chapter six

1.2K 26 3
                                    

Chapter 6: Trouble

Naglalakad na ako patungo sa room. Ngayon lang ako papasok at LATE na ako.
Kasalanan ko bang napasarap ang tulog ko dahil may gravity ang kama ko at may force na nanghihila sa katawan ko patungong bed.
Mas Lalo akong nalate dahil dumiretso pa ko sa caféteria para bumili ng Blueberry Milkshake! 30 minutes late palang naman ako sa second subject. Di narin ako nakaabot sa first class subject...

Sino ang may kasalanan?!

Ako ba!

Syempre yung kama!

Enjoy na enjoy kong iniinom ang aking blueberry milkshake.=_= Enjoy na ko sa lagay na to ah. Nang biglang...

[Kailangan pa ba ng sounds fx?]

...may nakabanggaan ako at sa kanya natapon ang paborito kong blueberry milkshake. =_='' Tsk.BV BV BV BV BADVIBESss!

"HOLY SHIT!" ano na nga pangalan ng lalaking to?.Shan? Shen? Shon ba? ahh naalala ko na SHANE. Pambabae ang pangalan ng leader ng BGG. At ang lakas naman ng boses nito kung makasigaw.

"WALA KA BANG MATA?!" aww. Ang sakit sa tenga. Nakalulok ba to ng microphone? Makasigaw daig pa ang babae. =_= Tapos diring diri pa sa damit niya natapunan lang naman yon ng AKING blueuberry milkshake! Tsaka walang mata agad? mangyayari ba ang bungguan incident nato kung nakatingin din siya sa dinaraanan niya. Tss.

"PIPE KA BA HAH? BA'T DI KA SUMASAGOT? HINDI MO BA AKO KILALA? BAKA GUSTO MO NG MAMATAY? MAGTITITIGAN NALANG TAYO DITO GANON? DI KA MANLANG MAGSASALITA DYAN AT HUMINGI NG TAWAD blah blah blah..." tumitig nalang ako ng diretso sa mata niya. Mga tatlong minuto narin akong nakatitig ng cold sa kanya. Hindi niya ba napapansin na malapit nang dumugo ang utak ko.

"are you talking to me?" sabi ko nalang sa kanya ng cold pero mahahalata mo parin namang may pagka sarcastic yon. He became annoyed again and started his rant.

"SINO NAMANG SIRAULO DIYAN SA KANTO ANG NAGBIGAY SA IYO NG PAHINTULOT NA SUMAGOT PABALIK SA AKIN?" Does he really need to shout? tss.Nagtitimpi lang ako sa lalaking to ahh. Masyadong malalim ang mga pinagsasasabi niya na yon. I can't almost understand a thing. Isa pang sigaw makakatikim to sakin.

"ANO WAL--" sigaw niya na hindi natapos dahil sinalaksak ko sa bunganga niya ang pinaglagyan ng BLUEBERRY MILKSHAKE KO at sinipa ko pa siya sa where-it-hurt-the-most niya para tumahimik naman siya. I'm not in the mood so it's hard for me to suppress my annoyance.

I left them dumbfounded.

Yes, 'them' dahil kasama niya yung mga gangmates niya.

Wala pa palang nakakaalam na gangster kami ng mga kaibigan ko.

Tuloy tuloy nalang akong naglakad na parang walang nangyari.

Tss. Panira ng araw. Late na nga yung tao.

***

《Iven pov》

Hanep talaga. Hanggang ngayon natatawa parin ako sa sinapit ni King (Shean) mula sa babae na yon kanina Hahaha XD.

Naaalala ko yung babae na yon dahil siya yung nakabunggo sakin sa mall dati at kung bakit nasayang ang chocolate ko. Huhuhu TT3TT.

Hindi ko parin nakakalimutan ginawa niyang pag iwan sa akin sa mall ng basta basta.

Asaan ang hustisya?!
Matapos niya kong pasayahin
Iiwan niya lang rin ako? I mean yung chocolate. Hmf.

Pero wag mabahala hahaha XD.Dahil nasaakin ang mahiwaga niyang wallet. Nalaglag niya nung tumaktakbo siya. Tinawag ko pa nga siya dahil mabait ako at para isoli ang wallet niya. Hindi naman siya lumingon kaya saakin muna to. Tsaka ko nalang isosoli dahil babawiin ko pa kung ano ang sakin! I mean again--yung chocolate ko sa kanya pag may time kami. He-he ^_^

Hindi naman sa pakielamero ako ah. Binuklat ko na ang wallet niya at marami akong nakitang laman non. Ang Cute niya pa sa picture niya don.

Nakakainloveee. ^____^ wieeee.

"Nababaliw ka naba? Ba't ngumingiti ka jan?" tanong sakin ng kambal kong babaero pero mas gwapo naman ako.tsaka baliw agad di ba pwedeng may naaalala lang na maganda?

"Pakelam mo? dun ka nga~ shoo~~" Haha. Sinungitan ko nga, panira ng moment ehh.

Nandito pala kami sa headquarters namin sa loob ng school. Pinayagan kaming magpatayo ng ganito dahil sa tulong ng kuya ni Kion.Kaibigan daw kasi ng kuya niya yung may ari at principal nitong school.

May kanya kanya kaming ginagawa.

Si King nagpaplano kung pano gaganti kay miss cutie. He-he

"Wala pang isang linggo siguradong magdadrop out din yang walangyang babaeng yan.kekeke~~" Hahaha nakakatuwa talaga tong si King.  Kung ano ano na siguro pumapasok sa isip niyan. Pero kawawa naman si Miss cutie pag pinabully niya sa mga obssessed fans namin. Hayy.

May kanya kanya kaming ginagawa dito.

Si Nixon nasa kwarto niya at natutulog na naman. Napakatamad na tao talaga non. Haha.

Si Kion naman busy sa laptop niya. Kung ano ano na naman ang pinapahanap ni first na information sa kanya eh.

Ang aking magaling na kakambal naman, nakikipagvideo call sa babae niya. Natatanaw ko sila mula dito sa kusina. Nasa sala kasi sila. Alam niyo na siguro kung ano ginagawa ko dito sa Kusina.

Habang kumakain ako ng mga stocked na chocolate namin.Mag papakilala narin pala muna ako ng maayos.

Iven Carl WooEun kilalang Blue Lion sa Blue Gem Gang. 17 years old. Ako ang pinakabata dahil ang kakambal ko ay mas matanda sakin ng mga 15 minutes. Filkor. Cute daw ako na gwapo haha. Mahilig ako sa sweets lalo na sa chocolates. Di ba halata?

Gusto kong maging magkaibigan kami ni Miss cutie. Kapag naibalik ko na sakanya yung picture niya. Haha. Syempre pwede ko nang isauli yun noh, dahil meron na kong copy sa usb, laptop, ipod, tab, at cellphone ko. Meron na ring nakaframe sa kwarto ko haha.Ang Cute niya talaga eh. Crush ko na siya. ^_______^ Jk.

-------------

°Image of Sapphire holding blueberry milkshake on the side-->>

-------------

-->>edited

WARNING : Don't Read (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon