Chapter 10

10 1 0
                                    

*** Chapter 10 ***


 ILANG ARAW nalang ay magdadalawang-buwan na ang pagtuturo ko kay Chase. Somewhat marami-rami naman siyang natutunan. Hindi na siya ganoon ka taong kweba. At hindi ako makapaniwala na parang kaibigan na rin ang turingan namin sa isa't isa. Paminsan-minsan kasi lumalabas kami pagkatapos ng klase para kumain sa labas kasi nga pasasalamat niya raw para sa pagtuturo sa kanya. Of course pagkain na yun! Tsaka libre pa kaya grab the opportunity na agad ako. Minsan lang siya sapian ng pagkamabuting tao e. Tapos nagkukwentuhan narin kami ng mga kwento ng buhay namin. Paminsan-minsan rin ay sabay kaming nagbabasa ng mga libro sa library.

Pero ang naging disadvantage sa nangyari, marami. Hindi disadvantage sa kanya, disadvantage sa sarili ko.

Oo, ako na siguro ang pinakatangang tao sa mundo. Alam ko na nga na si Kissie talaga ang gusto niya, eto ako unti-unti na siyang nagustuhan. Kahit ipikit ko man ang mga mata ko sa katotohanang iyon, there is no way for me to deny it. Alam ko kung ano na ang nangyayari sa akin, alam ko rin kung ano ang mangyayari sa akin.

Ang hirap. Kung dati kaya ko pang sitahin ang sarili ko sa mga ginagawa kong mali, ngayon parang di ko na alam kung paano. Nakakalimutan ko na. I have been enjoying myself with him. I love the feeling when he's with me. I love his charm. I love his voice. And I think I am the stupidest person on Earth for loving his ignorance in love.

Kung dati kinamumuhian ko talaga siya tapos gusto kong pagtawanan ang pagiging idiot niya sa pagmamahal, as the time passed by, I find it cute for him. Nag-eenjoy narin ako sa pagtuturo sa kanya not knowing that I am going to be a traitor. Traydor ako, tinraydor ko ang kaibigan ko.

Kaya habang maaga pa sana matutunan ko rin kung paano labanan ang mga posibleng mangyari. Labanan ang sarili ko na hindi na mahulog ng tuloyan kay Chase.

Dahil sa huli. Kung sino ang unang mahulog sa amin, ang siyang talo. At mukhang ako ang loser na iyon.

"Nag-usap na ba kayo?" tanong ko kay Chase nang makabalik na siya mula sa library. Sinabihan ko kasi siya na naroon si Kissie. Chance na niya iyon para makipagkilala sa kanya in person. Actually nagcha-chat na sila sa Facebook. Tapos napapansin ko na rin kay Kissie yung pagiging masayahin sa tuwing naku-kwento niya sa amin yung ka-chat niya raw. Kahit di niya sabihin sa amin kung sino iyon, alam ko na si Chase yun.

Ouch, ang sakit. Sobrang sakit nun at sobrang sakit rin na makita ang ngiti sa labi ni Chase ngayon. Ngiti niya na dahilan ng taong gusto niya. And being the tutor here, I don't have the chance to let him know that my heart is breaking. My heart is breaking and sooner, I know it will shatter into tiny pieces.

I bet he will never be aware of that.

"Oo, actually nakuha ko na ang number niya." natutuwa niyang wika habang pinapakita sa akin ang kapirasong papel na may number ni Kissie. Nagpakita ako ng ngiti kahit hindi ko naman gusto. Bakit ba kasi ako pa ang napagtripan niyang magturo sa kanya? I pity myself for suffering like this.

Ewan ko ba sa kanya. Ngayon pa naisipang hingin yung number ni Kissie e mag-iisang linggo na silang nagcha-chat.

"At dahil tinulongan mo ako ngayon, I'll treat you some food." inakbayan na niya ako pagkatapos ay naglakad na kami. Ito na naman, isa ito sa mga dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya. Yang inosente niyang paglalambing sa akin. Okay, I am sure that he is just doing these things just because we are friends. Ako lang naman ang nagfi-feeling dictionary dito kung makapagbigay meaning sa mga ginagawa niya.

The heck, pati ilong ko traydor na rin. Hindi ko maiwasang hindi magustuhan ang amoy niya. I am a big traitor as a whole. Lahat na ata ng parte sa katawan ko, hindi na umaayon sa gusto ng utak ko. Kahit anong pilit kong paalala na mali ang nararamdaman ko, my body won't obey me. Oh God, my soul might be rotten in hell once na maging ganito ako forever!

Anatomy of My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon