Chapter 2: Secret house

6 1 0
                                    

Chapter 2.
Secret house

"Laban mo lahat yan! Wag kang matutulog hanggat dimo natatapos yan!" Utos niya sakin at bumungad sakin ang tatlong baldeng labahin at puro kumot pa 'to.

Alas onse na ng gabi oras na ng tulog, pero ito ako maglalaba parin.

Wala naman akong magagawa kaya nilaban ko na lahat 'yon.

Alas tres na ng madaling araw ko natapos ang labahin. Pagkatapos non, pupunta na sana ako sa budega kung saan ako natutulog para magpahinga. Pero tinawag parin ako ni Naccy para ligpitin yung kalat nila sa roof top. Kaya pumunta muna ako don para linisin ang mga kalat nila don.

Madilim na don at sobrang lamig na. Dahil madaling araw na ramdam ramdam ko yung lamig na dulot ng hamog.

Itatapon ko na sana yung mga kalat sa baba ng may biglang humigit sa bewang ko. Tinakpan niya yung bibig ko dahilan para di ako makasigaw.

Isinandal niya ako doon sa pader. Kaya nakita ko kung sino iyon. Laking gulat ko ng si Dillan ang nasa harapan ko. Kaya nakaramdam talaga ako ng kaba.

Pilit akong nagpupumiglas pero diko talaga kayang kumawala kung ikukumpara mo naman talaga ang lakas ko sa lakas nitong lalaki na 'to ay talo talaga ako. Lalo't kakatapos ko lang maglaba. Pagod pagod na talaga ako.

Hinahalikan niya yung leeg ko habang hawak yung dalawang kamay ko. Kaya yung ulo ko nalang talaga yung iniiwas ko. Ramdam na ramdam ko yung pagpatak ng luha ko sa mata ko. Dahil sa takot.

"D-dillan please stop" i tried to push him away but I can't.

"Saglit lang 'to Nikola" sinusubukan niya akong halikan sa labi pero iniiwas ko 'yon. Ayoko, ayoko hindi niya deserve ang mga labi ko at mas lalong hindi niya deserve ang katawan ko.

"Tulong!!!" Hiyaw ko dahil takot na takot na talaga ako.

"Wag kang---" laking gulat ko ng may humatak kay Dillan, sinuntok niya 'to sa muka.

Dahil sa pagod napaupo nalang ako sa sahig habang yakap ang dalawang tuhod ko. Buti nalang hindi niya na natuloy kung ano man yung balak niyang gawin.

"Dillan what are you doing?" Hiyaw nito sakaniya. Ang kaninang walang emosyong muka ni Dart kanina ay napalitan ng emosyong pag kagulat at galit. Pero nung tumingin siya sakin ay nawala agad yung emosyon niya.

"Magpahinga kana, ako na dito" tumakbo nako pababa naiwan sa taas si Dillan at Dart. Pumunta ako agad sa budega nilock ko yon at humiga ako sa higaan ko.

Iniyak ko lahat ng sakit at hirap ng nararamdaman ko. Pagod na pagod nako na sitwasyon ko.

Mom and Dad, I miss you so much..

Kung andito pa sana kayo hindi ko lahat mararanasan 'to.

Iniyak ko lang ng iniyak hanggang sa makatulog na ako na may luha sa mata.

Kinabukasan, pag gising ko naglinis agad ako ng mga kwarto. Daily routine ko na 'to. Pag gising maglilinis ng kwarto, banyo, sala tas maghahanda na ng kakainin. Kahit may mga yaya na naka assign para sa mga gawain na ginagawa ko, ako parin ang gumagawa ng lahat. Ginagawa talaga nila lahat para mapagod at sumuko ako.

Wala ng araw na hindi ako nasasaktan mas dumoblema pa dahil may dumating pang isang dimonyo sa bahay.

Inaantay ko nalang talaga yung tawag ni Attorney para sa resulta.

Oras na malipat nasakin lahat ng kayamanan na yon. At makuha kung ano talaga ang para sakin, wala na silang karapatan sa pera ng magulang ko.

"Nikola!?" Hiyaw nanaman sakin ni tita kaya dali dali akong lumapit sakaniya at binitawan ang pag huhugas ko ng pinagkainan namin.

My first love, is my hero.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon