Chapter 15
Hello
"Ikaw.."
"Ano ulit yun, Martin? Umingay kasi bigla" Sabi ko. Nakita ko namang natigilan siya at umiling.
"Nevermind" Nagkibit balikat na lang ako at pinahiga yung kinauupuan ko. Sosyalin din tong eroplano eh. Sabagay mayaman naman si Martin kaya VIP kinuha niya.
"Matutulog muna ako, Martin. Paki gising na lang ako" Sabi ko at kaagad pumikit.
NAALIMPUNGATAN ako dahil may bigla yumugyog saakin sa balikat. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nakita kong natutulog si Martin sa tabi ko.
Inaamin ko na nagka-crush ako kay Martin noon. Gwapo naman siya at mabait pa. Minsan sinasabihan kaming magjowa pero umiiling lang ako. Dahil purong kaibigan lang ang nararamdaman ko sa kanya. I dont think I'm capable of loving someone anymore.
Tumingin ako sa kwintas na nakasabit sa leeg ko. Nandoon parin ang promise ring na binigay niya. I mentally chuckled. Bakit ko ba pinagloloko sarili ko. I'm still holding on to his promise. Kung sana di niya na lang ako binigyan nito. Sana madali na pang bitawan. Pero hindi... niloloko ko ang sarili ko. Alam kong hanggang ngayon nasa puso ko parin si Craize.
"Are you okay?" Rinig kong tanong ni Martin. Lumingon ako sa kanya at nakita siyang humikab.
"Nabobored ako. Tagal naman" Sumimangot ako at sumandig.
"Kantahan kita?" Sabi niya. Ngumisi naman ako. "Akala ko ba ayaw mong kumanta? Ikaw ha" Tinusok ko tagiliran niya. Napaigik naman siya.
"Tsk, kung gusto mong mabulok sa boredom edi wag" Tumalikod siya saakin ng higa. Watda--
"Hoy tanda, di ka na bata. Sige payag na ako" Nakangiti kong sabi. Tumingin ako sa relos ko. Napabuntong hininga ako. 8 hours pa bago makarating sa Pinas.
"Here is it okay, Maam?" Sarcastic niyang sabi. May plinay siya sa cellphone niya at nagsimula na itong kumanta.
🎤I won't lie to you
I know he's just not right for you
And you can tell me if I'm off
But I see it on your face
When you say that he's the one that you want
And you're spending all your time
In this wrong situation
And anytime you want it to stop🎤
Nakasandig parin ako habang nakikinig kay Martin. His voice is really cold but calming. Tumingin ako sa labas ng maliit na bintana ng eroplano. Its already 5am kita ko ang mga ulap na tumatagos sa eroplano.
🎤I know I can treat you better
Than he can
And any girl like you deserves a gentleman
Tell me why are we wasting time
On all your wasted cryin'
When you should be with me instead
I know I can treat you better
Better than he can🎤
Sa sitwasyon ko noon siguro dapat Better than she can. I can treat Craize better than she can. Ugh, ano ba tong pinag-iisip ko. Bigla ko na lang sinampal sarili ko.
"What the fuck, Veanice? Why are yoy slapping yourself?" Gulat na tanong ni Martin at napahinto sa pagkanta.
"I...I suddenly remember something" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Narinig kong bumuntong hininga siya.
"You remember do you?" Tanong niya. Agad akong tumango.
"Bakit ang hirap kang mag-move on, Veanice? Tell me. Its been 5 years. Maybe they already have their children" Sabi ni Martin. Napakagat ko ang ibabang labi ko. Ayun na naman yung sakit. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. I feel helpless. Bakit nga ba ako di maka-move on?
Im pathetic.
May asawa na si Craize, Veanice. Wag ka ng umasa please. Sabi ko sa puso ko.
Pero itong puso ko naman sinasaway ang utak ko. Mahal mo siya kaya ipaglaban mo siya.
Minsan nakakabobo ang pag-ibig. Utak na lang dapat paganahin ko. Tanga tong puso ko eh. Gusto ba naman akong maging kabit. Gosh, I never ever think of myself to become a mistress. No way.
"And that?" Turo niya sa necklace ko. "Damn, di ka talaga makakamove-on niyan, Veanice. Maybe you should stop wearing that. I should keep that instead. Deal?"
Napaisip naman ako.
Agad akong tumango at hinubad ang necklace ko. Binigay ko ito sa kanya.
"Good. You should remove all of his memories, Veanice. Atsaka maliit ang Pilipinas. Pwede mo siyang makita doon"
Tama siya. Pero di naman mapipigilan ang tadhana kung magkikita kami. Siguro mag-ha-hi lang ako sa kanya or hello. Err, awkward naman ata nun.
"Matulog ka muna.. Ako na bahalang gumising sayo mamaya" Sabi niya. I nodded at humiga ulit.
"IM HOME!!!" Sigaw ko. Finally, after 5 years nakauwi na rin ako dito sa Pilipinas.
"Let's go. Nagtawag na ako ng sundo. Nandito kasi si Lola. Mama ni Mommy. Matanda na si Lola pero malakas parin" Kwento ni Martin.
"Woah, ilang taon na ba Lola mo?" Tanong ko. Ngayon niya lang ata naikwento ang tungkol sa Lola niya.
"Hmm.. Probably 75. But she is wicked sometimes. Strict" Tumango na lang ako.
"Let's go" Inilagay niya sa compartment ang gamit namin at pinagbuksan ako ng pinto. Kahit kailan talaga di mawawala pagiging gentleman niya.
"Sa bahay na ako dederetso, Martin. Excited na akong isurprise sila Nanay" Sabi ko at ngumiti. Di ko mapigilang maexcite. Miss na miss ko na sila sobra. Noon hanggang skype lang kami, ngayon makikita ko na sila ulit sa personal.
"Sure"
DI nagtagal ay nakarating na din kami. Itinuro ko sa driver kung saan nakalocate ang bahay namin.
Ganun parin ang bahay ang pagbabago lang ay kulay ng bahay.
"Kinakabahan ako, Martin" Sabi ko. Kaagad niya namang hinawakan ang kamay ko.
"Sus, nandito naman bestfriend mo. I'm here okay?" Napatango na lang ako.
Lumabas na kami sa kotse at kinuha ang gamit ko. Sa condominium kasi titira si Martin or sa bahay ng lola niya. Pero mas gusto niya raw sa condo niya.
Dahan dagan kong binuksan ang gate namin. Binuhat ko ang maleta ko. Nakasunod lang sa likod ko si Martin na tahimik lang din.
Kumatok ako sa pinto. Huminga ako ng malalim at kinuyom ang kamay ko. Ito na. Makikita ko na sila sa wakas.
Bumukas ang pinto at kaagad akong ngumiti.
"Hello, I'm back"
-
RHEAlisticFantasy
BINABASA MO ANG
I Can See You
General Fiction[R-18] Veanice, isang nurse na natanggal sa trabaho dahil sa hindi inaasahang pangyayaring di niya naman ginawa. Masakit man sa loob na mawalan ng lisensya pero ginawa niya ang lahat para makakuha ulit ng trabaho. Nakakita ng isang flier naghahanap...