Chapter 17
My Old Bestfriend
"GOOD Morning ate" Pagbukas ko palang ng pinto ng kwarto ko ay bumungad saakin si Venice na malaki pa ang ngiti.
"Goodmorning at nasan si Tristan?" Nag crossarms ako sa harapan niya. Nakita kong napakamot siya sa palad niya. One of her mannerism kapag kinakabahan.
"Ah eh nasa hapagkainan ate. Nandoon na din sila Nanay, Ate Victoria at Kuya Timo. Kanina ka pa namin hinihintay para mag-agahan kaya pinuntahan na lang kita pero gising ka na pala hehe" Di ko napansin na 8 am na pala ako nakagising. Dahil na rin siguro sobrang pagod ko galing sa byahe kahapon.
Pumunta na kami sa hapagkainan. Nakita ko silang kumakain na. Agad akong lumapit kay Nanay at hinalikan siya sa pisngi.
"Goodmorning Nay" Sabi ko. Ngumiti si Nanay saakin at nag goodmorning. Tinignan ko sila Tristan na nakatulala saakin.
Ngumiwi ako "Bakit?" Sabi ko. Narinig kong tumikhim si Timothy.
"A--Ate Venice? Nandito ka na talaga?!" Gulat na tanong ni Tristan.
"Y..yes. Bakit Tristan?" Takang tanong ko.
"Nagulat lang ako ate. Akala ko kasi di ka na babalik" Sabi niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Actually next week pa sana kami pupunta ni Martin dito. Kaso napaaga kasi yung business partnership niya sa isang hospital dito sa Pinas kaya pumunta kaagad kami rito. Atsaka mabuti na din yun para makita ko na kayo. Namiss ko kayo." Sabi ko.
"Sobrang namiss ka rin namin Ate. Halos limang taon kang wala dito. Ang dami mong nakaligtaan." Nakasimangot na sabi ni Venice. 21 years na pero yung pag-iisip nitong babaeng to. Isip bata parin ang bunso namin.
"I think I'm staying here too. I'm planning to work in the hospital na pinartnership ni Martin. Maganda din naman roon sabi ni Martin. Kaya di na ako babalik sa America" Nakita ko naman nanlaki ang mata ni Victoria.
"Talaga ate?! Yes!"
"Mabuti naman kung ganun anak. Mas malapit ka dito saamin. Alam mo bang nag-aalala ako araw araw sayo nung nandoon ka pa sa America. Palagi kong ipinagdadasal na maayos ang lagay mo" Malungkot na turan ni Nanay. Hinaplos ko naman ang buhok ni Nanay.
"Wag kang mag-alala nay. Dito na ako mula ngayon. Di ko na kayo iiwan"
Pagkatapos ng pag-uusap at agahan namin ay kaagad akong pumunta sa kwarto. Habang inaayos ang higaan ko ay napansin ko ang invitation card na binigay ni Timothy saakin kagabi.
Kailangan ko pa palang kausapin si Timothy. Mamaya na rin ang party na nasa invitation letter. Pero di ko parin alam kung para saan.
Lumabas ako ng kwarto at kaagad hinanap si Timothy. Nakita ko siya kasama si Veronica na naglalampungatan sa duyan sa likod ng bahay namin.
Tumikhim ako ng malakas. Napatayo si Veronica kaya nahulog si Timothy sa duyan.
"A--Ate" Namumula pang humarap si Veronica saakin.
"What the fuck" Mura ni Timothy at dahan dahang tumayo.
"I need to talk to you, Timothy. About the invitation card you gave to me." Sabi ko.
"Sige ate. Maiwan ko muna kayo. Parang seryoso ata ang pag-uusapan niyo" Psh, alam kong iiwas ka lang Victoria. Naku.
Victoria left while her face is red. Napailing na lang ako. Malaki na ang kapatid ko kaya I trust her sa mga gagawin niya sa buhay niya. I dont want to manipulate her life kaya hindi ko sila pinag-layo ni Timothy kahit na ayaw ko na ng kahit anong koneksyon sa mga Rio.
BINABASA MO ANG
I Can See You
Ficción General[R-18] Veanice, isang nurse na natanggal sa trabaho dahil sa hindi inaasahang pangyayaring di niya naman ginawa. Masakit man sa loob na mawalan ng lisensya pero ginawa niya ang lahat para makakuha ulit ng trabaho. Nakakita ng isang flier naghahanap...