Chapter 18

444 17 2
                                    

Chapter 18

A Familiar Sensation

MASAYA kaming nag-uusap, nagkukulitan ang iba ang dalawang kapatid ko naman ay katabi yung mga nobyo nila.

"So... How's life?" Tanong ni Blaze. Nakaupo kami sa highstool. May hawak akong kopita na naglalaman ng red wine.

"Its been amazing, Blaze. May maayos na trabaho. Masayang pamilya" Nakangiti kong sabi. Nakita ko namang ngumisi siya.

"Really Veanice? And did you--uhm nakamove on ka na ba?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko at tumango.

"Yes, ofcourse" Sagot ko agad. Sumandal si Blaze sa counter at hinarap ako. "Did you know what happened to my twin?" Seryosong tanong niya.

I gulped at umiling.

"Well he and Veani----

"Ate! Hanap ka na ni Kuya Dave" Tawag ni Tristan. Nakita kong napabuntong hininga si Blaze at humarap saakin.

"Lets talk again, Veanice. You need know" Sabi niya at umalis. Uminom lang ako ng wine habang nakasandal din sa counter top.

I lied again.

"WE have some guest . They will arrive very soon." Sabi ni Blaze na tumingin saakin ng makahulugan. At ano naman ang ibig sabihin nun? Napailing na lang ako.

Pero biglang lumakas ang tibok ng puso. Paano kung siya ang dadating? Di ko alam pero biglang namawis ang kamay ko sa kaba. Err, why am I acting like a teenager.

"Oh! Here they are!" Agad akong lumingon sa pinto at nakitang unti unti itong nabubuksan. Parang nag-slow motion ang lahat. Ang yabag ng paa ng mga taong pumasok.

Si Craize and 4 unknown guy

Nanlaki ang mata ko at agad tumalikod. What the hell. Argh, paanong di ko naisip na pupunta naman talaga siya?!

"Hi Craize and friends!" Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagyakap ni Blaze sa kuya niya. Nakita ko rin na binati at hinalikan niya sa pisngi ang mga lalaking kasama ni Craize.

Halos hindi ako makahinga nang malapit na sila saakin.

"Hey, I'm Jonas" Bati ng lalaking may piercing sa kaliwang tenga pero bumagay naman ito sa kanya.

"While this is Pete, Liam, and Toffer" Isa isa nag pakilala ang mga lalaki na kasama ni Craize. I heard mga business partners niya ito.

"Who's this girl?" Napalunok ako nang marinig ang boses niya. Namiss ko ito. Lalo na ang lambing ng boses niya kapag magkasama kami noon. Noong kami pa.

Pinigilan ko lang na wag umiyak. Kinagat ko ang labi ko at yumuko.

Biglang tumabi ang dalawang kapatid ko saakin.

"Ate, di namin alam na pupunta siya" Bulong ni Victoria. "Its not your fault Victoria. Kaya ko to ok?" Sabi ko. Tumango silang dalawa.

"Ah she is Veanice!" Bigla akong tinawag ni Blaze. Kaya wala akong chance kundi lumapit.

Tumingin naman ako kay Craize na nakakunot ang noo habang nakatitig saakin.

"Blaze, who is she? Parang sobrang close niyo sa kanya" Napamaang naman ako. Anong ibig sabibin nito? Tumingin ako kay Blaze na nag-aalala ang mukha. Pati sila Tristan at Timothy. Even my siblings.

Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari dito?

"If you excuse us, uupo na kami" Naglakad na sila sa living room. Habang ako at si Craize ay nasa harap parin ng pinto.

I Can See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon