"One,two...three...ACTION!"
"Papatayin kita! Papatayin kita! Para sa kabayaran ng sampung kataong pinatay mo!!!".
"Cut!.....Break time tayo."
"Direk, andyan nanaman po si Aya." Sabi ng isang staff.
"Eh, hindi mo ba pinagsabihan yan na huwag na nga siyng babalik dito?"
"Direk masyadong makulit po, pinagsisisiksikan niya na kaya niyang gawin ang role na yun."
"Hindi ba siya nakaintindi na laos na siya! Laos na! Paalisan niyo yan dito!"
Hindi lingid ng Direktor at ang kausap nitong staff na nasa likuran na pala nila si Aya. Kaya bigla silang nagulat ng may nagsalita sa bandang likuran.
"Kaya kapag ang isang taong laos na ay wala ng halaga sa inyo!, Na kapag wala ng silbi sa paggawa ng pera ay babalewalain niyo na lang!!!!! Napakamukhang pera at napakasarili mo Rino! Magbabayad ka sa lahat ng panggagamit mo sa akin! Lahat ng paninira para mapatalsik ako sa mundo na pinapangarap ko noon, binilog mo ang ulo ko, at pinaniwala sa lahat ng kasinungalingan mo....magbabayad ka Rino, magbabayad ka!...At isinusumpa ko lahat ng mga pelikulang ginagawa mo ay magkakatotoo mula sa buhay mo hanggang sa mga susunod mong henerasyon at lahat ng mga taong malalapit sayo ay mamamatay!!!!"
Kabaliwan mang inisip ng lahat ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang takot.
Mula noon wala ng Aya ang pumupunta sa bawat shoot na ginagawa ni Rino. Naging normal naman ang buhay nila ng matapos ang pangyayaring iyon, mas maraming trabaho pa at proyekto ang pumasok kay Rino. Naging sikat na direktor si Rino at dahil sa may itsura din ito at batang bata pa nga ay nagiging bida din siya minsan sa mga ilan niyang mga pelikula. Naging tanyag ang bansag na "Rino Glow" sa industriya ng mga artista at maging sa labas nito. Talaga namang mas naging gwapo, maliksi, sikat at tanyag si Rino ng matapos niya ang pelikulang "The Secluded Room" na siyang naging leading lady naman si Ariana Cruz na isa ring sikat na Korean half Filipino Model/Artist. Nais ni Rino na magkaroon ng part two ang pelikulang 'to kaya nagiging busy nanaman siya sa bagong mangyayari o kinalabasan ng The Secluded Room kapag ginawa niya ito. Noong on-the-making pa lamang ang The Secluded Room marami ng naranasang kababalaghan sa pelikulang ito na hindi kasali sa kanilang pelikula, minsan may nasasamang mga larawan na hindi maintindihan at minsan may mga tunog na biglang gugulat sa lahat. Pero dahil nga sa maganda at naging makakatotohanan ang pelikulang ito, ninanais nila na makahanap pa ng mas sinaunang bahay o mas maging makatotohanan ang mga pangyayari at lugar na kanilang pagkukunan.
AN: Sana magustuhan niyo at sana ito ang unang story na matatapos ko!!! Everytime kasi na nagttry ako na gumawa ng story ay hindi ko natatapos...Sana lagi akong sipagin!
BINABASA MO ANG
The Secluded Room
Mystery / ThrillerPaano kung ang pelikulang gingawa at pinapanuod mo ay naging makatotohanan! Makikipagpatayan ka ba para manalo o tatakbo ka para iligtas ang sarili mo sa takot?