Part 1 of Day 4

23 3 0
                                        

Pancakes, bacon, and banana for breakfast! :) Yay! What a great way to start a day!

"Kamusta tulog niyo kagabi?" -Owy

"Ang ingay ng mga kasama ko. Hahaha!" -Biboy

"Wow. Nahiya kami sayo ah?" Sabi ko naman.

"Wooshoo. Pano pa kaya samin?" -Owy

"Oo! Nako, ang gulo gulo nila!" -Cav

"Whoa. Parang ang tahimik mo kagabi ah?" -Owy

"Sila Allisson at Kathleen kaya yung maingay!" -Cav

"Hoy, anong allisson!!!??"

"Narinig ko din pangalan ko?!"

Sigaw naman nung dalawa sa kabilang table. Nagsasalita si Kathleen puno pa bibig ng pancake. Haha. Wala talaga to. :p

"Wala yon!" Sabi ni Cav.

"Ikaw, Cav kagabi ka pa ah nang aasar ah." -Allisson

Bumelat lang si Cav sa kanya.

"Sino ba kasama mo, kuya?" Tanong ni Oe.

"Sila Nath, Biboy, Che, at Micah."

"Samin naman mukhang pagod na pagod yung dalawang babae. Sila andrei at chloe." -Ully

"Oo, nakatulog kagad sila." -Ranz

"Parang ikaw hindi?" -U

"Hoy, mas nauna naman sila." -R

-

-

-

Kwentuhan, daldalan, lamon, inom. Yun lang ginagawa namin ngayon hanggang sa di namin namalayan, time to explore Ilocos na naman! :))

"Aalis na po tayo in 10 minutes." Sabi ni Kuya Driver.

"HALA WAIT LANG KUYA" Halos sabay sabay naming sabi.

-

-

-

"Hoy, amina yung panyo ko!!"

"teka, yung bag ko?"

"Yung phone ko bat wala dito!!"

"Bilisan mo kumain!!"

"AMINA KASI YUNG PANYO KO"

"Aalis na tayo!"

"Hala, lowbatt nako!"

"Tulungan na nga kita sa pagkain mo!"

"Kuya driver, wait lang po!"

Nagpanic lahat bigla e noh. Haha!

"Kuya! Nga pala! Yung tshirt kong may compass na design, bat wala sa bag ko? Balak ko sanang yun isuot ngayon. Baka nasayo." Kalabit sa'kin ni Owy.

"Ay, oo! Buti nabanggit mo! Kagabi, nakita ko yun sa bag ko, napadpad."

"Taas tayo sa room niyo, kuya. Palit ako damit."

"Sige. Hoy, Ranz."

Si Ranz kasi pinakamalapit sakin.

"Pakisabi magpapalit lang si Owy ng damit, ha? Wag nyo kaming iwan."

Tumango lang siya. Tipid talaga!!

Tumakbo na kami pataas ng kwarto.





"Bilisan mo nga jan. Pag tayo iniwan.." Pagsisita ko kay Che.

Best Trip Ever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon