Chapter 8 [Not Three but Two]

1 0 0
                                    

"Walang nakakaalam kundi siya at ako lang!
They are not three but two! Uno was dead and dos was alive! Bloody curse will kill you but you can save lives! Are you in?"

I received a text message from unkwon number after the horrible incident, two days na ang lumipas pagkatapos ng nangyari kay Ronnie buti na lang naidala siya sa malapit na hospital pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Bakit nangyayari to? Walang may gusto! Ano 'tong mga message na to? Para saan? Siya ba ang may pakana ng lahat? Ang daming mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Isang araw na lang aalis na kami at magsisimula na namang magshoot pero paano kami makakapag-focus kung ganito ang nangyayari sa amin?

Nasa entrance ako ngayon ng hotel. One week kami dito na sana mag-enjoy pero ito ang nangyari sa amin. Papunta kami ngayon nina Mabby at Nadania sa Hospital para bisitahin si Ronnie.

"Yesh, are you ok?", biglang sabi ni Mabby.
Umiling-iling ako sabay tango, "ah, wala-wala. Okey na ba? si Naddy?", tanong ko kay Mabby.

"I'm here, Ate!" Kapag naglalambing sa akin si Nadania Ate ang tawag niya, siya naman talaga ang pinakabata sa amin na accelerate lang siya kaya mag-kaklase na silang tatlo. Naka short siya ngayon ng white and v-neck na shirt at may dalang backpack na may tatak na flower ng lotus. Si Mabby naman, naka jeans pants na fitted and offshoulder blouse na kulay pitch. Samantala ako naka suot ng rubber shoes with maong jumper pants at white t-shirt. Mag didisguise ako syempre nailabas na ang face ko sa TV, syempre kailangan to para hindi ako makilala. Masaya ako kasi kahit may nangyari ng masama sa amin eh lagi silang na andyan para sa isa't isa. Hindi namin kasama si Kaye, umiral na naman kasi ang pagka-weird niya,kesyo may gagawin daw siya.

"Ano tara na?" sabi ko sa kanila. Sumakay na kami ng van.

Tahimik lang kami hanggang makarating sa hospital pero may nakaagaw na naman ng pansin sa akin, parang may nagmamasid sa amin kaya lumingon ako sa kanan ko, I saw a shadow na parang nagtago siya bigla naglakad ako papunta sa direksyong 'yon nasa information desk pa naman sina Nadania. Malapit na ako sa lugar na medyo madilim at may ilaw ito sa bukana kaya nakita ko yung shadow niya liliko na sana ako pero biglang may humawak sa braso ko, "Mabby!" gulat kong sabi. "Yesh, anong ginagawa mo dito? Bigla ka na lang nawala!" pag-aalala nitong sabi.  "Ah, wala. Tara na" sabay alis ko sa lugar na yon.

Mabby's POV

Nauna na si Yesha, bahagya ko pang sinilip ang lugar na yon, ang alam ko papunta na yon sa exit door madilim kaya di ko maaninag ang nasa loob nito.

Umalis na din ako at sabay-sabay kaming pumunta ng room ni Ronnie. Pagkarating namin nakita na lang naming nangingisay si Ronnie.

"Oh my gosh!! Nadania tumawag ka ng doctor!" Sigaw ni Yesha. Tumakbo naman kaagad si Nadania para tumawag ng tulong. Ano na namang kalukuhan to, kami pa lang ang nakapasok sa kwarto niya ngayon.

"Na saan si Catherine diba siya ang bantay ngayon kay Ronnie?" tanong ko kay Yesha. Pero hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang doctor at maya-maya lang sumunod si Catherine na tulala at namumutla.

"Cath! Where have you been?" I ask Cath. Pero tulala ito walang imik! "Cath, I'm asking you!" paguulit ko. Pero bigla itong umiyak at nanginginig makikita mo sa mga mata niya ang biglang pagbalot ng takot.

"Mabby!" usal niya. Nasa loob si Yesha at Nadania ng room kaya kaming dalawa ni Cath ang nasa labas nito pero nasa tapat lang din ng room.

