*** Chapter 9 ***
ILANG ORAS ata ako nakatunganga noong nakaraang gabi. Matapos kong magimbal sa mga ginawa niyang practice confession ay sinabihan ko na agad siya na okay na. Di na ako nagtagal pa doon kasama siya dahil parang na-eewan na ako. Ang OA ko talaga. Hindi naman para sa akin yung confession at simpleng tagapakinig lang ako pero itong utak ko wagas makabigay ng meaning.
Kinikilabutan ako sa tuwing maiisip ko na ako talaga ang gusto niya. HAHAHAHA! That will be funny and I must laugh at it hanggang sa magsawa na ako. But it is much better if I shook that thought away from my mind bago pa ako tuluyang masuka.
"Nika? Nakikinig ka ba?" nawala ang nalalim kong pagkatulala dahil sa boses na narinig ko. Napalingon ako kay Kissie nang magbuntong-hininga ito.
"May sinabi ka?" tanong ko sa kanya.
"Huwag na, Nika. Panis na ang sinabi ko. Expired na. Wala nang lasa." aniya tsaka tinuon nalang ang saril sa cellphone niya.
Napahalumbaba ako kapagkuwan ay sinabunotan ang sarili. Nakakainis na talaga. Ayaw ko nang makita si Chase. Pero pambihira talaga, mamaya kasi magpa-practice na naman siya. Jusko naman, kung may bayad siguro yung tutorial na gagawin ko marahil marami-rami na ang pera sa pitaka ko ngayon. Ang kapal talaga ng pagmumukha ni Chase para makatanggap ng free service! Psh!
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumitaw na nga ang numero ng taong galing Mars. Binasa ko ang text niya at talagang nagsalubong ang mga kilay ko sa naging text niya.
__________________
From: Mr Library MonsterNasa park na ako love.
__________________
LOVE?! At keylan pa naging love ang pangalan ko?! At kailan pa naging love ang tawagan namin?!
__________________
To: Mr Library MonsterUlol! Love? Wrong send ka baliw.
__________________
Ilang saglit pa ay nagreply na agad ito.
__________________
From: Mr Library MonsterDi yun wrong send. Nagpa-practice na ako.
__________________
As-in, umawang ang bibig ko sa dahilan niya. Something is terribly wrong sa kanya. May endearment na agad siya e nasa step pa nga kami ng panliligaw! Ang sipag naman niyang mag-advance study.
__________________
To: Mr Library MonsterOkay, kahit nakakasuka sige.
__________________
Tatayo na sana ako para puntahan siya nang biglang umilaw ang screen ng phone ko. Binasa ko agad yung text niya at ewan ko nalang kung bakit biglang lumabas ang ngiti sa labi ko.
Sh!t, anong ngiti-ngiti mo diyan Nika? Nabaliw ka na? Sa tingin mo ikakaganda ng buhay mo yang ginawa mo?!
________________
From: Mr Library MonsterOkay love. Take care.
________________
Tumindig ang balahibo ko nang basahin ko na uli iyon. Binura ko agad yung text niya tsaka binalingan ng tingin si Kissie. Yung iba kong mga kaibigan maagang umuwi. Si Kissie lang ang narito aside sa akin dahil may meeting pa sila ng mga ka-group mate niya sa Electronics. Ako naman ganoon rin kaso maagang natapos yung meeting namin kaya nag-stay na muna ako para hintayin ang text ng walanghiya.
BINABASA MO ANG
Anatomy of My Broken Heart
General FictionTo meet him, to know him, to befriend him, to like him, to love him ... to get hurt because of him. Will you still love him after knowing the deepest secret he kept from the very first day you've met?