." Hindi nya naituloy ang sinabi nya at nanginig at sumuka ng puting likido
inatake ito ng sakit nyang epilepsysa katinuang iyon sinamantala ko ang pag kakataon at tumakas ngunit puro kandado ang mga bintana at pinto
pinag susuntok ko ito kahit dugong dugo na ang aking kamay
hinang hina na ako Hindi ko na kaya
at nagulat na lamang ako ng may tumutulo ng tubig pababa sa binti ko manganganak na ata ako
jusko o Amahin maawa ka samin ng anak ko gulat ko na lang ang pagbukas ng pinto dahilan sa malakas na pwersa sa pagtulak nitoHindi ko makilala kung sino ang pumasok sa pinto sabay buhat sakin
ang tanging iniisip ko lamang ay malayo ako dito sa lugar na itoitinakbo ako ng lalaki at dinala sa malapit na bahay at may isang matandang Babae ang nag asikaso sa akin at sinabihan akong "huminahon ka iha ako ang mag papa anak sayo", wika niya
kahit diko sya maaninag dahil sa luha ko at sa sobrang liwanag
" sige pa Cecilia lalabas na ang ulo ng bata!" ,pakikiusap ng matanda
"aaahhhhh -ohhhhh CEESSAARR !!!", sigaw ko dahil sa sobrang sakit
"ayan na lalabas na hija iire mo pa !", sabay ire ko ng malakasnarinig ko na lamang ang iyak ng munti Kong anghel
at diko maiwasang mapaluha lalo at bigla na lamang akong nawalan ng Malay-
Bago ang mga nangyari plinano ko ang pagsalakay namin sa lugar nila Santiago sa tulong nila General Joaquin de Leon at Don Pasipico Warrain
upang makuha si Ceciliakina umagahan sabay paputok ng bomba sa pinto laking gulat ko nalamang ng makita si Cecilia malapit dito buti nalamang at Hindi siya napuruhan sa lakas ng pagsabog sa pinto gulat ako ng makitang pumutok na ang kanyang panubigan kayat idinala agad ko agad si Cecilia Kay Aling Melinda at inihabilin dito dahil manganganak na si Cecilia
dumiretcho agad ako kung asan ang dimonyong Santiago hinanap namin sya at nakita namin sa Isang silid , nanginginig at tumitirik ang mga mata at nag lalabas ng bula mula sa kanyang bibig
"inaatake sya ng epilepsy !" sabi ni general"ano pang Hinihintay mo Cesar tipain mo na ang baril at pataamaan mo sa ulo !", gigil nitong wika
" Hindi na kaylangan dungisan ko pa ang mga kamay ko sa madumi nyang dugo ", wika ko sa kanilang lahat
ang laki ng kanilang pag tataka kung bakit ayaw ko patong patulan"Ako ang papatay sa kaniya !!", wika ng isang babae na NASA edad bente singko
"sino ka naman ??", tanong ni General"pinatay nya ang buo Kong angkan dapat lang ako ang kumitil ng buhay nyang Demonyong yan !", paliwanang ng babae
at saka pumwersa sa hawak ng espada sabay bagsak sa leeg ni Santiagodumanak sa sahig ang dugo ni Santiago
lumapit ang saakin ang babae " salamat Cesar at hinayaan mong gawin ko iyon , at dahil don napaghiganti ko ang buo Kong pamilya , tanggapin mo ang handog Kong gintong kwintas isa itong anting anting na nanggaling sa Argentinang dayuhan !",sabay abot nito saakin
"salamat , mag iingat ka sa iyong pag lalakbay !", Sabay alis nitoang ilan namang mga kalalakihan ay sinunog ang bahay at kung saan andon ang katawan ni Santiago
nagulat ako ng tawagin ako ni Don Pasipico " Cesar si Cecilia " , pagkasabi palang iyon ay tumakbo agad ako sa kinalalagyan nya
inabot naman agad sa akin ni Aling Melinda ang sanggol laking ngiti agad ang dulot sa akin nito
tumingin agad ako Kay Cecilia "nawalan sya ng Malay Bago nito ipanganak ang anak nyo ", pag papaliwanag ni aling Melinda
BINABASA MO ANG
Cecilia (Ang unang Yugto)
Historical Fiction"ang pagibig nating dalawa ay hindi kukupas parang kanta itoy masusulat muli hanggang sa wakas ikay mamahalin magpakailanman at ikay sasamahan hanggang sa kamatayan di na ako makapag hintay na masilayan ka ulit mahal kong sinisinta "Cecilia"