*** Chapter 6 ***
MATAPOS kong ibigay kay Chase yung pinasagutan niyang papel kasama yung papel na may sagot ko ay dumiretso na ako ng classroom. Hindi na ako nagtagal pa na kausapin ang hunghang na yun dahil wala akong dahilan upang sayangin ang laway sa pakikipag-usap sa isang Library Monster. Tsaka baka mag-topic na naman ito ng mga weird na bagay gaya ng kung ano raw ang pinakamatandang library sa buong mundo tsaka kung ano raw ang pinakamisteryosong libro na hanggang ngayon ay hindi pa nalalaman kung ano ang nakasulat.
Isa lang talaga yung pagpapatunay na kung bookworm ang tawag sa akin, siya malamang ay book monster or whatsoever. He is a monster hiding in our school's library.
Nang makita ko si Kissie ay bigla ko ring naisipan na tanungin ito kung kilala niya ba ang lalaking iyon. The heck sa mga kabaduyan niya na huwag kong matanong si Kissie tungkol sa kanya. Paano siya mapapansin ni Kissie kung sa una pa lang ay ayaw niyang ipakilala ko siya rito? Anong era kaya yung style ng panliligaw ang na-adapt ni Chase? Kasi wala siyang patutunguhan sa istilong iyon.
"Kissie?" tawag ko sa kaibigan ko na ngayon ay abala sa paglalaro ng COC kasama sina Hazel, Nicole, at si Russel. Si Tarhata at Heide naman ay nagbabasa ng kwento sa wattpad. Ako lang ata ang normal--este ang energy conservative sa aming pito. Halos sumabog na nga yung outlet ng silid namin dahil naka-charge yung cellphone ng dalawa sa kanila habang ginagamit ito.
"Bakit?" tanong nito habang hindi nilulubayan ng tingin yung screen ng phone niya. She is now currently attacking Hazel's wizard tower or what so ever na tawag doon sa parang tower na may wizard sa itaas.
"May kakilala ka ba doon sa library?" kumunot ang noo nito tila ba ay naguguluhan sa tanong ko.
"Anong kilala? Na taga-bantay o taga-linis o taga-inspect ng mga gamit? Tsaka anong library ba ang tinutukoy mo? Yung sa main library na nasa LRC o yung sa Engineering Complex?" sunod-sunod na mga katanungan nito. Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung paano ako magtatanong sa kanya na hindi niya mahahalatang may tao akong gustong itanong sa kanya kung kilala niya ba talaga yun.
"Sa LRC, mukhang naiwan ko ata yung pera ko doon baka may nag-surrender sa isa sa mga nagbabantay doon." paliwanag ko sa kanya. She gave me a quick sideward glance.
"Bakit ba ako ang tinatanong mo, Nica? Alam mo naman na hindi ko dibosyon na pumunta diyan sa library. Dapat nga mas may alam ka kasi ikaw yung palaging tambay doon." wika nito. Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya.
Geez, I can't think any possible way to ask her about him. Ayaw ko namang tanungin ito ng diretso tungkol kay Chase at baka ma-misinterprete nila ang pagtatanong ko. Likas pa namang mahilig magbigay ng malisya itong mga kaibigan kong lupon ng mga loka-loka.
"Miss Laurel? May naghahanap sa iyo sa labas." ani Rhona na kakapasok lang. Napatingin ako sa labas ngunit wala naman akong makitang kahit sino doon bukod sa mga kaklase kong trip ata tumambay sa pintuan at maging guard ng silid.
Tumayo na ako at pumunta sa labas. Nawala ang buhay ng mukha ko nang makita ko ang lalaking dapat kong iwasan kahit isang araw lang para naman magkaroon na ng katahimikan ang buhay ko.
"Ano na naman?" walang buhay kong tanong kay Chase. Lumapit ito sa akin tsaka ako hinila. Nagulat ako sa ginawa niya kaya halos lumuwa na ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay nitong nakahawak sa gawing pulso ko.
"Hoy! May klase pa kami sa English! Gusto mo bang umabsent ako!?" singhal ko rito kaso nagpatuloy lang ito sa paghila sa akin. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Parang sasabog na ang mga ugat ko sa ulo dahil sa pagtitimpi ng galit sa baliw na'to.
BINABASA MO ANG
Anatomy of My Broken Heart
قصص عامةTo meet him, to know him, to befriend him, to like him, to love him ... to get hurt because of him. Will you still love him after knowing the deepest secret he kept from the very first day you've met?