"What? Tell me what's wrong? Alam mo ba na nangingisay si Ronnie pagkadating namin?" pangsisigaw ko sa kanya. Alam ko mali ako, pero naiinis ako na ako ang tagal niyang sumagot at bakit ba ganyan siya? "Mabby, I'm sorry. I'm sorry for giving the culprit a chance to kill Ronnie! It's my fault..naniwala ako na nandoon si Rino sa rooftop at hawak siya ng culprit kaya agad ako pumunta!" naiinis ako sa mga pinagsasabi niya anong culprit? Anong pinagsasabi niya? May mali...hindi ko maintindihan ibig ba niyang sabihin may taong gumawa nito kay Ronnie kaya siya nagsuka ng dugo noong araw na yon? "Wh-what do you mean?" I ask her again. "May nagtext sa akin sabi niya siya ang may gawa kay Ronnie doon sa Reception, sinabi niya ang buong detalye ng pangyayari kung paano tayo nagkagulo nung araw na yun at nung tumakbo kayo si Yesha palabas at sumunod kayo. Mas kinabahan pa ako nung sinabi niya na si Rino na ang isusunod niya at nasa rooftop sila daw doon niya papatayin si Rino kung hindi daw ako pupunta." Umiiyak nitong saysay.

"Tama ang hinala ko kanina andito siya sa hospital na to! Nasa exit door siya kanina!" nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Yesha sa may likuran ko. Ibig sabihin narinig niya ang lahat ng pag-uusap namin. Pero naguguluhan ako, totoo nga ba talagang may kinalaman yung nag-text kay Cath sa nangyari kay Ronnie? Eh, ano naman tong sinasabi ni Yesha? Bakit wala akong alam? Teka bago ang lahat kamusta na si Ronnie.

"Yesh, kanina ka pa dyan? Kamusta si Ronnie?", lungkot ang bumalot sa mukha ni Yesha at isang patak ng luha ang lumabas dito kasabay nito ang paglabas ni Nadania na parang hinulugan ng sampong sakong yelo sa bigat nitong maglakad. Pumasok ako sa loob ng room at nakita ko kung paano tinatakpan ng doctor ang katawan ni Ronnie. Ronnie died because of that man!

Unknown's POV
Ngayon tatlo na ang biktima ko pwede ko na bang sabihin na.. Uno was dead, dos is alive but tres killed himself! Hahaha! Saya-saya naman ng laro! Good job, Catherine!

*bzzzzt*

Kinuha ko ang phone ko para sagutin ang tawag, "hello my dear!" isang malamya at masiyang boses ang ibinigay ko para sa kaniya! "Napakasama mo talaga, pwede ba ako na lang ang saktan mo wag mo ng idamay ang iba! Ako na lang please!", pagmamakaawa ng boses ng taong kausap ko. "Hahaha, hindi naman ako ang pumapatay sa kanila, ikaw naman eh!" nakangiti kong sabi. "Hindi ako ang pumatay sa kanila! Ikaw, ikaw na hindi tao! Paano mo nagagawa yun? Paano mo nasisikmura ang bawat dugong lumalapat sa mga kamay mo?" , masyado na siyang madrama! "Hey, easy. Hindi ko naman to gusto ang kaso, ginawa mo kong tanga! Kaya ito ang kabayaran ng lahat at dahil parang sumasang-ayon ang panahon sa akin at pati ikaw nakakapatay na din, ibig sabihin tayong dalawa ang killer!Hahaha", dagdag ko. "Hindi ka mananalo! Hindi ko hahayaang mamamatay ang lahat!" sigaw nito sabay patay ng phone.

Nagmamalinis siya kapag may namamatay bipolar nga talaga! Pero kapag may pinapatay tuwang-tuwang naman! I did not killed Ronnie, isa pa siyang baliw! Gusto niya pa talagang mamatay sa harap ng mga kasamahan niya sana nagtago na lang siya! Kaya ngayon, ako ang napagbibintangan na pumatay sa kanya!

AN: guys ipopost ko na ang mga picture ng mga character natin sa susunod na update ko pero yung iilan lang hindi pa kasi ako sure kung may papasok pang character at syempre yung dapat itago pa . Don't forget to vote and comment!

The Secluded RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon