Chapter
Ang Pagkikita
ITS been 3 days. 3 days simula nang may mangyari saamin ni Craize. Hanggang ngayon ay di ko parin makalimutan yun.
"Are you ready?" Tanong ni Martin. Nasa loob kami ngayon ng sasakyan niya. Pupunta kasi kami sa hospital ng Daddy ni Veanicequa. Napagdesisyunan ko kasing magtrabaho dun kesa naman magmukmok lang ako sa bahay.
Di ko mapigilang kabahan. Baka makita ko siya doon. Dahil... fiancee niya naman si Veanicequa.
Di nagtagal ay nakarating na kami sa ospital. Nagpark si Martin at bumaba na kami sa kotse. Pagpasok namin ng ospital ay may nakaabang saaming isang nurse.
"Hi Sir Martin and Maam Veanice. I'm Sharreen. Ako po ang ipinadala ni Dr. Ford para tulungan kayo" Tumango naman si Martin.
"I see" Sinundan lang namin ang nurse. No, I dont think she is a nurse. More like a professional here.
"Here is your office, sir and maam. Sabi ni Dr. Ford na iisa na lang ang opisina niyo"
"Thats nice." Sabi ko nalang. Atleast di ako mabored sa opisina.
Maganda ang opisina namin actually. Spacious and comfy. And the color of our office is great too.
"Can I ask when will you start working?" Sharreen asked.
"Is it okay if I will start now?" Sabi ko. Ngumiti naman siya saakin at tumango. "Sure, Maam."
"Thanks" Sabi ko at inilagay ang bag sa desk. Nagulat pa ako nang may makita akong coat rack. Kinuha ko ang isang robe. May pangalan na nakalagay. Dr. Veanice Samonte.
Pinaghandaan talaga huh.
Sinuot ko ito at tumingin sa salamin na malapit sa coat rack.
"You look great." Sabi ni Martin na nasa likod ko at nakasuot na rin ng robe niya.
"You too. You dont look bad for yourself" Sabi ko. Humalakhak naman siya bigla.
"Di ko alam na mahilig ka pala sa cheese, Veanice" Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"What?"
"Pfft, coz youre cheezy" Agad ko namang nagets ang punto niya kaya sinapak ko na lang siya. Napailing lang siya at hinimas ang batok niya.
"Amazona"
NALIBOT ako sa buong hospital. Maganda naman ang facilities ng hospital na to. No doubt Ford Medical Center is one of the best hospital here in Philippines. And that's the reason why na gusto kong magtrabaho dito.
Naglakad lakad lang ako hanggang sa may makita akong lalaki na nakasakay sa isang wheelchair. Tulak tulak siya ng isang babae.
Lumapit ako at binati sila.
"Hi, may I help you?" Tanong ko. Kaagad namang tumingin saakin ang babae. Nakita kong pumatak ang luha nito.
"Doc, nagmamakaawa ako.. Tulungan niyo po ang fiance ko. Bigla na lang po kasi sumakit ang dibdib niya at hirap huminga kaya agad ko siyang dinala dito. At doc, bulag po siya" Nanlaki naman ang mata ko sa narinig.
"Ano?! Bakit walang Doctor ang nandito para i-assist kayo?" Agad ko silang pinapasok sa isang room at pinahiga ang fiance niya.
"Bawal daw po kasi ang walang pambayad. Mahirap lang po kami." Sabi ng babae. Tinignan ko ang babae. Actually she doesnt look like a poor. More like galing siya sa isang mayamang pamilya dahil sa kutis niya at itsura niya.
"I will help you. Let me check your fiance" Agad kong kinuha ang stethoscope at inilagay sa bahagi ng dibdib ng lalaki.
"This is bad. His heartbeat is slow. He needs to be check immediately" Sabi ko.
"Doc, please anong nangyayari" Narinig kong humagolhol na ang babae. Agad kong pinindot ang alarm button na nasa taas ng hospital bed.
Agad namang may pumasok na mga nurses at doctor.
"Doctor Veanice? What happened?" Tinuro ko ang lalaking nakaratay sa higaan.
"Check him immediately! Ako na ang bahala sa babayarin. Now!" Di ko mapigilang magalit. Pati ba naman dito sa ospital walang equality?
I guess I need to change this ridiculous hospital law.
30 MINUTES passed at stable na ang pasyente. Kumatok ako sa pintuan ng room ng mag-fiance. Dahan dahan ko itong binuksan at nakitang masaya silang nag-uusap.
"Dra. Veanice, maraming salamat po. Ako po si Samantha. I'm very thankful-- uhm. Salamat" Di ko mapigilang tumaas ang kilay ko. Her english has an accent. I doubt that she is poor. She really looks like a celebrity or something. And she looks familiar.
"No worries. Basta ang importante nakatulong ako." Bumaling ako sa lalaki.
"And what's your name?" Tanong ko.
"Ako si Miguel" Napatango naman ako.
"Miguel, do you want to see again?" Tanong ko. Nakita ko namang nagulat si Samantha.
"Dra. Di mo na kailangan---
Umiling ako. I smiled at her.
"I like to help so please let me"
Nabigla ako nang niyakap ako ni Samantha.
"Salamat po. Salamat" Naramdaman ko ang galak at saya niya.
This is what I felt when Craize got a chance to see the world again.
NAPAHILOT ako ng sintido pagpasok ko ng opisina. Kakatapos ko lang kasi tumulong sa mga ibang doktor na nadito.
"Well well well, its true that you're really here" Natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
Lumingon at nakita si Veanicequa na nakaupo sa sofa ng opisina.
"Veanicequa" Sabi ko. Parang binuhusan ako ng isang asido kapag sinasabi ko ang pangalan niya.
"Veanice" Matigas na sabi nito. She crossed her legs at ngumisi.
"Why are you here anyways? Are you still chasing my fiance?" Natigilan naman ako. Her Fiance. Napatawa ako ng mapakla.
"Youre fiance huh. I have a question Veanicequa. Bakit di niya ako kilala?" Tanong ko.
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Tumayo ito at lumapit saakin.
"Its better like that. Yung hindi ka niya nakikilala. Dahil ngayon ako lang ang dapat na kilala niya. Hindi ikaw na isang substitute ko lang noon. Poor you. The person she love doesnt know her" Sabi nito at tinignan pa ako na parang siya na ang nanalo.
Nasaktan man ako sa sinabi niya pero hindi ako magpapatalo. Ako si Veanice Samonte at hinding hindi ako magpapatalo sa tulad niyang..mahaharot.
Kaya ngumisi ako. "Talaga Veanicequa? Let me remind na nakalimutan man niya ako. Pero di mawawala ang katotohanang ako ang minahal niya at di ikaw. Dream on, Ms. Ford"
Nakita ko ang paguhit ng inis sa noo niya. Tinulak niya lang ako bigla at sumigaw.
"No! He is mine you bitch!"
"Respect me bitch. Im 4 years older than you!" Sagot ko. Umirap lang ito saakin at padabog na isinara ang pinto.
Napailing na lang ako at umupo sa swivel chair.
First day of working here is stressful. What more kung aabot ako ng isang buwan dito?
-
RHEAlisticFantasy
BINABASA MO ANG
I Can See You
General Fiction[R-18] Veanice, isang nurse na natanggal sa trabaho dahil sa hindi inaasahang pangyayaring di niya naman ginawa. Masakit man sa loob na mawalan ng lisensya pero ginawa niya ang lahat para makakuha ulit ng trabaho. Nakakita ng isang flier naghahanap...