Palabas na sana ako ng penthouse ng biglang may nakita akong basag na salamin sa sahig ng sala na bahagyang natatabunan ng unang nahulog mula sa sofa.
Kinuha ko ito at laking gulat ko na lamang na may nakasulat na "Her name was Aya!" ang ginamit nitong panulat ay halatang sariwa pang dugo!!! Napansin ko din na may iilang tulo ng dugo doon sa sofa.
Biglang may kumatok sa pintuan kaya napatigil ako sa pag-iisip na kung sino ba si Aya?
Binuksan ko ito at bumungad ang mukha ni Mr. Kim sa harap ko.
"Anong nangyayare Rino? Ano yang hawak-hawak mo?"- Mr. Kim
Hindi ko napansin na hawak ko pa rin pala ang basag na salamin na nagbibigay ng malaking katanungan sa akin.
"May kilala ka bang Aya?"
"Wala naman bakit?"-Mr. Kim
"Bago ko puntahan si Ariana, she texted me... this. Tulad ng nakasulat sa salamin na yan ang binigay na mensahe sa akin ni Ariana.."
Kinuha ito ni Andrew sa akin at tinitigan na parang nagiging palaisipan sa kanya ang mga pangyayari....
*end*Natapos ang gabing yun na kami lamang ni Andrew ang nakakaalam sa pangyayaring iyon.. Ipinalabas namin sa lahat na bumalik si Ariana sa Korea dahil mas pinili niya ang bagong proyekto doon. Napagkasunduan namin ni Andrew na huwag munang ilabas sa public ang katotohanan hanggat wala pang eksaktong detalye tungkol sa nangyari. Ipinabalik ko din si Andrew sa Korea para makatotohanan ang balita na inilabas namin sa public.
Andrew's POV
Hindi nawawala sa isipan ko kung paano nga ba nawala na lang bigla si Ariana? At sinong Aya ba yun? Siya ba ang dahilan kung bakit nawawala si Ariana? Ano ba ang dahilan niya? Ano ang kasalanan ni Ariana sa kanya? Bakit may dugo? Bakit basag ang salamin? Hindi naman siguro siya pinatay diba? Ang daming pumapasok na tanong sa isipan ko ..isa pa, bakit ayaw pimbistigahan ni Rino ang pangyayaring to? May kinalaman ba siya? Hindi,hindi! Nababaliw na ako....Oo nais ni Rino na lamangan noon si Ariana dahil sa kasikatan nito kaya ganun na lang ang effort niya para makatambal ito sa pangalawa niyang penikula para mas makilala siya. Pero hindi sapat na maging dahilan na pumatay o alisin ang isang artista ayon sa nais niya lamang!
Naguguluhan din ako....ang sabi niya sa akin nakausao ko siya sa ohone bago siya umalis sa studio...sa totoo lang nakapatay na ang phone ko sa oras na yun. Natanggap ko ang unang tawag niya pero dahil naubusan na ng baterya ang cellphone ko di ko na natanggap ang tawag niya....Wierd pero di ko alam ang mga pangyayaring yun!
*Kinabukasan*
Sa labas ng studio
Mabby's POV
"Guys this is it na talaga!!!!!! Ikkkkkkk!!!!"
Kinikilig kong sabi, nasa harapan kami ngayon ng studio kung saan nagtatrabaho si Rino....I promise to myself na pagbubutihin ko mamaya sa audition..Pangarap ko na makasama si Rino my honeyyy!!!!!
"Mab, are you ok?"- Nad
"Huh?Oo naman."
"Kanina ka pa kasi todo ngisi diyan eh."- Nad
"Oy, hindi nuh! Masaya lang ako, this is the time na magsisimulang magsa-shine si Mabby Ayasha Sandoval."
"Hoy! *sabay batok* Masyadong mataas ang pangarap mo beshy pakibabaan!- Kaye
Pang-aasar nito.
"Mashakit beshy ah!"
"Eh ang taas ng pangarap mo, ayaw ko lang na masaktan ka kung sakaling mahulog ka!"- Kaye
BINABASA MO ANG
The Secluded Room
Mystery / ThrillerPaano kung ang pelikulang gingawa at pinapanuod mo ay naging makatotohanan! Makikipagpatayan ka ba para manalo o tatakbo ka para iligtas ang sarili mo sa takot?