Chapter 3
Touch
Dalawang linggo na din simula nang naging personal nurse ako ni Sir Craize. Naging malapit ang loob ko sa kanya. Pero yun ang kinatakutan ko. Unti unting gumagaan ang loob ko kapag kasama siya. Nasasanay na rin ako sa presensya niya.
"Sir, may iuutos pa po ba kayo?"
Umiling ito at ngumiti.
"Sige po, dadalhin ko muna to sa kusina" Kinuha ko ang tray at lumabas ng kwarto. As much as posibe ay kailangan kong maging civil sa kanya. Dapat professional ako sa trabaho ko. Ayaw ko namang mahulog kay Sir Craize. Natatakot na tuloy ako.
Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko ang kakambal ni Sir Craize na si Maam Braize. Magkamukhang makamukha sila kaso nga lang iba ang kulay ng mata ni Braize at syempre babae si Maam Braize. Pero kung magpapagupit si Maam Braize baka makilala siya bilang si Sir Craize.
"Goodmorning po" Yumuko pa ako konti at nilagay sa dishwasher ang mga plato at pinagkainan ni Sir Craize.
"Goodmorning" Tumango lang siya at umalis na agad. Pagkatapos mahugasan ng mga plato ay pinunasan ko ito at inilagay sa lalagyan. Agad akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ni Sir Craize.
Nakita ko siyang nakaharap sa balcony niya. Tumikhim ako pero di naman siya natinag.
"Veanice?"
"Ah opo ako po ito" Nanatili parin akong nakatayo. "Kunin mo yung upuan at tumabi ka saakin" Utos niya. Agad ko naman siyang sinunod at kinuha ang upuan na nasa desk niya. Tinabi ko ang upuan ko sa wheelchair niya pero di sobrang lapit.
"You seems so far away. Natatakot ka ba saakin" Lumingon ito sa kinalalagyan ko. Alam kong di siya nakakakita pero na-iintimidate ako sa maganda niyang mga mata.
"Hindi naman po. Nakakahiya lang kasi na tumabi ng sobrang lapit sa boss ko" Sabi ko. Bigla naman siyang humalakhak.
"You know what, ikaw yung pinaka-unang personal nurse na ganyan. My former personal nurses are flirt." Seryosong sabi nito.
"Ganun po ba" Yumuko ako "Di po ako ganun, promise" Napakamot pa ako batok ko. Ano ba tong pinagsasabi ko.
"Yeah, I can feel that. I really hope that I can see you" Sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya. Nakaharap parin siya saakin.
"Can I touch your face?" Tanong niya. Nagulat naman ako. "Bakit po?"
"I just want to feel your features even tho I can't see" Sabi niya. "P--pwede naman po" Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti niya. Those white perfect teeth.
Dahan dahan niyang tinaas ang kamay niya at dahan dahan niyang inabot ang mukha ko. Naramdaman ko ang malaki at mainit niyang kamay sa pisngi ko.
Napakalambot naman ng kamay niya
Iba na talaga pag mayaman ka.
"I can feel that you're gorgeous, Veanice. Even your name is gorgeous" Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
"Are you blushing?" Ngumisi pa ito. Bigla nitong nilagay ang kamay sa taas ng ulo ko at ginulo pa ang buhok ko.
"I wish you are my sister" Ngumiti pa ito dahilan na nawala ang ngiti ko. Sister? I remember wala pala siyang nakababatang kapatid na babae.
But sister? I mentally shrugged. Ano ba tong iniisip ko. Boss mo siya Veanice! Boss mo lang siya. Wag ka na umasa.
"Sir Craize, uuwi po sana ako mamaya" Paalam ko. Nakita kong tumigas ekspresyon niya. "Why?"
"Kukunin ko po mga gamit ko. Akala ko po kasi di ako tatanggapin dito magtrabaho kaya di ako nakadala ng mga damit ko."
"Sasama ako" Nanlaki naman ang mata ko. "Po? Pero--
"I can managed and besides may guard din akong tutulong saakin at nandyan ka rin" Napatango na lang ako. "Pero baka di pumayag sila Maam"
"Nah, wag ka ng mag-alaala. I just want to know my personal nurse's family" Ngumiti naman ako. "Sige po"
"MAGINGAT kayo, Veanice. Ngayon lang din ginusto ni Craize lumabas dito." Sabi ni Maam Crista. Tumango po ako at ngumiti. "Ayaw ko po sana pasamahin si Sir Craize baka ano mang yari sa kanya"
"Matigas ang ulo ng bata na yan. Sige Veanice, mag ingat kayo" Dahil sumama si Sir Craize ay sumakay kami sa isang sasakyan na pag-aari niya. Binuksan ko ang kotse at nakita ko si Sir na nakaupo at nakapikit. Umupo at maingat na isinara ang kotse baka magising pa siya.
Nakita ko namang minulat ni Sir ang mata niya kaya umiwas ako ng tingin.
"Did you already tell Mang Baldo you're house located is?" Tanong niya.
"Opo" Sabi ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ang awkward naman ng atmosphere dito.
Narinig kong tumikhim si Sir kaya lumingon ako sa kanya.
"I hope I'm not a burden to you, Veanice. Sana di na lang ako sumama" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Di naman sir atsaka ikaw boss ko kaya di ko naman pwede matanggihan request niyo" Nakita kong umangat ang gilid ng labi nito.
"That's so kind of you to tell. I feel like I'm always a burden to my family. But I need to accept this consequence" Bumuntong hininga ito.
"Di po kayo pabigat. Atsaka bat ayaw niyo pong magpa-opera?" Sabi ko.
"I just dont--I mean, you remember what I told you 2 weeks ago right? This the consequence on what I did" Tumahimik na lang ako. I guess sobrang feeling close ko na kay Sir.
"And can you drop those 'po' and 'opo'? I feel like I'm so old" Sabi nito. "And just call me by my name"
"S--sige, C--craize" Sabi ko. Di ako sanay na tinatawag ang boss ko sa first name kasi noon gusto nilang tawagin ko talaga ng Sir or Maam.
"Tell me about your previous work. I heard you got fired" Sabi niya na ikinabigla ko.
"Ah oo, napagkamalan kasi akong kabit nung asawa ng may-ari ng dating boss ko. Nakita niya kasi yung CCTV, akala niya hinalikan ako nung dating sir ko pero hindi muntik na niya akong molestahin! Buti nga nakaalis na ako dun!" Galit na sabi ko. Di ko maalis sa isip ko ang malaswang pagmumukha ng lalaking yun. Ang tanda na pero manyakis! Nakakadiri!
"Its good to hear that. Its better that you're fired. Kasi nandito ka at inaalagaan ako" Ngumiti pa ito saakin. Tinignan ko ang berde niyang mata.
His eyes is shining with happiness.
BINABASA MO ANG
I Can See You
General Fiction[R-18] Veanice, isang nurse na natanggal sa trabaho dahil sa hindi inaasahang pangyayaring di niya naman ginawa. Masakit man sa loob na mawalan ng lisensya pero ginawa niya ang lahat para makakuha ulit ng trabaho. Nakakita ng isang flier naghahanap...