Chapter 11

327 15 1
                                    

Chapter 11

Is this the end?

ISANG ARAW ang dumaan pagkatapos ang operasyon ni Craize. Hawak ko ang kamay niya habang natutulog ito. Di ko alam kung anong gagawin ko. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at tinignan ang promise ring na binigay ni Craize sakin.

Kung malalayo man ako kay Craize. Ito na lang ang magiging palatandaan ko. Palatandaang nakasama ko si Craize kahit saglit lang. Masakit dahil mahal ko na siya. Pero kailangan kong harapin ang katotohanan. Katotohanang di kami pwede. Isang substitute lang ako.

"Iha, can we talk?" Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Maam Crista. Tumango ako at ngumiti ng pilit.

"Sige po, Maam" Binitawan ko muna ang kamay ni Craize at sumunod kay Maam Crista.

"Veanice, mapapaaga ang dating ni Veanicequa (Bi-ya-nis-si-ka). Bukas na siya dadating" Ngumiti pa siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Ipapadala ko kayo ng pamilya niyo sa America. May kilala kasi ako na nag-mamayari ng ospita. He can help you, Veanice. You can continue your work there" Napamaang naman ako at nanlaki ang mata.

"P--po?"

"Alam kong naguguluhan ka. Your job is done, Veanice. Salamat sa pagiging personal nurse ni Craize. Malaking tulong ang nagawa mo sa pag-aalaga sa anak ko. At ngayong nandito na ang fiancé niya. Maalagaan na siya ng maayos" Sumama ang pakiramdam ko sa narinig. Ibig sabihin... di ko man lang maabutan si Craize na makakita. Napangiti na lang ako ng mapait.

"Kung ganun po, Maam. Wag niyo na po isama ang pamilya ko" Napaisip ako na ang mga kapatid ko ay may ugnayan sa kapatid ni Craize. Atsaka alam ko namang di papayag sila Nanay na iwanan ang bahay namin. Iyon na lang ang tanging alaala sa aming ama.

"Kahit ako na lang po ang pupunta mag-isa sa America" Ngumiti ako at kinagat ang labi. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Ang sakit sobra! Ayaw kong iwan si Craize pero... dapat.

"Ayos lang ba sayo yun, Veanice? Ako ng bahala sa lahat. Pambayad ko sa lahat ng ginawa mo para sa anak ko" Tumango ako ng dahan dahan.

"S--syempre naman po"

"So its clear. Thank you for everything again, Veanice" Naglakad na paalis si Maam Crista at pumasok sa room ni Craize.

Dumeretso ako sa cr. Agad akong naghilamos para maalis ang iyak ko. Tumingin ako sa salamin at ngumiti.

Ngunit kita ko parin ang lungkot sa mga mata ko.

"VEANICE, sila Timo muna ang babantay kay Craize. Alis muna tayo, bonding you know" Sabi ni Blaize. Nag-aalinlangan ako pero tumango na lang ako.

"Let's go!" Hinila niya ng braso ko at lumabas na kami sa room ni Craize.

"I have something to tell you" Seryosong sabi ni Blaze.

Nandito kami sa isang coffee shop. Nasa tabi lang to ng hospital kaya nilakad lang din namin.

"I fucked up" Sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Fucked up?"

"Yeah. I just... lose my virginity" Bulong nito. Nanlaki naman ang mata ko.

"W--what? Kanino?!" I sip my coffee. "You already know him" Sabi niya.

"Yukio?!" Tumaas naman ang kilay ni Blaize. "Duh! No way. Di na ako papatol sa lalaking yun. Its Dave. Two days ago, I went inside a bar dahil birthday ng kabatchmate ko sa University dati and then I saw him following me again like a creep. I got drunked tapos ayun may nangyari saamin" Nakita ko pa siyang ngumuso at namula.

"You're blushing" Natatawang sabi ko. Umirap siya saakin.

"I just lost my virginity, Veanice."

"I know. Tapos saan na si Dave ngayon?" Tanong ko.

"Look at your back" Lumingon ako at nabigla nang makita si Dave na naka three piece suit at slack. Business corporate attire. Naglalakad siya papalapit saamin at agad pinatayo si Blaize.

"Let's go home, babe" Sabi nito kay Blaize. Inirapan lang ni Blazze si Dave. "Duh, kita mo namang nag-uusap kami ni Veanice diba?"

"Oh, I thought she was a guy. I'm sorry, Veanice" Humarap ito sakin. Kumunot ang noo ko. "Mukha ba akong lalaki?" Inis na sabi ko.

"No. And I'm possessive when it comes to my babe. And I own her" Nakangising sabi ni Dave. Agad naman siyang sinuntok ni Blaize sa dibdib kaya napa-igik ito.

"You know what, let's go! Kung ano ano na lang pinagsasabi mo, bwisit!" Hinila siya ni Blaize at naglakad palayo.

"Veanice, alis muna ako. May itotorture pa ako dito" Tumango na lang ako. I guess Blaize already have the one that will love her forever.

And I still don't know if I will have mine.

"BABY, I'm excited to see you" Mahigpit ang hawak ni Craize sa kamay ko. Alas otso na ng gabi ako at kaninang alas singko ako bumalik sa ospital.

Naisip isip muna kasi ako bago bumalik dito. Nag-isip ako kung ano ba dapat gawin ko. At ngayon alam ko na ang gagawin ko.

"Me too, Craize" Sabi ko at hinaplos ang buhok niya. Nakatakip parin ang mata niya ng mga bandages. At bukas na bukas ay tatanggalin na ito.

At bukas ay huling sandaling makikita ko siya.

Yes, I decided to leave. Di dahil di ko siya kayang ipaglaban kundi pinili ko ang tama. Una palang ay ipinagkasundo na si Veanicequa at Craize.

Nalaman ko na lang kay Timothy na alam na pala ito ni Craize. Kwento pa niya na isang nurse dati si Veanicequa bago naging sikat na model.

Pero bakit, Craize? Bakit ka nagsinungaling saakin?

Alam mo namang mayaman si Veanicequa. Bakit pinili mo paring sumama saakin noon.

Di ko na alam. Sobrang nasasaktan na ako.
Im torn between holding on and giving up.

Im sorry, Craize. I hope you will forgive me.

Masaya akong natagpo tayo. Kahit alam kong hindi tayo ang itinadhana.

"ARE YOU READY, Mr. Rio?" Masayang tanong ni Dr. Fernandez. Tumango si Craize at ngumiti. Kita ang kasiyahan sa pamilyang Rio.

Dahang dahang tinanggal ni Dr. Fernandez ang benda na nakapalabot sa ulo nito.

"Okay, carefully open your eyes, Craize" Bawat segundong lumipas ay agad na binuksan ni Craize ang kanyang mga mata.

Napangiti siyang nang makita niya ang isang napakagandang babae. The girl she love.

"Veanice"

-

RHEAlisticFantasy

I Can See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon