Chapter 4

15 1 0
                                    

*** Chapter 4 ***



NAGULANTANG ako kinabukasan nang may nagpadala ng sulat sa akin sa bahay. Yun pa ang naging dahilan upang tuksuhin ako ni mama buong araw.

"Ma! Di nga para sa akin yun!" paglilinaw ko sa maling paniniwala ni mama.

Nakakasura na yung tawa at kantsaw niya sa akin. Para bang ngayon lang ako nakatanggap ng liham para ganyanin niya ako. Marahil ay ganyan nga siya maka-reak kasi sa unang pagkakataon ay lalakeng di namin kaano-ano ang nagmamay-ari ng liham na natanggap ko. Lahat kasi ng nagpapadala ay mga kaibigan kong babae o di kaya ay mga kapamilya ko.

"Asus! Anak, dumaan rin ako sa ganyan dati kaya huwag ka nang mahiya. Basahin mo na, promise di kita papakialaman." dahil sa sobrang inis ay nag-walk out ako at pumasok nalang sa kwarto. Si mama naman tawa pa rin ng tawa. Tuwang-tuwa ata na makita akong malapit nang pumutok dahil sa inis.

"Litseng Chase yun. Bakit sa akin pa pinadala yung sulat!?" nilabas ko yung cellphone mula sa kahadora.

___________

To: 09123456789

Chase! Bakit sa akin mo pinadala yung sulat!? Langya akala tuloy ni mama para sa akin yun!

___________

Ilang minuto ang lumipas mula nung mag text ako ay nakatanggap ako ng reply mula sa hunghang.

___________

From: 09123456789

Hindi ko pa alam yung address ni Kissie so I think it is much better to send it to you then ikaw na ang bahala na magbigay niyan sa kanya.

___________

Napasinghap ako sa sinabi ng ungas. Talagang nagugustuhan na niyang utos-utosan ako na para bang nagpapasweldo siya sa akin. Talagang napaka-useful para sa kanya ang pangba-blackmail na ginawa niya sa akin. Geez! Kung hindi lang dahil sa pinakamamahal kong library ay malamang sa malamang hindi ko makikilala itong lalaking ito na walang ibang alam gawin kundi ay mag-utos na wari ba ay isa siyang prinsipe!

___________

To: 09123456789

Hoy ito na yung huling pagpapadala mo ng sulat sa akin ha!? Talagang malilintikan ka sa akin sa oras na makakatanggap uli ako.

___________

*sent*

.

.

.

.

"Sh!t! Waaaaa! Bakit ganoon ang text ko!?" laking pagsisisi ko doon sa text na ibinigay ko. Naman oh! Kung babasahin niya yun ng mabuti at iintindihin, maaari niya akong barahin dahil sa naging text ko sa kanya! Langya!

Bumilog ang aking mga mata nang makita kong nag-reply yung loko. Asar naman oh! Nagdadalawang-isip tuloy ako kung babasahin ko ba o hindi.

Aish! Bahala na nga!

__________

From: 09123456789

Lol, hindi naman yan para sa iyo.

__________

Nanlumo ako sa aking nabasa. Tama pa nga ba ako, talagang gagantihan niya ako ng ganoon. Pero kahit na! Parang sa akin niya naman yun pinadala e! Address ko kasi ang ginamit kaya parang ako narin ang pinadalhan niya!

Oo, tama. Wala dapat akong ikahiya sa lokong iyon.

__________

To: 09123456789

Anatomy of My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon