P.S. SA LAHAT NG BABASA SA STORY KO, EVERYTIME MAG BOBOLD YUNG LETTERS. MAGIIBA NA YUNG POV. AT KAYO NA ANG BAHALA KUNG SINO YUN. KAYA NYO NAMAN HULAAN. KABISADO NYO NAMAN ANG CHICSER AT CGV DIBA KFLY LAYAS
"Stop over!! Oyaaa! Gising muna!"
Yun yung mga salita ni Tito Nino na nagpamulat saming lahat. Araaay. Sakit ng mata ko, Binuksan na ulit ilaw.
"Augh.. Anong oras na ba?" Tanong sakin ni Nath sa tabi ko.
Makgkatabi parin kami ni Nath. Nasaa pangdalawahang seats kami. Sa tabi naming seats pangtatluhan, sila Kath, Andrei, at Che. Sa likod nila, si Chloe at Micah tapos may bakanteng upuan. Sa likod naman namin ni Nath, si Ranz at Cav. Sa likod nila, si Oliver at Owy. Sa tabi nila, may isang bakante rin tapos sila Ullyses, at Biboy (my loves so sweet hahaha jk).
"3am palang." Sagot ko kay Nath pagkatapos ko tumingin sa cellphone ko.
"Nasan tayo?" tanong nya ulit.
"Hmm. Malay ko." Sagot ko naman.
"k." tipid nyang reply.
Pag antok kami, di kami matino kausap. Promise.
"Pangasinan ata tayo."
Sabi ng boses sa likod namin. Sabay ngumiti si Nath. Haay. Kinikilig na naman XD
"Ah, sige salamat Ranz." ako na ang sumagot para kay Nath. In a state of shock parin e.
"Osya! Sino jan na CCR? Sige na! Mag CR na kayo sa cafeteria jan sa baba! Sige na. 10 pesos nga lang may bayad." Sabi ni Tito.
Tumayo na ko sabay inalok sila Kath sa katabing side. Sabay sabay narin kaming bumaba.
Pumasok kami sa cafeteria na nasa may highway lang din. Malaking canteen din ito. Tska mukhang 24 hours ito bukas ah.
Pumila kami papasok ng CR. Kaso napatigil ako nung ako na,
"10 pesos po muna." Sabi nung babae sakin.
Kinapa ko bulsa ko. Wala akong dalang pera! Shit nalimutan ko! tanga allisson tanga! Ayts. Nauna naman na sila Andrei sa loob kaya di ko na natawag para manghingi.
No choice ako kundi ang bumalik sa bus. Bago pa man ako makalabas ng cafeteria, nakasalubong ko Chicser.
"Oh Allisson, tapos ka na?" Tanong ni Oliver na naunang pumasok ng cafeteria.
"ha? Hindi. Wala kasi akong dalang pera kaya di ako makapasok ng CR."
omg bakit ang gwapo ni Oliver T___T
"Ako na magbabayad sayo." Sabi ni Biboy sa likod ni Oliver.
"Ha? Hindi na."
"Anong hindi na? 10 lang naman. Kesa bumalik ka pang bus. Tara na." sabay inakbayan nya ko tas pinuntang cr.
OMGGGGGGGGGGGGGGG. BLESSING IN DISGUISE UNG NALIMUTAN KO PERA KO. PARA AKBAYAN AKO NI BIBS. HAHAHAHAHAHHA TALANDE ALLISSON XD
Pagka pasok namin sa cr, ay sus hindi hiwalay ang girls sa boys. Pero sobrang laki naman ng cr na to tas madami ring cubicles.
...................
Halos lahat kami tapos na mag CR. Nasa may malaking salamin na iba sa amin sa gilid ng cubicles. May ibang nagaayos ng buhok, nagpupulbo, nag hihilamos, habang lahat nag dadaldalan syempre. XD Kami lang naman nandito.
Hanggang sa may narinig kaming pamilyar na sigaw.
"AAAAAAAHHHHHHHH!"
"Si Chloe yun ah?" Sabi ni Kathleen.
Nakita nalang namin si Chloe na mabilis na tumatakbo palabas ng cubicle nya.
tapos sakto rin lumabas si Oliver sa kalapit na cubicle.
"Napano ka, Chloe?" Sabi ni Oliver sabay sumilip na rin siya sa cubicle ni Chloe out of curiousity.
Ayan tuloy, napasigaw rin si Oliver sabay takbo palayo. NAPANO BA TONG MGA TO MAY MULTO BA!?!!?!?!?
Kaya hulaan nyo nangyare. Malamang sa takot, tumakbo na rin iba samin kasi kita mo talaga sa mukha nila yung takot. Pero si Ullyses at ibang Chicser members tinry sumilip sa cubicle na pinasukan ni Chloe.
Tapos bigla silang lumapit samin habang tumatawa.
"Anong nakakatawa?" tanong ni Micah.
"Ipis lang naman!" sabi ni Cav.
Grabe! HAHAHA. Sabay sabay rin kaming tumawa. Bakit naman kasi sa dinami daming tao na papasok sa cubicle na may ipis si Chloe pa? At sa dinami daming tao na sisilip si Oliver pa? Saklap! HHAHAHAHAHAAH.
"Duwag ni Oliver guys! HAHAHAHAHA." sabi ni Ullyses.
"Tumigi ka nga! Buti nga nakita mo long lost brother mo eh! Kamukha mo noh? Ha? Para bang nakatingin ka lang sa salamin noh? Dapat pinakanta mo rin ng I'll Be at nang malaman natin kung kaboses mo rin at malaman natin kung boses ipis ka ba talaga!"
BINABASA MO ANG
Best Trip Ever.
FanfictionPagkatapos nilang makamit ang pangarap nilang makasama ang mga idolo nila, may mas maganda pa palang mangyayare. :)