Chapter 9 (The New Beginning)

0 0 0
                                    

Yesha's POV
Days, weeks, months and years were past! Sinimulan ng ipalabas ang The Secluded Room part two and I'm sure finale na din yun. Maraming naging makatutuhanan sa pelikulang ginawa namin pero natapos din ang mga pangyayaring tumakot at lumindol sa amin noon habang ginagawa namin ang pelikula na iyon.

Grumaduate na din pala ang tatlo kong mga beshies. Proud nga ako sa kanila dahil nakuha ni Kaye ang summa cum laude, si Nadania naman ang magna cum laude, at syempre si Mabby ay cum laude. Panay nga ang tukso ko sa kanila ngayon habang naghihintay kami ng bangka pupunta kasi kami ngayon sa private island nina Rino.

"Siguro nagkopyahan kayo nuh? Hakot awards kayo nung graduation nyo eh." which is pang-aasar ko lang naman sa kanila.

"No! Bakit 'di mo matanggap na matatalino lang talaga ang mga kaibigan mo, Yesha!" matapang na sagot ni Mabby.

"Oy, naiinis na si Mabby. " dagdag pang panunukso ni Nadania habang sinusundot nito ang tagiliran ni Mabby.

Sa kabilang banda,natanaw ko na parating na ang grupo nina Rino, as usual kasama niya sina Catherine, Danilo, Joanna, Michael, Cici and Edison.

"Hi guys! Kanina pa kayo?" pangunguna ni Joanna. Natahimik tuloy sina Mabby at Naddy sa kanilang kulitan!

"Oo, Joanna kanina pa kami! Ang tagal niyo kasi, natagalan ka ata sa pagtapal ng mukha mo para gumanda ka lang!" sarkastikong sabi ni Mabby.

Nakita ko naman sa mukha ni Joanna na nainis siya kaya agad akong nagsalita!

"Hep! Tama na huh! So, what's the plan! Mukhang wala atang bangka na nais tayong sunduin?" Tanong ko kay Rino habang nakatingin sa kanya.

Nakashades siya kaya bago siya magsalita kinuha niya muna ito. "I'm sorry dahil pinahintay ko kayo ng matagal and I'm sorry nasiraan si Manong sa gitna ng dagat kaya matatagalan siya. Mahaba pa ang oras kaya it is worth to wait!", sabay ngiti nito sa akin.

Umiwas na ako sa tingin niya, "Nadania, Mabby samahan niyo ako bumili ng pagkain nagugutom ako", makaiwas lang sa mga tingin niya!

"Eh, meron naman tayong pagkain na dala, marami to oh." sabi ni Nadania. "Hindi kulang yan, tara na..." hila ko sa kanila.

Nakakainis bakit kasi ganoon siya makatingin. Hindi ko namamalyan tulala na pala ako habang inaabot sa akin yung sukli ko.
"YESHA!" -Mabby

"AY BUTIKI!"-gulat kong sabi.

"Na saan? May butiki ba?" pang-aasar ni Nadania, "kanina ka pa nakatulala, nangangalay na si Manang sa pag-abot ng sukli mo."

"Ay, sorry po.", sabay kuha ko ng sukli, "Eh, bakit kasi hindi niyo kinuha?"

"So, kasalanan pa namin? Kanina ka pa namin kinakalabit na kunin mo yung sukli dahil bitbit namin yung mga binili mo."- Mabby

"Sorry na.", nagulat ako ng makita ko ang mga binili namin. "Teka yan ba yang binili natin?"

"Oo, ate." Sabi ni Nadania, ayan na naman siya sa malambing niyang boses minsan di ko to mabasa ang ugali eh. "Hindi ko nga alam ate kung pano natin to dadalhin sa dami din ng dalahin natin.", nakangiti pa nitong saad.

"Sorry.", nakayuko kong sabi.

"Puro ka sorry! Sabhin mo umepekto yung powers ni Rino sayo! Kaya ka nagkaganyan, tinitigan ka lang ganyan ka na!", pasigaw na sabi ni Mabby.

"Mabby, hindi ah. Tsaka tahimik nga baka marinig ka ng gong-gong na 'yon ano pa ang isipin nun." Lapit ko sa kanya na naiinis.

"Sus! Palusot ka pa sa---", tinakpan ko ang bibig niya ng makita ko na palapit si Rino sa amin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secluded RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon