*** Chapter 1 ***
MAINIT ang temperatura sa buong Cagayan de Oro City. Tirik na tirik ang araw sa kalangitan at walang ni isang senyales ng pagbuhos ng ulan. Kay init talaga sa pakiramdam, hindi ko tuloy maiwasang di hilingin na sana may Snow Village or Snow Word dito sa CdOC para naman mabawasan itong masalimuot na init ng paligid.Naglalakad na ako sa daan papuntang library, as usual sa isang book worm gaya ko, library talaga ang favorite spot sa school. Paglipas ng humigit-kumulang sampung minuto ay nakarating narin ako sa main library ng paaralan na nasa building 23 o mas kilala bilang LRC building o kung alam mo na ang katatakutang kwento sa building na iyan, matatawag rin yang creepy building. May kalumaan na kasi yung itsura ng gusali tsaka mukha pa itong ospital dahil sa kulay puti o kung mapagmatiyag ka talaga kulay dirty white na pintura. Marami ring scary stories.
Kalimutan na natin ang bagay na iyan dahil hindi naman yan mahalaga sa kwentong ito hahaha! So ayun, at last! Nakarating narin ako sa ikatlong palapag at talagang hiningal ako. Ito ang parusa sa mga taong hindi alam ang daily fitness na 'have an exercise daily' hohoho. Wala kasing elevator sa building na ito kasi nga may kalumaan narin yung gusali at mukhang hindi pa uso ang elevator noong pinatayo ito.
"Jusme, kung wala lang akong pakay dito malamang hindi ako mag-iisip na pumunta dito." daldal ko habang nasa labas pa ng library. Tiningnan ko muna kung marami bang tao at laking pasalamat ko nalang ng makita kong konti lang ang mga estudyanteng nasa loob.
Pumasok na ako sa loob ng library at pina-record kay kuya nagbabantay yung pagbisita ko. Matapos yong gawin ng kuyang ala-gate keeper kuno ay naghanap na agad ako ng magandang pwesto. Bagong renovate pa lang yung library namin ngayong taon kaya may kagandahan at bago pa talaga yung facilities.
Napagdisensyunan kong maupo doon sa naka-cubicle na mga upuanan since wala naman akong kasama. Doon kasi kami sa rectangular table pumipwesto kapag kasama namin ang buong squad pero siyempre mangyayari lang yan kung may bakante. Punuan kasi minsan.
Inilapag ko na ang aking bag doon sa upuang inuupuan ko bago naghanap ng mga libro. Wala namang magnanakaw sa loob kaya hinahayaan ko lang iwan yung bag ko. Unang libro na kinuha ko ay yung libro sa psychology. Natipuhan ko naring kunin yung ubod ng kapal na libro ng mga quotes. May pagka-brownish ang balat ng libro at may pamagat na 'The Home Book of Quotations' at ang awtor nito ay nagngangalang Stevenson.
Sobrang tahimik sa loob. Ito yung gusto ko kasi mas nakakapagbasa ako ng mabuti. Bumalik na ako doon sa cubicle ko at inunang basahin yung libro sa psychology. Ni-rekumenda kasi ito sa akin ng kaibigan ko dahil ayon sa kanya maganda ang laman nito at talagang tama naman siya. Ang daming interesting facts.
Anyway, ang kurso ko ay Bachelor of Science in Information Technology o in short BSIT. Ewan ko ba kung bakit ako napadpad sa kursong iyan e hindi naman ako magaling sa programming at talagang sumasakit ang mga brain cells ko dahil sa programming na yan. Pero wala naman akong planong mag-shift ng ibang kurso. Pagsisikapan kong tapusin ang kurso ko dahil ito ang napili kong landas na sa tingin ko may future ako kahit papaano.
Umabot na rin ako ng ilang minuto sa pagbabasa at dahil sa ginaw na dulot ng aircon ay inantok tuloy ko. Yung aircon talaga yung malaking temptasyon dito sa library eh! Kaya marami tuloy ang napunta lang dito upang matulog!
Ayaw ko sanang matulog kaso talagang nagmistulang lullaby ang lamig ng temperatura kaya nakatulog tuloy ako.
----------
"Psst! Miss? Gising." nagising ako mula sa mahimbing na tulog nang may kung sino na gumigising sa akin. Sinigurado ko munang wala akong panis na laway bago humarap doon sa taong ang lakas ng loob para istorbohin ako.
BINABASA MO ANG
Anatomy of My Broken Heart
General FictionTo meet him, to know him, to befriend him, to like him, to love him ... to get hurt because of him. Will you still love him after knowing the deepest secret he kept from the very first day you've met?