Chapter 5 [Second Victim]

1 0 0
                                    

Kaye's POV
Bakasyon na at isang linggo na din na di namin kasama si Yesha. Nakakausap namin siya pero limitado lang dahil sinisimulan na ang pagshoot ng The Secluded Room: Part II.

"Hinahanap pa umano ang isang staff ng SBC CBA na nanawala noong isang linggo na. Ayon sa mga kasamahan nito gabing nangyari ang pagkawala, napagutusan na bumili lamang ng makakain ng ibang mga staff ngunit hindi na nakabalik ang biktima kung kaya't nagtaka ang lahat at nakaramdam ng takot. Sa ngayon ay patuloy ang inbistigasyon at ang pakikipagugnayan sa mga kamaganak nitong wala ka-ideya-ideya sa pagkawala ng kanilang anak....."

"Ano ba yan, nakakatakot na ang mga balita ngayon. Kamakailan lang yung napuno yung street natin ng mga patay na pusa!" - Nadania

"SBC CBA? Diba yan ang studio nina Rino?" Mabby

"Yes...and one of their staff is the victim, na hanggang ngayon hindi pa nakikita. Hindi nila alam kung sino ang suspek ni hindi nila alam ang kasarian nito." seryoso kong sagot.

*Flashback*

Unknown's POV

I'm here now in front of SBC CBA's studio, eyeing for someone to come out!

Iisa-isahin natin ang mga taong sumira sa mga pangako na ipinako mo noon.

Di sa kalayuan nakita ko na ang taong isa sa mga nanakit sa akin !
"Three cappucino coffee, two americano, and two boxes of pizza!" Sinundan ko siya kaya dinig na dinig ko ang mga sinasabi niya. Hanggang ngayon sunod-sunuran ka pa din. Hindi nga lahat ng mga tao na mayroong posisyon sa buhay ay matatawag mo ng boss dahil may mga tao na natatawagin mong AMO kahit alam mo na magkatrabaho lang kayo sa iisang posisyon! Kung ano nga ang ginawa mo noon, ibabalik din sayo!

Dinukot ko sa bulsa ang electric taser ko at agad na itinutok sa leeg nito at bigla lang siyang nangisay! Hmmmm... masyadong gumagaan ang damdamin ko kapag ginagawa ko to.

Agad ko tong ibinuhat at nilagay sa kotse.

*end*

"Diba dati kang anchor nung bago ka mag-aral uli para maging prosecutor?"- Mabby

"Oo bakit?"

"For sure nakasama mo na sa field yung biktima, wala ka bang natatandaan o wala ka bang alam tungkol sa kanya?"- Mabby

"Reporter Shin Sandoval?"- may biglang nagflashback sa isipan ko.. Tama isa nga siya sa mga nakasama ko noong nasa training field palang kami. Yun lang ang alam ko tungkol sa kanya, hindi ko siya gaano ka-close pero minsan ko na din siyang nakausap.

*Flashback: March 5,2017*

Busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko noon for the interview ng nilapitan ako ni Shin.

"Hey, have you eaten?"-Shin

"Not yet."- tipid kong sagot kasi hindi naman kami close pero bugla na lang siya lumapit sa akin at tanungin ako.

"Hmmm.can you join me for lunch?"- Shin

Itinigil ko ang gingawa ko at tsaka ako tumingala sa kanya, nakaupo kasi ako.

"Ok."- hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama sa kanya pero dahil mukha naman siyang mabait napasunod niya ako.

Kumain kami sa pinakamalapit na karenderya dahil nga nasa field kami walang gaanong tindahan o kainan dito pero mabuti na lang nakita namin ang isang to.

"Hulaan ko Junior ka din nuh?"-Shin

"-_- " Tinitigan ko lang siya, malamang junior pa lang ako, newbie kaya nga nasa training ground kami diba. "Hindi ba siya nag-iisip?" tanong ko sa isipan ko.

The Secluded RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon