Chapter 1: How change my life

12 1 0
                                    

Chapter 1.
How change my life

My family are rich. We're Billioner! We have many businesses. Because my mom and dad is the one of the famous businessman and woman in our country.

That's why. I can get anything I want. Isang sabi ko palang meron na ako agad ng bagay nayon. I have a beautiful own house na ako lang ang nakakaalam pwera kila mommy at daddy mga relatives namin ni isa walang nakakaalam. Kaming tatlo lang! Regalo nila sakin yon nung 18 birthday ko. I have a lot of car! I have own resto. Lahat yon bigay nila sakin. Ang saya diba? Bukod don hindi sila nagkulang ng pag mamahal sakin, may oras talaga para sakin. Kapag gusto kong pumunta sa isang lugar ipapa schedule agad nila yon! Nakapunta nakong U.S.A, Paris, France, Europe, Dubai, Macau, Japan, At Seoul korea. Lahat yon, kasama ko sila. Ideal family talaga kami. Kasi lahat yon pinaghirapan nila mommy at daddy. At kahit nag-iisa lang akong anak. I will never feel alone, I will never feel sad, I'm always happy! Kasi kumpleto ako. Lahat na nasaakin. May kumpletong pamilya, may maraming pera, may magandang bahay, may kotse ako, may magaganda akong damit.

Pero wala talagang permanente sa mundo, may magbabago at magbabago talaga. Lahat ng yon nagbago, simula nung nawala sila.  Last year, nung ma ambush sila. Yun lang, diko na alam ang buong ditalye.

Sobrang hirap non para sakin. Yung dating pamilya kong masaya, nawala. Lahat lahat nawala. Kotse, damit, maraming pera, nawala lahat.

At ngayon.

" Aray aray tita tama na, nasasaktan napo ako " pagmamakaawa ko kay Auntie Teresa. Na ngayon hinihila ang buhok ko palabas ng banyong nililinis ko. Ramdam na ramdam ko yung hapdi sa bawat pag hila niya sa buhok ko parang hihiwalay yung anit sa ulo ko. Ikaw ba naman hilahin na imbis yung kamay ang hilahin sa'yo, e yung buhok pa.

"Halika nga ditong bata ka! Anong oras na, diba sabi ko sa'yo bago mag alas onse linis na tong sala dahil dadating ang mga amiga ko!" Hiyaw nito sakin habang hawak parin ang buhok ko pababa sa hagdan.

"S-sorry po tita. Masakit, bitawan niyo napo ako" halos mapaiyak nako sa pag mamakaawa.

This.

This is my life now. Isang katulong sa mismong bahay ko. Isang sunod sunod sunuran. Tinitiis lahat ng papanakit nila sakin. Simula kasi nung na ambush sila mommy. Dito na tumira sila tita. Sila na yung nagpapatakbo ng business namin.

"Nikola! Ano tatanga kanalang bajan? Ano? Baka gusto mong ikaw ang gawin kong basahan at ilalampaso kita jan sa sahig!" Agad kong sinunod lahat ng utos niya dahil ayoko ng masaktan. Lahat ng sinasabi niya ginagawa niya kapag diko sinunod!

Noong isang beses na hindi ko siya nasunod dahil nilalagnat ako non pero inutusan niya akong maglaba. May maid naman na naka assign para sa tiga laba pero ako parin yung inutusan niya. Tinakot niya akong iaalis daw niya yung ash ni mommy at daddy dito sa bahay pero diko talaga kayang bumangon dahil hilong hilo ako.

Kaya kinabukasan, nawala nga yung ash nila daddy dito. Tapos nakita kong sinasakay na ng nangongolekta ng track ng basura. Buti nalang naabutan ko.

Hindi ako umaalis dito dahil ito nalang ang natitirang ala ala nila mommy itong bahay na'to. Kaya hindi ko to pwedeng ipamigay. Sakin 'to. At alam kong kaya lang nila ginagawa 'to para paalisin nila ako dito. Para masolo na nila ang yaman na para talaga sakin. Pero hindi ako ganon kadaling sumuko. Kahit anong gawin nila sakin. I never give up! What is mine. Is mine! Kahit saktan nila ako ng saktan. Di ako aalis dito.

Kaya isang araw nakipagkita ako kay Attorney Yiam. Isa sa mga pinagkakatiwalan ni daddy. Syempre patago yon, hindi kasi ako hinahayaang umalis sa bahay na'to. Nakitawag ako kay Lucy isa sa kasambahay dito. Tinawagan ko ang nag iisa kong kaibigan na si Fermi para magpatulong na tawagan si attorney yiam. Alam rin ni Fermi ang sitwasyon ko dito kaya lahat talaga ginagawa niya para matulungan ako. Kaya ayon, nakausap ko si attorney. Inaasikaso na niya lahat lahat lahat.

Makalipas ang walong buwan, ganon parin walang pagbabago. Ay may nagbago pala, simula kasi dumating yung anak at asawa ni tita pinalayas ako sa  mismong kwarto ko. At doon pinatulog si Naccy, tas ako sa budega natutulog. Kasi sa guest room, nandon naman yung kaibigan ni Naccy nasi Ysabell at Max mag jowa sila.

Dahil don mas nadagdagan pa yung pag papahirap nila sakin dahil nadagdagan pa ng isa. Like mother like daughter nga naman.

Eto ako ngayon imbis na natutulog na ako, nag hahanda parin ako ng pulutan nila Naccy! Nasa rooftop sila ngayon at nag iinuman sila doon. Anim sila sa taas si naccy, ysabell, max at diko kilala yung tatlo pang lalaki e.

Umakyat ako don sa rooftop, mga nag kakaingay sila ng nakita nila ako bigla silang tumahimik, lahat sila nakatingin sakin. Ang sama ng tingin ni Naccy sakin na parang may binabalak na hindi maganda. Si Ysa naman at max ay nakatingin din sakin. Pati yubg tatlong lalaki na diko kilala.

Lumapit ako don at nilapag ko yung chips, soup, tyaka yung dalawang bote ng wine na pinakuha ni Naccy kanina.

Paalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Naccy.

"Nikola?"

Nilingon ko siya at di nagsalita.

"Can you join us?" Mukang may binabalak nga siyang masama.

"I'm not---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng tumayo siya at hinila ako don.

Nag apir si Naccy at Ysa. Tas si Max at yung dalawang lalaki ay nakatingin lang sakin at yung isa naman na naka black plain t-shirt at black pants na lalaki ay seryoso lang na umiinom.

"Guys this is Nikola, Nikola this is Dillan Townes" turo niya don sa naka sandong maroon na matangos yung ilong tas singkit yung mata. Hindi gaanong maputi, tas mukang may pag ka jerk. Kanina pa 'to ngingiti sakin e. "This is Isaac Hoyle" turo naman niya don sa naka suit na white halatang galing pa sa opisina o trabaho, naka shade pa 'to na ikina bagay sakaniya. Mejo maputi siya matapos din ilong. "And this is Dart Gasser." Turo niya don sa lalaking naka black shirt na kanina pa seryoso, tahimik lang na umiinom. Naka top knot yung buhok niya. He look good.

"Hi" nginitian ko silang lahat. Pansin kong kanina pa nakatingin si Naccy kay Dart, o dahil magkatapat lang siguro sila.

"Nikola drink" utos ni naccy sakin, agad kong tinanggihan hindi naman ako umiinom. Ewan ko ba, nasanay narin kasi akong nandito lang sa bahay at nagpapaalila sakanila.

"Common girl, drink" utos naman ni Ysa.

"Hindi ako umiinom" sabi ko.

"Isa lang" malanding sabi naman nung Dillan kanina pa talaga 'to e.

"Nikola!" Pinandilatan ako ng mata ni naccy. Kinuha ko na yung shot glass na 'yon at tinungga, ramdam na ramdam ko yung pag guhit ng alak sa lalamunan at sa tiyan ko. Napakasama ng lasa kaya napaduwal ako lahat sila nakatingin sakin. Pati yung Dart.

"Nikola!?" Agad akong napatingin sa direksyon na tumawag sa pangalan ko laking gulat ko na nandon si Auntie Teresa na galit na galit ang muka kaya agad akong lumapit sakaniya.

Hinawakan niya ko sa braso ng sobrang higpit kaya napadaing ako sasa sobrang sakit.

"Sino nagsabing makihalubilo ka sa anak ko? Diba may inuutos pako sa'yo!" Hiyaw niya sakin habang nasa roof top pa kami. Lahat sila nakatingin sakin, at sobrang pahiyang pahiya nako.

"Sabi kasi ni Naccy." Pagngangatwiran ko, inaya naman talaga ako ng anak niya.

"Totoo ba 'yon Naccy?" Tanong ni tita kay Naccy.

"Ofcourse not! Kusa siyang umupo dito at  nakihalubilo samin, and she said sawa na daw siya sa'yo.. Sa ugali mo" Pagsisinungaling niya. Wala akong sinasabi sakanilang ganon inaya niya akong pilit.

Syempre di ako makapagdahilan dahil lalala pa.

"Nako ikaw bata ka halika nga dito!" Hinila niya nanaman ako sa buhok. Naging hobby niya na talaga yung paghila sa buhok ko. Ang sakit. Shit.

Tiniis ko nalang yung sakit dahil kahit naman uminda ako e diniya ko papakinggan.

Do everything they want to do to me. Hindi nila ako mapapaalis dito.

My first love, is my hero.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon