Chapter 5: Waiting him

6 1 0
                                    

Chapter 5.
Waiting him.

Hindi ko alam kung pano ang magmahal ng isa lalaki. Kasi buong buhay ko magulang ko lang talaga ang mahal ko. Pano ko ba malalaman kung mahal ko na ang isang tao?

Tyaka imposible naman kung mahal ko na si Dart ni hindi ko siya kilala. Ang alam ko nga lang ay palagi siya anjan, lulubog lilitaw. Yung lilitaw pag kailangan ko ng tulog. At siya nalang talaga palagi yung nagpapatahan sakin sa tuwing umiiyak ako.

Andito lang kami ni Fermi sakanila nag kekwentuhan ng kung ano ano.

"Fer, pano ba malalaman pag mahal mo ng ang isang tao?" Tanong ko kay fer.

"Bakit inlove kanaba?" Gulat niyang tanong.

"Ewan ko, sagutin mo nalang."

"De kapag ano pag dimo na siya maalis sa isip mo. Tapos pag masaya ka kapag kasama mo yung taong 'yon. Tapos pag umiyak kana dahil sakaniya. Tapos pag nasaktan kana pag may kasama siyang iba. Tapos gusto mo lagi mo siyang nakikita."

"Pero pwede kabang mainlove sa taong hindi mo naman lubos na kilala?" Tanong ko ulit.

"Oo naman, basta pag napapasaya ka ng taong 'yon. Kapag kumportable ka sakaniya. Lalo't kapag lagi pa siyang anjan pag kailangan mo siya. Kahit dimo kilala yung totoong siya, basta pag tinamaan ka. Tinamaan ka. Ganiyan ang love Nikola.",

Habang naliligo ako pabalik balik sa utak at diko maialis sa isip ko yung sinabi ni fermi kanina.

Do I love Dart? Bakit ba kasi ganon. Di mawala sa isip ko si Dart. Baka na ko curious lang ako sa pagkatao niya. Ayst!

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para kumain kami ni Fermi ng tanghalian ng may narinig kaming humihiyaw sa labas.

Nakaramdam ako ng takot ng makita ko kung sino ang nasalabas. Si Fermi naman ay hinawakan ako sa braso at sabay kaming lumabas.

Yung impakta kong tita at si Naccy na naka pamewang pa.

" Ang kapal din talaga ng muka mong bata ka! Anlakas ng loob mong magsumbong kay Attorney! Bakit ha? Ikaw lang ba ang may karapatan sa pera ng kapatid ko? Ha? Ano? Ano bang gusto mong bata ka?" Kinaladlad niya ako papasok ng kotse wala akong nagawa kung di sumunod sakaniya.

"Nikola!" Hiyaw ni Fermi sakin. Tinanguan ko lang siya. Nakita kong umiiyak si Fermi pero bago ko pa masabi na wag siyang mag alala sakin ay sinarado na nung dalawang lalaking tauhan ni tita yung pinto ng van.

Ng makapunta na ako sa bahay namin agad akong tinulak ni tita sa upuan! At sinampal ng malakas napahiyaw ako sa sobrang sakit at sa kabilang pisngi naman niya akong sinampal halos matalon ako sakit at lakas ng pagkakasampal niya saakin.

"Hinding hindi magagawa kung ano man yang binabalak mo Nikola! Matagal ko na tong pinaplano. Hindi ko hahayaang masira mo lahat ng 'to." Lalo akong nakaramdam ng galit sakanila sa narinig ko. Wala naba talagang halaga yung pagiging magkapatid nila ni mommy? Talaga pera lang ba talaga ang katapat niya?

"Napaka sama mo!" Hiyaw ko sakaniya dahilan para sampalin niya ako ulit naramdaman kong may tumulong dugo sa labi ko. Dahil sa lakas ng pagkakasampal niya saakin ay nakaramdam din ako ng hilo. Si Naccy naman ay nakatingin lang akin habang nakatingin. Ang sama niyo! Magbabayad din kayo.

Hinila ako ni Tita? No. For now! Hinding hindi ko na siya igagalang. Hinila ako ni Teresa sa bodegang tinutulagan ko dati at kinulong ako doon.

"Buksan niyo 'tong pinto! Pakawalan niyo ko dito! Mga walangya kayo! May karma din kayo tandaan niyo yan! Ansama sama niyo...." Paiyak kong sabi habang kinakalampag yung pinto.

"Matodas ka kakasigaw jan dika makakawala jan. Bye my dear Nikola a poor woman." Sabi ni Naccy ni malanding boses.

"Bitch." Hiyaw ko sakaniya.

"Yeah. I'm bitch!" Kinalampag niya ng tatlong beses yung pinto at naramdaman kong umalis na siya.

Umupo ako sa lapag at iniyak ko lang ng iniyak lahat. Bakit ba nangyayari 'to sakin? Ang hirap hirap na. Ang hirap maging mag isa. Ang hirap umiyak araw araw. Pagod na pagod nako. Wala bakong karapatang maging masaya?

"Nikola be strong" bulong ko sa sarili ko.

Habang padilim ng padilim ang palagid, unti unti kong nararamdaman ang tako. Tanging sinag nalang ng buwan ang kita da maliit na bintana kung nasan ako ngayon.

Why I always look like this? Kawawa, kinakawawa, ka awa awa. Bakit kailangan kong maranasan yung ganito.

Pera nalang ba talaga ang mahalaga ngayon. Andami dami ng nakakagawa ng masama ang mga tao dahil lang sa pera.

Sobrang sakit na ng ulo ko kakaiyak, araw araw nalang bakong iiyak? Gusto ko lang naman maging normal ang buhay ko, gusto ko lang namang maging masaya. Hindi ko naranasan dahil sa dimonyo kong tita.

Pagod na pagod nako sa papanakit.

Gusto kong gumanti. Gusto kong maranasan nila yung nararansan ko ngayon.

Hikbi.

"Magiging okay din ang lahat Nikola, makakalabas ka dito."

Kinaumagahan, sobrang sakit ng ulo dahil sa kakaiyak ko kagabi.

Daig ko pa isang nakagawa ng mali sa pagkakakulong ko dito.

"Nikola?" Boses ni Naccy. "Hey?" Ulit niya ng di ako sumagot. "Are you still alive?" Sarkastikadong sabi nito.

Mas pinili kong hindi magsalita at hayaang nalang siyang mag mukang tanga kakasalita.

Maya maya ay diko narinig yung boses niya sa labas. Satingin ko ay napagod nasiya kaka salita at sa pang aasar sa akin.

They said if someone who always insult you, wag nalang natin pansinin kasi dadating din yung oras na mapapagod din sila kaka asar satin. Kasi habang binibigyan natin sila ng pansin patuloy at patuloy lang sila sa pang iinsulto satin. Kasi yung lang naman sila e mga kulang sa pansin. E kung hindi natin sila papansinin? Sa huli sila parin ang maiinsulto.

Sa mga oras na 'to hindi ko alam kung bakit inaantay ko si Dart na iligtas niya ako dito o ilalabas niya ako dito. Kasi yun naman lagi niyang ginagawa, he always here when I need a help. Ewan ko nasasanay na ko ma parang hero ko siya.

Hindi manlang nila ako hinahatidan ng pagkain, alam kong sinasadiya nila 'to gusto siguro nila akong patayin sa gutom.

Isang linggo na nakakulong ako dito. Wala pa akong ligo, kahit tubig at pagkain ay di manlang nila ako hinahatidan. Kaya wala akong maidumi o maihi.

Habang patagal ng patagal ang mga oras na andito ako. Unti unti ko ng nararamdaman ang panghihina ng katawan ko. Wala narin akong luhang mailabas dahil halos araw araw ay pagiyak lang ang ginagawa ko. Patuloy parin akong binabalik balikan ng magnanay para tanungin kung buhay pa ako.

Lagi ko paring tinatanim na sa isip ko na dadating si Dart para ilabas ako dito. Hindi ko alam pero siya ang lakas ko ngayon. Siya ang dahilan kung bakit di ako sumusuko.

Nakaupo ako sa isang gilid hilong hilo na ako sa gutom at uhaw, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Habang palipas ang palipas ang mga oras na nasa loob ako ng kwartong 'to. Palaki ng palaki ang galit na nararamdaman ko.

Sa oras na makalabas ako dito. I will make sure that you will pay. Ipaparanas ko sainyo lahat ng naranasan ko. Pero sa tamang paraan.

2 weeks.

2 weeks nakong nandito.

Sobrang sama na ng pakiramdam ko. Hinang hina na ako. Kung dati ay nakakaupo ako ngayon ay nakahiga nalang ako sa malamig na sahig.

Ramdam ko ang matinding gutom at pagkauhaw.

Hilo na dahil sa puyat.

Ramdam ko ang matinding paghina ng katawan ko.

Hanggang sa manlabo ang paningin ko sa hilo na nararamdaman ko.

Pero bago pa tuluyang pumikit ang mga mata ko nakita kong bumukas ang pinto. Napangiti ako at naramdamang may lumabas na luha sa mata ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

My first love, is my hero.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon