----Para sa CGV ang maikling kwentong ito. HAHAHAHA =))) DI MO TO FEEL PAG HINDI KA CGV SO KUNG GUSTO MO WAG KA NA MAGBASA HAHA :((((----
Nabasa ko sa isang libro na ang mundo daw ay isang wish-granting factory. Para sa ilan, hindi ito totoo dahil hindi daw lahat ng gusto nila sumasang ayon ang kapalaran. Laging may kontra, laging may paepal, laging may papansin, o di kaya di nila kaya abutin ang wish nila.
Pero para sa iba, totoo to. May napagtanungan ako neto, tapos sabi nya, naniniwala siya dun. Hindi man nya naaabot lahat ng pangarap nya sa buhay, may kabuluhan naman lahat ng binibigay sa kanya ng Panginoon. Kailangan lang daw natin gawin lahat ng makakaya natin at masusuklian ito. Hindi man ang gusto natin, pero kung ano ang ikabubuti natin.
(At ang napagtanungan ko non, ay walang iba kundi ako rin. Oo kausap ko sarili ko. Your argument is invalid HAHAHAHAHAHA.)
Meron akong kilalang grupo ng babae na may mga inspirasyon at idol at crush at mahal at sweetheart at babe at sunshine at love at cutiepie at baby sa buhay nila. HAHAHAHA. More than 4 years din silang sumporta sa mga iniidolo nila at sa huli, nabigyan sila ng chance para makasama ang mga ito. Nakasama na sila, at binigyan sila ng 2 taon para makasama pa sa grupo. Kada may mallshow ang idolo nila, kasama na rin sila mag perform. Masyadong dream come true diba? Kaya finifeel na talaga ang kada segundo na kasama nila ang mga idolo nila.
Dati sa mga mallshow ng idols nila nasa likod lang sila ng railings tapos pag sumigaw na yung emcee ng "ANDITO NA ANG CHICSERRRRR!!!!!" sisigaw na sila at magkakagulo.
Pero ngayon, nasa backstage na sila tapos pag sumigaw na yung emcee ng, "ANDITO NA ANG CHICSERRRR!!" magkakangitian sila ng mga idolo nila sabay sabi, "Mauna na kayo." At idudugtong ng emcee ang, "FEATURING!!!!!!! CGV!!!!!!!!!!"
At sasagot ang mga idolo nila ng, "Wag na. Sabay na tayo."
---
BINABASA MO ANG
Best Trip Ever.
FanfictionPagkatapos nilang makamit ang pangarap nilang makasama ang mga idolo nila, may mas maganda pa palang mangyayare. :)